Bumaba na kami at dinala ko na yung pagkain namin habang dala naman ni Colten yung bag namin dalawa.Nilagay ni Colten yung bag namin sa kwarto nya at inayos ko na yung kakainin namin.
"Oh sweety, I didn't know that you are coming"
I turned around and saw Colten's mother.
We hugged each other as greetings.
"It wasn't planned and it was so sudden"
"We are about to eat, do you want to join us?"
"No thanks sweety, I have a meeting to attend to...bye"
Umalis na si Tita and umupo na ko iniintay si Colten.
"Ano nanaman sinabi ni Mommy sayo?" Tanong ni Colten sa akin.
"Wala lang"
Umupo na kami at nagsimula na kumain.
"Ano ok ka lang?"
"Huh?"
"Kung ok ka lang ba?"
"Oo naman noh"
"Iiyak mo na yan"
"Anong iiyak?"
"Wag mo sarilihin, iiyak mo nandito lang naman ako"
"Ayoko nga...ayoko magmukang mahina"
"Di naman ibig sabihin na umiyak ka mahina ka na, pag umiyak ka matapang ka kase imbes na sumuko nilalabas mo mas maganda na yun kesa naman na nahihirapan ka atleast kapag umiyak ka nilalabas mo nalang yung galit o yung lungkot mo"
"Ayoko parin"
"Sige sabi mo yan"
Tumulo bigla yung mga luha ko at sunod-sunod na ito.
"Sabi na eh...kala ko ba ayaw mo"
"Ayaw ko pero di ko naman sinabi na di ko gagawin"
"Abnormal ka talaga"
Tinignan ko sya ng masama at umiyak ng pagkalakas habang kinakain ko yung manok.
Narinig ko si Colten na tumatawa.
"Bakit ka natawa?"
"Wala kumain ka nalang"
Tumatawa parin si Colten at eto ako parang batang hindi binilhan ng laruan sa mall tas walang choice kung hindi kumain.
"Tama na, ano gusto mo ba umuwi?" Tanong ni Colten sakin at pinunasan ko ang mga luha ko.
Tumango lang ako.
"Kukunin ko lang bag mo"
Umakyat na si Colten at kinuha ang bag ko.
Sumakay na kami sa sasakyan at nagmaneho na si Colten.
"Bakit nga pala biglang nagbago isip mo?"
"Huh? Ah, wala lang"
"Yung totoo wala lang ba talaga?"
"Wala nga lang parang ang dami kaseng tao"
"Nandun sya diba?"
(O_O)
"Wala ah"
"Wag ka na magkungyari pa alam ko, nakita ko iniintay ko lang na sabihin mo"
"Oo na, nandun sila"
Hindi na kami nagsalita pa.
----------<3----------
"Thank you"
Bumaba na ko at pumasok na.
"Who are you with?" Sumalubong si Minjun sa'kin.
"Wala, just a friend" sagot ko at tumaas na ako.
Tinanggal ko na yugn make up ko at naglinis na ng katawan.
Nagbibihis ako ng may kumatok.
"Are you going to eat?" Tanong ni Minjun.
"Hindi, busog pa ko eh"
Busog ka rin diba? Kumain ka na kanina. Pagkain lang kaya talaga kinain mo? Hmmm...
BINABASA MO ANG
365 DAYS
Teen Fiction365 days (Where all the dream starts) Hanggang 365 days lang ba 'di ba pwede dagdagan natin ang mga araw na magkasama tayo kahit isa pang 365 days. Ang tatlong daan at animnapu't limang araw kumakatumbas ng isang taon, labing dalawang buwan yan ang...