----------<3----------
Vanessa's pov
Today is our last day here. Nagbihis na 'ko kasi gusto ko na pumunta sa beach. "Monique, gising na," tumatalon ako sa higaan niya. "Mamaya," mahinang pagkasabi niya. 'Di ako tumigil sa kakatalon para magising siya.
Lagi ko 'tong ginagawa sa kanilang lahat lalo na kapag meron kaming sleepover. Ako 'yong pinakabata sa aming tatlo and ako 'yong baby sa group namin. Ang grupong hindi na alam kung maibabalik pa sa rati.
"Gising na ko," sigaw ni Monique. "Punta tayo sa beach," pabebe ko sinabi sa kanya. "Sige na bihis lang ako at putcha 'wag ka ganyan 'di bagay."
Pagkabihis ni Monique kumatok kami sa pinto ng kwarto nila Lawrence.
*knock knock knock knock knock*
Madaming beses ako kumatok para naman kung tulog pa sila magigising na sila.
"Sino yan?" Sigaw ni Lawrence "Kami 'to!"
Binukasan ni Minjun 'yong pinto at pinapasok kami. "Nagugutom na 'ko, baba na tayo para magbreakfast?" Sabi ni Lawrence "sige, 'lika na"
Bumaba na kami at umupo na para kumain.
----------<3-----------
Pagkatapos kumain dumiretso na kami sa beach at pagkapunta namin do'n, may nakita ako na bitch? Charot. Pagkapunta namin umupo muna ako sa buhangin habang nagswimming na sila Monique.
"Vanessa, ano pa ang ginagawa mo diyan? Aalis na tayo mamaya kaya halika na," sigaw ni Monique. "Ah sige, teka lang."
Pumunta na 'ko at dahil hindi naman ako katangkadan pero matangkad ako kaso ang problema nandun sila sa malalim na part eh hindi ako marunong lumangoy.
"Ah, dito na lang ako," sigaw ko sa kanila "Dito ka!" Sigaw ni Monique.
Pinuntahan ako ni Minjun at tinanong kung bakit ayoko pumunta ro'n "why?" At ang sinagot ko lang ay "'di ako marunong lumangoy," tinawanan niya lang ako sa sinabi ko "hop on," sabi niya sa 'kin at sabay tumalikod "sure ka?"
Tumalon ako sa likod niya at binalot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg. Dahil mas matangkad siya sa 'kin, abot pa niya ang sahig ng dagat. "Abot mo pa ba?" Tanong ko sa kanta. Tumango lang siya sa 'kin.
Pagdating namin do'n narinig ko na sinabi ni Monique na "Sana ako din meron bubuhat," malakas na sinabi ni Monique tila ba nagpaparinig siya.
"Oh, sana siya rin daw," malakas ko rin sinabi para ito'y marinig ni Lawrence. Tumingin kami ni Minjun sa kanya. "Oh, ba't kayo nakatingin sakin?" Tanong niya sa amin "wala lang," sagot ko sa kanya "halika na nga ahon na tayo, nagugutom ako," tumitingin siya sa paligid namin habang sinasabi niya ito.
Nang maka-alis na kami sa tubig ay ibinaba na ako ni Minjun. Naghanap na naman kami ng makakainan at maya maya naman nakahanap na kami. Ito'y isang seafood restaurant. 'Di ako mahilig sa seafoods pero ok lang naman. Madami kaming inorder.
"Kaya niyo ba ubusin yan?" Tanong ko sa kanila. "Yes!" Sabay sabay at malakas nilang sagot. Nagsimula na kaming kumain.
Hindi ko naman sila ginutom pero bakit para silang nga baboy na hindi pinakain.
----------<3----------
Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa hotel at nag-ayos na kami ng mga gamit namin kasi babalik na kami sa Manila.
20 minutes later~
"Ano wala na ba nakalimutan?" Tanong ni Monique sa amin "wala na," sagot ni Lawrence.
Binalik na ni Lawrence yung susi ng kwarto namin para makaalis na kami.
----------<3----------
Nasa loob na kami ng private plane namin at kilala nyo naman ako laging tulog kaya diyan muna kayo tutulog muna ako pagbalik ko nasa Manila na ulit ako tas gigisingin muna ako pero diyan muna kayo pansamantala...bye mwah.
Monique's pov
Sumaya naman kaming lahat. 'Yon naman ang kailangan naming lahat, lalo na si Vanessa. Masakit 'yong ginawa sa kanya pero hindi ko rin naman alam ang side ni Colten at Laurene, hindi ko rin naman nakita ang mga pangyayari at wala ako ro'n.
Tumingin ako sa Vanessa at mukhang pagod na pagod siya. Biruin mo naman kasi 'di ba 'yong bestfriend na pinagkatiwalaan mo sa lahat ang mismong aahas sa 'yo. Ang tanga rin ni Colten dahil pinabayaan niya ang isang Vanessa Abigail Richardson. He lost a girl who is willing to sacrifies everything just for him.
I love my friends pero hindi ko alam ang mga sasabihin ko sa kanilang lahat. Mabubuo ko kaya muli ang grupo namin?
Ayoko mawala ang isa sa kanila. Ayokong mabawasan kami pero mukhang hindi ko mapipigilan naghiwa-hiwalay kaming lahat. Ang saya namin dati pero 'yon pala hindi na totoo ang mga saya na pinapakita namin sa isa't isa.
Ako, inaamin ko na hindi rin ako masaya minsan kapag magkakasama kami nila Vanessa dahil nagseselos ako na hindi ako 'yong gusto ni Lawrence at pareho lang kami ni Laurene. Hindi lang niya kinaya ang lahat kaya siguro niya ginawa 'yon.
Minsan kapag pinapagalitan siya ng mga magulang niya, sa 'kin siya tumatakbo dahil lagi siyang kinukumpara kay Vanessa, from grades to everything. Ang akala ni Vanessa kaya napapagalitan si Laurene ay dahil may mga kalokohan siyang ginagawa pero ang totoo dahil sa kanya kaya pinapagalitan si Laurene.
Hindi ko alam kung bakit kami umabot sa ganito. Hindi ko alam kung bakit hindi na kinaya ni Laurene. Hindi siya 'yong Laurene na nakilala ko. Malayong malayo sa dating Laurene.
"Ok ka lang? Kanina ka pa tulala, simula take off tulala ka na," tanong ni Lawrence sa 'kin. "Oo, ok lang ako."
"Ano na ba ang nangyayari sa 'tin? Bakit ganito, hindi tayo umaalis dati kapag hindi kasama ang isa pero ito tayo ngayon. Umalis na hindi kasama ang dalawa, tatatlo tayo hindi na lima."
"'Yon din ang nasa isip ko dahil hindi naman natin inaasahan na aabot tayo sa ganito, sa oras na wala nang paki ang iba sa atin. Ang lungkot isipin dahil para na tayong magkakapatid at hindi iniiwan ang isa't isa."
"Sa tingin mo, makakabalik pa kaya tayo sa dati?" Napaisip ako dahil ang sagot na nakikita ko ay Hindi. Hindi na kami babalik sa dati.
"Mukhang hindi na. Mukhang pare-pareho tayong nasasaktan at isa-isa na gumuguho ang bawat isa sa 'tin."
"Ano?" Hindi ko na siya sinagot pa at natulog na lang. Baka maiyak pa ako kung itutuloy ko ang mga sasabihin ko. Hindi ko rin naman kasi kinakaya ang lahat.
BINABASA MO ANG
365 DAYS
Teen Fiction365 days (Where all the dream starts) Hanggang 365 days lang ba 'di ba pwede dagdagan natin ang mga araw na magkasama tayo kahit isa pang 365 days. Ang tatlong daan at animnapu't limang araw kumakatumbas ng isang taon, labing dalawang buwan yan ang...