Deal VI

2.3K 24 4
                                        

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na patuloy parin ang panliligaw ni Kai kay Jenny. Nakikita naman ng mga kaibigan ni Jenny kung gaano ito kasaya. Laging nakangiti, very positive ang outlook, basta masaya lang siya. Si Lisa naman ang kabaliktaran ni Jenny. Madalang magsalita at halatang laging marami ang iniisip nito. Sinubukan ni Lisa na baguhin ang sarili niya para kay Jenny. Madalas din ang mga pahaging niya sa dalaga na animo'y palaging double ang meaning para sa mga nakakarinig. Napansin naman ito ng mga kaibigan niya pero parang wala paring napapansin si Jenny at lalo itong ikinaiinis ni Lisa.



Birthday ni Jisoo at nag-invite ito ng dinner sa kanyang bahay. Dumalo naman ang mga imbitado bitbit ang kanilang mga regalo para sa huli.


Dumating si Jenny ng mag-isa at kaagad na pumunta kay Jisoo para batiin at ibeso.


Jenny: Happy Birthday, my guidance counselor! :)))

Jisoo: thanks jendeukkkk!!! (Napansing mag-isa ito) where is Kai? I invited him kaya.

Jenny: he said sorry nga pala. Hindi siya makakapunta kasi ngayon pala yung shoot ng music video nila. He's gonna try na humabol pero baka kasi malabo kasi out of town yung shoot. Pero pinabibigay niya nga pala ito. (sabay abot ng regalo, one from him and one for her)


Jisoo: aww... Ang bait talaga nun! Thank yooouu!! Sige, go with the others muna. I'll just check a few things. :)



Lumapit naman si Jenny sa mga kaibigan niyang nakakumpol sa mesa.


All: Hi Jen!!

Jenny: Hi!! Kanina pa kayo?

Rose: hindi naman msyado. Mga 30 mins :)

Seulgi: san si Kai?

Jenny: may shoot para sa music video nila. Sayang nga eh.

Joy: Jenny, kayo na ba ni Kai?

Jenny: ano ka ba joy! Grabe mga tanungan mo ahh...


Nagtawanan naman sila at patuloy na inasar si Jen.

Jenny: wala pa ba si Lisa? Di naman nala-late yun pag usapang party ahh..


Mino: andito lang yun. May kakausapin lang daw sa phone. San na nga ba yun?

Jenny: sige hanapin ko muna at ng matigil pangchichismis niyo sakin.


Umalis si Jenny at hinanap sa bahay si Lisa. Lumabas siya at pumunta sa garden nila Jisoo. Puro halaman at iba't-ibang klaseng bulaklak ang naroon dahil mahilig palang magtanim ang mommy ni Jisoo. Naalala ni Jenny na sabi ni Jisoo dun siya tumatambay pag gusto niya makapag-isip-isip. Lumapit naman si Jenny kay Lisa na akmang nakatalikod kaya't di siya nakikita.

Sa paglapit ni Jen ay tinakpan niya ang mata ni Lisa.

Lisa: ay shit! Hoy sino to? Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon ahh..

Pinipigil ni Jenny ang sarili sa pagtawa habang nagpupumiglas si Lisa.

Lisa: I'm warning you, masasaktan kita pag di mo ko binitawan.

Pinakawalan na siya ni Jenny dahil mukang siryoso ito.


Jenny: grabe ka naman! Napaka bayolente, hindi mabiro!


Lisa: .......

Jenny: huyy... May problema ka ba?

Lisa: wala.

DEAL (Jenlisa)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon