Chapter 2🌟

408 10 0
                                    


Nagising ako sa ingay ng paligid ko.

Tumingin ako sa kanan ko at nakita ko ang mga magulang ko na umiiyak.

"Sa wakas gising ka na."

Niyakap nila ako ng mahigpit na parang ayaw nila ako mawala.

"Kung ako lang sana ang kasama mo nung gabing yun walang mangyayari." Sabi ng aking ama.

Ilan araw din nung ako ay nakalabas ng ospital.

Bukas pasukan na kaya kailangan ko pumasok sa ayaw at sa gusto ko.

Makikita ko nanaman ang mga kaibigan ko na kala mo sa gubat nakatira.

Kanibukasan

Gumising ako ng maaga para di ako mahuli sa klase.

Na-amoy ko ang favorite ko na pagkain pancakes.

Dali dali ako bumaba para kumain.

"Ma, ikaw nagluto?" Tanong ko sa mommy ko.

"Oo naman para sa pinakamamahal ko na anak."

Ang bait ng magulang ko sa 'kin, sila ba talaga 'to o isa lang 'tong panaginip?

Pagkatapos ko kumain naligo ako, sinuot ang uniform at kung ano ano pa.

Excited ako makita ang mga kaibigan ko.

Sumakay ako sa sasakyan ko at pumunta sa school.

Pagdating ko sabay kami ng mga kaibigan ko dumating.

Kami kayang apat ang pinakamayaman  dito noh kaya kilala kami ng lahat.

Taon taon din kami may speech para sa mga bagong students sa school. Vice president ako ng school lahat kami meron katungkulan dito sa school and lahat kami nasa top sa buong school.

Bumaba kami sa mga sasakyan namin at maraming tao ang nagi-intay sa 'min.

Nagyakapan kaming apat dahil ilan araw ko sila 'di nakita dahil sa aksidente na nangyari sa 'kin.

Gumawa ng daan ang lahat para makadaan kami sa gitna.

Pumunta kami sa stage para gawin ang speech namin.

Huli akong magbibigay ng speech at eto kinakabahan nanaman ako.

"I am Monique Chandria Cruz at ako ang naghahandle ng events sa school pwede kayo lumapit sa akin. Kung meron gusto tumulong kung meron events dito sa school for short you can help me anytime for events, Thank you"

Yan ang isa sa mga kaibigan ko si Monique Chandria Cruz she is a cheerful girl never ko pa sya nakitang umiyak, brainy din s'ya.

Tumayo ang isa namin kaibigan at nagsigawan ang mga babae. Well, lagi naman nangyayari 'yon.

"Hi, I am Lawrence Harrison Lim-"

Di n'ya matuloy ang sinasabi n'ya dahil sa lakas ng tilian ng mga babae, tsk yan gwapo? Sa'n banda?

"Hahahaha ok ok ako si Lawrence Harrison Lim and I am in-charge of the problems in school kaya you can ask me for help anytime *wink*"

Ayan nanaman ang nakakasawang tilian ng mga babae.

Ayan si Lawrence Harrison Lim s'ya ang sinasabi nila na pangalawa sa gwapong lalaki dito talaga ba? Parang hindi naman.

"I am Laurene Ashlyn Torres, ako ang Secretary n'yo and you can always approach me for help, Thank you"

Yan si Laurence Ashlyn Torres, my best friend since birth mabait s'ya maganda, brainy, kind ,helpful at cheerful. She and her family always have a problem kaya minsan sa bahay namin s'ya natutulog.

Eto na si crush na owemjiiiii

"Hi everyone, I am Colten Gabriel Alexander and-"

Wahhhhhhhhhh

Nagtitilian na naman ang mga babae dito. Hmmm, crush ko 'yan akin lang yan.

Wow! Kala mo kanya eh. Kung maka akin kala mo kanya.

"So eto nga hahahaha I am Colten Gabriel Alexander, your President and I promise to maintain this school at peace and order. I promise to help everybody and you can always approach me anytime, Thank you."

Girls are screaming everywhere my gad.

Yan si Colten Gabriel Alexander, ganda ng pangalan noh syempre crush ko 'yan eh gwapo n'ya din, no. 1 fan n'ya ko noh excuse me, akin yan charot walang kami HAHAHA.

Now it's my turn.

"Hi, I am Vanessa Abigail Richardson, I am your Vice President and as a Vice President I promise to help the President to maintain our school in Peace and order for everybody to have a happy and enjoyable high school life, Thank you" 

Syempre, kailangan ko matulungan si crush kaya pinaglaban ko na ako ang Vice. 

I am Vanessa Abigail Richardson, brainy, beautiful, kind, cheerful, helpful and sometimes serious, iyakin.

"Let us all Welcome our students that will help us in our school days."

Pumunta kaming lahat sa harapan at nag bow sa lahat.

Nagsigawan at palakpakan ang lahat.

Kinuha ko ang mic sa principal para sabihin ang gagawin.

"Since it's your first day of school I declare for everyone to have fun and get to know everybody but still maintain the school's cleanliness."

Lumakas lalo ang hiyawan ng lahat.

Ako si Vanessa and this is our life...

365 DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon