Deal XLII

1.1K 22 0
                                    

The next day...

Nagising si Jennie sa tunog ng alarm niya on her phone. She turned the alarm off and check her messages. One was from her mom, one was from her manager, one was from Chaeng but none from Lisa. Nagw-worry na si Jennie dahil hindi ugali ni Lisa ang hindi mag-text sa kanya. Kahit may tampuhan sila hindi nakakalimot mag-text ang girlfriend niya.

She got out of bed and prepared herself ready for work. Pagpunta niya sa kitchen for breakfast bigla niyang naalala ang madalas na pagpapadala ni Lisa ng breakfast na himalang wala today. Medyo nalungkot naman si Jennie dahil parang nag- disappear na naman ang girlfriend niya. Napatitig sa malayo si Jennie

Manang: Kakain ka ba?

Biglang natauhan.

Jen: po?

Manang: Sabi ko kakain ka ba?

Jen: Hindi na po. Bibili na lang ako sa labas pero paki lutuan na lang po si Irene and Miyeon. :)

Manang: Tumawag pala ang mommy niyo kagabi. Hinahanap yung dalawa. Hindi raw kayo sumasagot ng phone. Sinabi ko na lang tulog na kayo.

Jen: Hindi ko po kasi namalayan na nag-ring yung phone ko. Ah... ehh.. si mama lang po ba tumawag?

Manang: Oo, bakit may hinihintay ka pa bang ibang tawag?

Jen: Ah, wala naman po.

Napansin naman ni manang ang pagka disappointed ng dalaga.

Manang: hay nako. Sigurado may dahilan kung bakit di siya tumatawag.

Jen: Sino po?

Manang: Hay, Jennie. Kilala kita. Alam ko kapag may problema ka lalo na kay Lisa.

Jen: Manang talaga! Aalis na nga po ako.

Manang: O sige. Mag-ingat ka. :) maayos mo rin yan.

Umalis si Jennie at pumunta na ng studio.
.
.
.
.
.
.
.
.
Jen: Good morning Chaeng!

Chaeng: Morning Jen!! :)

Umupo lang si Jennie sa harap ng salamin at hindi na umimik. Napansin naman kaagad ni Chaeng ang katahimikan ng kaibigan. And she knows exactly why.

Chaeng: Hindi pa rin kayo okay?

Napabugtong hininga lang si Jennie.

Chaeng: Sabi naman sayo tawagan mo na eh. I think she already learned her lesson.

Jen: I tried calling her but she won't answer.

Chaeng: Hala ka! Sinasabi ko na nga ba eh. Maliit na bagay lalaki.

Jen: Stop na nga. I get it na. Ang OA ko.

Chaeng: Wala akong sinabing OA ka. Actually, scratch that. OA kayong dalawa. Arte-arte niyo. Gusto niyo talaga laging may halong drama. Hmm. Mag-ready ka na nga. Ayusin natin to later.

Nagsimula na ang rehearsal at lalo namang nadismaya si Jennie ng nalaman niyang wala si Lisa.

Buong rehearsal ay halatang wala sa ulirat ang isip ni Jennie. Pinagtatakpan na lang siya ng mga kaibigan para hindi mahalata ng DI and other staff.

Natapos ang practice na tahimik lang si Jennie. Gumagana ang hawak niya pero siya mismo hindi.

Pagpasok niya ng dressing room ay nagmamadaling siyang nag-ayos ng mga gamit niya.

Chaeng: Oh, nasan ang emergency? Bat parang may hahabulin ka?

Tuloy-tuloy lang si Jen sa pag-aayos.

Jen: Hindi ko na patatagalin to ng isa pang araw. Pupuntahan ko ng yung emotera kong girlfriend.

Chaeng: :))) Sus, di rin natiis!! Mamaya mag-aaya ka na naman.

Napatigil si Jennie at binato si Chaeng ng isang crumpled paper sa lamesa. Tinawanan siya ni Chaeng.

Chaeng: Can't wait to tell Miyeon and Irene about this.

Jen: Can you not drag my sisters into this. It's enough na, na you, Jisoo and Seulgi are meddling with us.

Chaeng: Didn't you know? The more the merrier.

Jen: Ugh!!! Bahala ka nga!!

And with that Jennie left the dressing room in a rush para hanapin ang girlfriend na isang araw ng walang paramdam.

She went to her condo because she feels that she'd be there.

Kumatok si Jennie


Knock. Knock. Knock.


Pinagbuksan si Jen ng pinto ng maid.

Maid: Good afternoon po ma'am Jen.

Jen: Good afternoon. Nandyan ba si Lisa?

Maid: Ay opo ma'am. Kagabi pa po nilalagnat. Ayaw naman pong magpadala sa ospital. Hindi namin mapilit eh.

Tumakbo naman si Jennie papunta sa kwarto ni Lisa at naabutan ang girlfriend na tulog pero nanginginig sa lamig. Nilapitan niya ito at hinawakan ang noo. Halos mapaso si Jennie sa init.

Inalagaan ni Jennie si Lisa hanggang tumigil ito sa panginginig. Tinabihan niya ito sa kama at niyakap ng mahigpit. Afterall the best source of heat is body heat. Maya-maya ay nakatulog na rin si Jennie.

After a few hours ay nagising si Jennie. Pagdilat niya ay bumungad sa kanya ang mga mata ni Lisa na nakatitig sa kanya.

Jen: Kanina ka pa gising?

Lisa: Medyo.

Jen: Bat di mo ko ginising?

Lisa: Sarap mo titigan eh.

Hinawakan ni Jennie ang noo ni Lisa at napansin hindi na ito sing init kanina.

Jen: Bumaba na ata lagnat mo eh.

Lisa: Syempre, nandito na yung gamot ko eh.

Jen: Hmmm. Ewan ko sayo.

Lisa: Galit ka pa? :(

Jen: Ikaw galit ka ba?

Lisa: Ako? Galit? Bat naman ako magagalit?

Jen: Kasi ang babaw ko magalit sayo. Hindi mo nga sinasagot yung mga tawag ko kagabi.

Lisa: hindi ako galit sayo. Busy lang ako magkasakit kagabi kaya di ko nasagot.

Jen: Ano ba kasing ginawa mo at nagkasakit ka?

Lisa: Ewan. Baka lovesick o sepanx.

Jen: Love sick? Sepanx?

Lisa: Oo. Lovesick, nagalit yung mahal ko sakin eh. Sepanx, separation anxiety, nasanay kasi akong lagi kitang katabi eh, umalis ka kagabi tapos ayaw mo kong kausapin. Ayun, di ko kinaya, nilagnat ako.

Jen: Ikaw talaga, may sakit ka na nga't lahat, bumabanat ka pa din. :)

Lisa: Sayo lang ako nagkaganto.

Jen: Dapat lang!

Lisa: Bati na tayo?

Jen: mhhmm. :) peace na!

Bigla namang nag pucker yung lips ni Lisa.

Jen: Ano yan?

Lisa: Sabi mo kiss na.

Jen: Sabi ko peace hindi kiss. Asumera ka din.

Lisa: Kala ko makakalusot eh. :))

Jen: Banned ka pa di ba. Since ako naman nag-aaya.

Lisa: baby naman eh, joke lang yun. Sineseryoso mo naman masyado.

Tinawanan kang ni Jennie ang girlfriend.

****
Fluff fluff..




DEAL (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon