*dip-dop-dip-dop**woosh*
Nagising ako sa mga tunog na yan.
Eto na naman ako sa sasakyan papunta sa bago namin titirhan.
Umuulan ng parang walang kinabukasan.
Namimiss ko na mga magulang ko lalo ngayon na-ulan.
Di ko nakakasama lagi ang mga magulang ko.
Bakit?
Wala na silang oras para sakin ang oras nila lagi nalang nasa trabaho.
Trabaho
Trabaho
TRABAHO!
Minsan natanong n'yo na ba sa magulang n'yo na ba't minsan wala silang oras para sayo?
Ang ganda nga ng buhay ko meron kotse, sariling bahay, nag-aaral sa mamahalin eskwelahan at nabibili lahat ng gusto ko pero ayoko nung mga bagay na yun ang gusto ko pag-mamahal ng isang magulang.
Ako yung taong walang iniisip kung hindi sarili ko minsan dahil 'jan nakakalimutan ko na yung mga tao na nasa paligid ko.
Isa ang pamilya namin sa pinaka-mayaman na tao sa pilipinas.
Meron kaming kumpanya na balang araw ipapangalan na sa 'kin at pamumunuan ko.
Meron din akong times na feeling ko wala akong kaibigan, lahat ng tao ayaw sakin at bigla bigla nalang naiyak.
Tuwing may sakit ako laging wala ang mga magulang ko, magpapadala lang sila ng doctor at ang mga katulong sa bahay na ang bahala mag-alaga sakin.
Sa eskwelahan namin isa ako sa pinakasikat at pinagkakaguluhan ng lahat.
Nag momodel din ako dahil pinilit ako nila mommy na subukan ang runway shows.
Dahil sa career ko pinipigilan ko ang sarili ko kumain ng kung ano-ano.
Kung ang ibang tao pinapangarap ang buhay ko pwes ako hindi.
Sa edad ko na 15 ang dami ko nang nagagawa what more kung pagtanda ko.
Sana di dumating sa point na mahirapan ako sa point na ayoko na dun sa point na pagod na ko sa lahat.
I wish I was just a simple girl with a happy life.
Pupuntahan lang ako ng magulang ko sa school pag recognition.
Isa din ako sa top student sa school.
Ma-attitude ako pero kahit anong attitude ko sa ibang tao gusto parin nila ako makasama.
Sa school I have my 4 best friends we were friends starting elementary days.
Sila yung mga tao na laging nanjan para sakin.
Pinaparamdam nila sakin 'yong mga bagay na kailangan ko.
Pinaparamdam nila 'yong care and love na 'di ko nakukuha.
Many people envy our friendship kase lahat kami galing sa high-class families.
Oo, dumating dati yung time samin magkakaibigan na muntik na kami magkahiwa-hiwalay just because of a stupid secret.
Di kami nagusap-usap pero tuwing nangyayari 'to meron kaming isang kaibigan na ginagawa nya ang lahat para lang magbati-bati ang lahat.
I secretly have a crush on one of my bestfriends pero walang may alam kase feeling ko di nya ko gusto.
Ngayon sa mga oras na toh pumipikit ako habang iniisip sila na sana hindi sila mawala sakin.
"Ma'am"
"Yes?"
"Meron pa po ba kayo gustong puntahan?" Tinanong sakin ng driver
ko."Wala naman na"
"Nanjan nga po pala ang mga magulang nyo, bagong dating lang po galing sa business trip nila."
"Really!" Sabik kong sinabi.
Tumango lang sya sakin.
Excited na 'ko umuwi, pagkatapos nang maraming buwan na wala sila sa bahay yes!
Agad agad ko tinawagan ang isa sa mga kaibigan ko.
"Sorry, di ako makakapunta bukas sa gala natin."
"Bakit? Ikaw pa naman yung laging present."
"Kakauwi lang nila mommy at daddy."
"Wow! Enjoy, tagal mo silang hinihintay e."
"Oo noh,"
"Sige sabihin ko nalang sa iba."
Pinatay ko na yung phone kase that's what friends are diba?
Di ko mapigilan 'yong tuwa ko na nanjan sila mommy at daddy.
Biglang bumilis ang takbo ng sasakyan namin. Nagpanic ako kung bakit bigla nalang bumilis ang takbo.
Wala na kong maramdaman at pumikit nalang. Di ko marinig mabuti ang nasa paligid ko.
Anong nangyayari?
BINABASA MO ANG
365 DAYS
Teen Fiction365 days (Where all the dream starts) Hanggang 365 days lang ba 'di ba pwede dagdagan natin ang mga araw na magkasama tayo kahit isa pang 365 days. Ang tatlong daan at animnapu't limang araw kumakatumbas ng isang taon, labing dalawang buwan yan ang...