Chapter 16🌟

80 4 0
                                    


Vanessa's pov

"Monique, Lawrence, halika 'di gano'n ka lamig 'yong tubig," tawag ko sa kanila. Pumunta na silang dalawa at naglaro kami sa dagat.

Maya maya naman umahon na rin kami kasi nagugutom ako. Naghanap kami ng makakainan. Nakahanap na kami ng isa. Gusto ko kasi ng barbecue kasi 'di ako mahilig sa sea foods pero ok lang.

"So, what do you want?" Tanong ni Minjun sa 'kin. "Um...anything" sagot ko sa kanya. "What's the best here?" Tanong niya do'n sa waiter "Our pork barbecue sir," sagot sa kanya nung waiter. "Ok we'll have that," umorder pa ng kung ano ano si Minjun at inintay na namin 'yong order.

Dumating na 'yong pagkain at kumain na kami. "Vanessa," tawag ni Minjun sa 'kin "hm?" Sagot ko sa kanya "Next week are you free?" Tanong niya sa 'kin. "Yes, why?" Tanong ko sa kanya "Jungi asked me if we can go and shoot for a commercial?"

Nagisip muna ako ng mabuti kung wala ba talaga akong schedule "Ok next saturday diba?" Paglilinaw ko "Yes," simpleng sagot niya sa 'kin. "P'ede kami sumama?" Biglang tanong ni Monique "Uh sige pero 'wag ka maingay sa shoot ha kilala kita," sagot ko sa kanyang tanong "ok so this friday is our flight."

----------<3----------

Bumalik na kami sa hotel at nagpalit na ko ng damit.

*knock knock*

"Come in," sigaw ni Monique. "Are you coming with us?" Tanong ni Minjun sa 'min. "Saan?" Tanong ko "Beach," sagot niya sa 'min "Ano gagawin natin dun?" Tanong namin sa kanya "Nothing...eat? Watch the night performance or anything?" Sabi niya sa 'min. "Ok give us a minute," paalam namin "Why?"

"Change clothes," sabay namin sinabi ni Monique "but-" tinulak ko na siya palabas at nagpalit na kami.

After siguro 5 minutes~

Lumabas na kami at nakita namin na nagiintay na 'yong dalawa sa labas ng kwarto namin.

"Finally!" Masayang pagkakasabi ni Lawrence. Inakbayan ako ni Minjun at sumakay na kami sa elevator.

Naghanap kami ng makakainan at kung san san pa kami pumunta. Humiwalay kami sa dalawa nila Monique at Lawrence.

Umupo kami sa buhangin kung saan walang masyadong tao sa paligid. Biglang humangin nang malakas. "Aray!" napasukan ng buhangin 'yong mata ko "Wait let me," sabi ni Minjun. Inihipan ni Minjun 'yong mata ko at nawala naman na 'yong buhangin sa loob ng mata ko.

Nagkatitigan kami ng Minjun at nakita ko na meron siyang mala tsokolate na mga mata at ito'y nagniningning. Makapal at mahahabang pilikmata. Ang ganda kung tignan.

Mabagal na lumalapit ang kanyang mga labi sa akin at ang mga mata niya ay unti unting pumipikit. Naramdaman ko ang mapula at malambot na mga labi. Sabay ang paggalaw ng aming mga labi.

"Hoy! Tama na bumalik na tayo sa hotel nakakainggit na kayo respeto naman sa single dito oh," narinig namin ang boses ni Monique at dahil do'n naghiwalay ang amin mga labi. Tumayo na kami at hinila ako ni Monique "Naiinggit ako sa inyo," pabulong niya sinabi sa akin "Alam mo panira ka nang moment," reklamo ko sa kanya "Anong panira eh kanina pa kayo do'n."

Nakadating na kami sa hotel at dumaretso na kami sa kwarto namin.

Nagbihis na ulit kami ng pajama.

"Bakit 'di natin kasama sina Colten at Laurene?" Tanong ni Monique sa 'kin habang inaayos 'yong gamit niya.

Bakit nga ba? Sila na 'di ba? Pero nasaktan ako. Kaso na-fafall na 'ko kay Minjun pero wala naman na kasi akong babalikan, sila na ni Laurene ano pa babalikan ko?

"Ewan," 'yon lang ang sagot ko sa kanya. "Nasasaktan ka pa rin ba?" Seryoso niya tinanong sa 'kin habang sinasara 'yong luggage niya. "Bakit? 'Di mo na siya mahal 'di ba? Dapat kasama natin sila kasi kaibigan natin sila. Oo, nasaktan ka pero 'di ba mas maganda na 'to? Kasi nasasaktan ka lalo gawa na ayaw mong nakikita silang magkasama na silang dalawa lang," pinagpatuloy niya ang sinasabi nya.

Humiga siya at kinuha ang cellphone niya at nag-scroll.

Tama, buti ngayon 'di na ko magagalit at masasaktan.

"Alam mo ba gusto ko si Lawrence kaso ayoko lang umamin. Alam ko naman na hindi ako. Sa akin siya ang prinsipe ko pero sa kanya hinding hindi niya ko magiging prinsesa. Oo, masakit isipin pero kailangan tanggapin. Takot din ako na kung umamin ako baka di na kami maging close katulad ngayon," sabi nya sa 'kin.

Monique's pov

Ikaw 'yon Vanessa, 'yong taong sinasaktan ako nang hindi nalalaman. Sa akin si Lawrence ang prinsipe sa aking mga mata pero ikaw ang prinsesa sa kanyang mga mata. Sana ako na lang 'yong prinsesa na minimithi niya. Sana ako na lang ikaw.

"Alam ko na deep inside mahal mo pa rin si Colten 'di ba?" Tanong ko sa kanya. Tumingin ako kay Vanessa at tumango lang siya.

"Bakit mo sinagot si Minjun?" Bigla kong tinanong sa kanya. "Una, nakita ko na nagyayakapan at naguusap si Laurene at Colten no'ng time na 'yon, nasaktan ako nang sobra pero biglang dumating si Minjun at no'ng nasa Korea kami nagconfess siya sa 'kin at ang sabi ko sa sarili ko baka si Minjun talaga 'yong para sa 'kin," sagot niya sa 'kin.

"Mahal mo na ba siya?"

"Oo, as time pass by mahal ko na siya."

Thanks Vanessa, pero sana totoo kasi kung gagamitin mo lang si Minjun nang hindi mo namamalayan masakit. Sana hindi mo siya gamitin kasi ako mismo naranasan na yan.

Minjun's pov

Somebody was calling me and I looked at it and it was Laurene.

"Um... Lawrence, I'll just go somewhere."

I went somewhere a little far. And I picked up the call.

"Hello? Laurene?"

"Ano Minjun asan kayo?"

"Sorry, I can't say it"

"Sige pero ano kayo na ba?"

"Laurene, I want to stop, look I really love Vanessa and now I have her and you have Colten."

"Ano? Si Colten? Hindi, itutuloy natin na 'di na talaga sila maging friend ok?"

"But she is your friend."

"Yes, pero balang araw hindi na kasi nakakapagod na icompare ako sa kanya ng parents ko, ok?"

"But-"

"Gusto mo ba malaman ni Vanessa na hinihiwalay natin siya kay Colten at part ka ng plan?"

"No... ok, I have Vanessa now but please don't do anything to her or else I'm going to kill you."

"Ok."

I ended the call and I went back to our room.

I love you Vanessa from the beginning to the end.

365 DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon