Chapter 25🌟

67 3 0
                                    


Vanessa's pov

Nakatulog na ako ng hindi nagpapalit. Pagkagising ko bumungad muli ang muka ni Minjun.

Gwapo talaga.

Ngayon wala kaming gagawin bukas pa kase ang island hoping namin.

《Time skip》

Ngayon na ang island hopping namin.

Nandito na kami sa harapan ng bangka na sasakyan namin. Huli kaming sasakay. Apat na bangka ang gagamitin namin.

"I'll get on first" sabi ni Minjun. Nauna na sya at tinulungan nya ko sumakay.

Hawak ni Minjun yung isa ko na kamay dahil natatakot padin ako.

"Are you really fine?" Di ko namalayan na tulala na ako at umandar na yung bangka.

Tumango nalang ako.

Bakit parang masama ang kutob ko dito? Bakit parang gusto ko na bumaba? Parang gusto ko na tumakas.

"Are you sure?"

"Vanessa ok ka lang ba talaga? Namumutla ka na ah" sabi ni Monique.

"Oo, ok lang ako nahihilo lang ng konti dahil sa alon"

Niyakap ako ni Minjun ng mahigpit at inisip ko nalang na masaya ang mangyayari.

----------<3----------

"Ok guys nandito na tayo bigyan ko kayo ng 20 mins dito"

Nagsimula na bumaba ang lahat isa isa at nauna bumaba si Minjun at sumunod ako.

"Let's swim?"

"No...pictures? Please?"

"Sure just for you"

Pinicturan nya ko at maya maya naman nagswimming na kami pero sa mababaw lang.

Yung totoo mas gusto ko dito sa dagat mag-swimming kesa sa pool.

----------<3----------

"Ok sino gusto pumunta sa cave?" Tanong ni kuya samin. "Vanessa kailangan natin sumama as in tayong anim" bulong ni Lawrence sakin.

*lunok* "kailangan ba talaga?" Tumingin ako sa paligid ko at aaminin ko na malinis ito at maganda pero kweba yung pupuntahan namin. Magiging ok lang ba ako?

Pito na students lang ang tumayo at kaming anim. So...13 lang kami na pupuntang kweba.

Laurene's pov

So, pupunta talaga si Vanessa sa kweba. Madilim ang kweba. Isa lang ibig sabihin nun.

Meron ibang bangka na sumundo samin medyo maliit ito kumpara sa sinasakyan namin papunta dito.

Kaming lima nina Colten, Monique, Minjun, Vanessa at ako ang kasya sa isa na bangka si Lawrence naman nasa ibang bangka.

----------<3----------

"Are we here?" Tanong ko kay kuya. "Opo Ma'am"

Nagbabaan kami at unang bumaba si Monique sunod si Colten tas si Minjun at sumunod si Vanessa ako naman ang huling bumaba. Maya maya pumunta na si Lawrence samin at sinundan na namin si kuya guide.

Nasa kalagitnaan na kami pero hindi parin binibitawan at humihiwalay Vanessa kay Minjun.

Anong gagawin ko?

Meron part na kailangan namin bumitaw sa isa't isa dahil kailangan namin hawakan yung lubid.

Medyo malayo ito kaya hindi masyadong kita yung nasa kabilang dulo ng lubid.

Nauna yung ibang estudyante at kaming anim and huli. Ngayon kaming dalawa lang ni Vanessa ang natira at here we go.

Vanessa's pov

"AHHHHHHHHHHHH!"

Napatalon ako nang biglang may malakas na sigaw sa likod ko.

Wait! Si Laurene kasama ko sya. Nasaan sya? Teka...sya ba yung nahulog?

"LAURENE! LAURENE!"

Tumawid si Colten, Lawrence, Minjun at si kuya guide para tignan kung anong nangyari.

"Anong nangyari?" Sigaw ni Lawrence.

"E-ewan...b-bigla nalang sya nahulog...d-di ko alam kung b-bakit"

Naramdaman ko na niyakap ako ni Minjun sa likod.

Kinuha na nila si Laurene sa tubig.

"KAYONG DALAWA LANG YUNG NANDITO PANO SYA MAHUHULOG DYAN? ANG LAYO LAYO NUNG TUBIG IMPOSSIBLENG TATALON LANG SYA DYAN BIGLA?" Sigaw ni Colten.

"B-bakit parang kasalanan ko? Wala akong ginawa"

"Jan ka naman magaling diba? Magkungyari na wala kang ginawa na di nakakasakit"

"Ah nagsalita yung nagsinungaling tas may patunay pa na ginawa nya...ngayon may patunay ba kayo?"

Walang sumagot.

"Wala diba? I don't fucking care kung anong gawin nyo kase wala naman kayong patunay"

"One more thing she's wearing a life jacket that's why it's impossible for her to drown"

Bumalik nalang ako sa starting point kasama si Minjun, Monique at Lawrence at magpapabalik nalang kami sa bangka kung nasaan yung iba.

365 DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon