Chapter 31🌟

53 4 0
                                    


Monique's pov

"Ano problema nun?" Tanong ni Vanessa.

"Ewan...lalaki ba talaga yun? Daig pa babaeng tinotopak" sabi ko. 

"Aminin mo kayo na ba?" tanong ni Vanessa. "Hindi, sana nga noh" sabi ko. "Hayaan mo...sa tingin ko nga gusto ka rin nya" sabi nya sakin.

Vanessa, ikaw, ikaw ang gusto nya. Sana nga ako nalang ikaw. Kaya siya biglang umalis kanina gawa mo. Kase iniisip niya sana sya nalang si Minjun pero ako sana ako nalang ikaw. 

"May problema ka ba Monique?" tanong niya sa akin. "Wala, wala naman"  

"Punta muna ako sa kwarto ko" 

"Pero kakain na tayo. Hindi ka pa ba gutom"

"Hindi pa naman" 

Umakyat na ko at kinulong ko ang sarili ko sa kwarto.

*ting*

Laurene: asan kayo? Nanjan ba kayo sa bahay ni Vanessa?

Nagtext si Laurene sakin.

Sasagutin ko ba ito?

Vanessa's pov

Ano problema ng mga yun?

"Hey, I need to go somewhere" napa-alam si Minjun sakin bago umalis.

Hindi na ako nakasagot dahil umalis na siya.

"So, kakain ako ng wallang kasama" bulong ko sa sarili ko.

Umupo ako at tinitigan lamang ang pagkain.

Ayoko na kumain. Nawalan na ko ng gana.

Tumayo na ako.

"Ma'am do you want me to call them?"

"No...I'm not hungry"

Tumaas na ako at pumunta sa kwarto ko.

Lawrence's pov

"LAWRENCE!" sigaw ng isang babae.

Hinanap ko kung sino ang natawag sakin at nakita ko si Laurene?

"Anong ginagawa mo dito Laurene?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, may tanong lang ako" sabi niya sakin.

"Ano yun?"

"Gusto ko ba maghiwalay si Vanessa at Minjun?" Tanong niya sakin.

"Hinde..." sagot ko sa kanyang tanong.

"Diba gusto mo sya, bakit ayaw mo sila maghiwalay?" Tanong niya ulet sakin.

"Dun sya masaya eh...titiisin ko nalang yung sakit, kase kung para sakin siya para sakin talaga sya..."

Tinignan ko yung langit at ngumiti.

"Kung saan siya masaya dun nalang ako tutal hindi naman sya sakin diba? Bakit ko pipilitin yung taong ayaw sakin?"

"Kailangan mo ipilit yung sarili mo sa taong gusto mo para lang maging masaya ka" sabi ni Laurene.

"Mali, Laurene kung gusto mo talaga yung tao wag mo na pagpilitan yung sarili mo, gawin mo nalang supportahan mo sya, mahal mo diba? Supportahan mo wag mo pigilan...kaya si Colten tulungan mo muna siya, malay mo balang araw hindi mo na ipilit yung sarili mo sa kanya. Balang araw magigising ka nalang na mahal ka na nya o kaya magigising ka nalang sa katotohanan na hindi ka talaga mahal at balang araw din tatawanan mo nalang yung sarili mo sa mga pinaggagagawa mo at sasabihin na ganun ba ko katanga dati? Ako ba talaga toh? Napakatanga ko noh" sabi ko sa kanya.

"Ngayon pinipilit ko ba hanggang kaya pa kase inggit ako kay Vanessa eh" sabi ni Laurene.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Matalino siya, gusto ng lahat, tinitingala sya ng mga magulang niya, nasa kanya na ang lahat eh" sabi niya sakin.

"Akala mo lang yun, lumuluha din yan at nasasaktan pero hindi lang niya pinpakita satin. Hindi lahat gusto siya at hindi din porket matalino siya ay kaya na niya ang lahat. Si Vanessa mahina ang loob niyan, takot yan sa mundo, sa realidad. Nangiti lang yan pero nakikita ko na pagod na rin siya at sana Laurene magbati na kayo" sabi ko sa kanya.

"Ayaw niya naman magbati kami" sabu ni Laurene.

"Gusto niya pero natatakot lang din siya na gawin mo yung ginawa mo dati. Ganto kase yan dati kitang-kita ko na malaki ang tiwala ni Vanessa sayo kaso sinira mo eh kaya ngayon natatakot lang yun. Inaaway-away ka lang nun pero yung totoo nahuli ko nang naiyak yan ng patago. Namimiss ka na nun" sabi ko sa kanya.

"Ayoko parin, malapit na mapasakin si Colten" sabi niya.

"Ikaw rin, bahala ka" tumayo na ko at iniwan siya.

Basta nasabi ko na ang dapat kong sabihin.

365 DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon