Kabanata 26

4.6K 133 12
                                    

Kabanata 26

Liam/kley pov.

Hindi niya namalayan na nakangiti siya na habang tinitigan niya si plea..

"Here.."biglang sabi ni max na biglang sumulpot sa tabi niya..

Masamang tinignan niya ito. Para itong multo na bigla bigla nalang sumusulpot.

"Kunin mo na at mag propose kana sa kanya.."sabi ni sky na biglang nagpakita rin. Binigay naman ni max ang maliit na box sa kanya. Alam niya ang laman iyun ang necklace na simbolo nilang fucking womens..

"Mga gago kayo!!"galit na sabi niya.

"Mamaya mo na kami murahin liam. Ang gawin mo sabihin mo na sa kanya kong gaano mo siya kamahal.."sabi rin ni reid na biglang lumitaw rin.

"Oo nga.. Para naman sakalan na este kasalan na.."sabi rin ni max na lumitaw rin.

"Mga gago talaga kayo!!! Hinding hindi niyo talaga pinapalampas ang araw na to hindi kayo nakakagawa ng katarantaduhan no. Ang sarap niyo ilibing ngayon..."sabi ni neo na nasa tabi niya.

"Lolo neo dont worry kapag ikaw naman ang ikakasal gagawa din kami ng hindi mo inaasahan. Baka nga sa sementeryo pa namin maisipan mag ayos para maging venue ng kasal mo.."sabi ni yam yam..

Napailing nalang siya sa mga katarantaduhan ng mga ito.

"Gago!!"mura na sabi ni neo..

"Ohh siya umalis na tayo at momment na ni lolo liam."sabi ni max saka sila nagsiwalaan.

Madilim parin kasi ang lugar. Umalis na rin si neo kaya siya nalang mag isa sa spotlight. Si plea naman nandoon parin na naka spotlight rin..

"Plea... Asawa ko.."simula na sabi niya pero narinig niya ang boses niya sa speaker. Alam niyang sina yam yam nanaman ang gumawa iyun.

"Plea... I know madami akong kasalan sa iyo.. Im so sorry asawa ko.. Pero please marry me again.. Ipapakita ko sa iyo kong gaano kitang kamahal.."kinakabahan na sabi niya..

Biglang naglakad si plea papunta sa kanya..

"I know im not perfect husband to you at sinaktan pa kita.. Alam kong hindi ko na mabubura ang alaalang iyun pero plea... Asawa ko.. Please mag simula ulit tayo.. Gumawa tayo ng bagong memories bilang mag asawa.. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka at bubuo tayo ng masayang pamilya.."seryosong sabi niya at kita niyang lalo itong umiyak..

Naglakad na rin siya palapit dito. Paglapit nila kusang tumaas ang kamay niya para pahirin ang luha sa pisnge nito..

"Kley.."umiiyak na sabi nito. Parang hindi siya makahinga sa nerbiyos na baka ayaw ulit nitong pakasalan siya..

Biglang ngumiti ito sa kanya habanh umiiyak.

"N-natandaan mo ang aniversary natin.."sabi nito.

Ngumiti siya dito..

"Oo naman iyun ang pinaka ayaw ko na araw noon. Pero gusto kong palitan ang alaalang iyun kaya ginawa ko ang suprice na ito.."sabi niya dito..

"Thank you so much kley pinasaya mo ako ng husto......" Sabi nito..

Hinawakan ko ito sa kamay...

"Marry me again asawa ko.."nakangiting sabi niya dito.

Tumango tango naman ito..

"Oo kley.. Papakasalan kita ulit. Ikaw lang ang lalaking gusto kong pakasalan paulit ulit."sabi nito kaya hindi niya mapigilan na halikan ito sa mga labi..

"Thank you so much asawa ko.."sabi niya pagkatapos niya ito halikan at inilabas niya sa box ang kwintas na simbolo nilang fucking womens..

"K-kley.."hindi makapaniwalang nakatingin ito sa kwintas. Alam nito na simbolo nila iyun.

FUCKING WOMENs 04: KLEY LIAM STEWARD✔️✔️✔️✔️ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon