Monday, 9:45 am3rd person's pov
'Laurene's house'
*knock knock*
"Ano? Ang aga pa" reklamo ni Laurene. "Miss, someone's looking for you"
"Oo na, wait lang" tumayo si Laurene at pumunta sa front door nila bumungad sa kanya yung lalaking naka suit at may hawak hawak na LV box. "Kanino galing 'to?" Tanong niya sa lalaki. "Di ko po p'wedeng sabihin" ibinigay sa kanya yung box at tumaas na siya sa kwarto niya.
'Colten's house'
"Colten!" Tawag ng kanyang Nanay. "Hm?" Sagot naman niya. "May naghahanap sa iyo sa labas"
Lumabas si Colten at may lalaki rin na naka suit at hawak ang isang LV na box. "Kanino po galing?" Tanong niya at sabay naman inabot sa kanya yung box. "Sorry, di ko po p'wedeng sabihin" pumasok si Colten sa loob ng bahay nila at pumunta sa study room.
Kanino kaya ito galing?
'Monique's house'
Nagjojogging si Monique pauwi at may nakita rin siyang lalaki na naka suit.
"May kailangan po ba kayo?" Tanong Monique. "Uh, opo, kayo po ba si Monique Chandria Cruz?" Tumango si Monique bilang sagot at hindi alam kung bakit siya hinahanap. "Take this and hindi ko po p'wedeng sabihin kung sino ang may bigay, pero pinapasabi niya pong intayin niyo po siya bumalik"
"Bumalik?"
Umalik na yung lalaki at pumasok na si Monique at umupo muna sa bench nila sa loob ng garden nila. Iniisip ni Monique kung bubuksan na ba niya ito o mamaya nalang.
'Lawrence' house'
"Lawrence, you have a package" sigaw ng Mommy ni Lawrence. "From?"
"I don't know"
Nakita ni Lawrence na hawak ng Mommy niya ang isang LV box at isa pang box na black ang gift wrap. Kinuha niya ito mula sa kanyang Nanay at pumunta na sa gaming room niya.
----------<3----------
Sabay-sabay nilang binuksan at bumungad sa kanilang apat ang isang papel na may nakasulat.
Dear Laurene,
I know you'll love this bag kase you love girly things and this will be perfect for you, kung binabasa mo man ito siguro wala na ako sa bahay at somewhere far. I know that you know me kaya naman I know you know kung nasaan ako. Babalik ako, pero matatagalan and sorry sa mga nagawa ko sa'yo and thank you for being a friend kaya naman chat mo lang ako kung ano gusto mo pag-uwi ko.
-Vanessa
Dear Colten,
Hi crush, well, oo crush kita oh ayan na nagconfess ako, pero kung mababasa mo man ito baka wala na ako sa bahay at baka pagbalik ko hindi na kita gusto kaya naman pasensya na dahil hindi tayo naging close netong mga nakaraan na araw at sorry dahil hindi ko man lang pinaalam sa iyo na aalis ako, sorry.
-Vanessa
Dear Monique,
Hoy babae, wala akong masabi kaya pasensya nalang kase hindi ko sinabi sa inyo na aalis ako kaya ayan buksan mo nalang gift ko sa'yo, alam kong magugustuhan mo yan. Sorry, kase hindi ako nakinig sa lahat ng sinabi mo sa akin, sa lahag ng advices mo at dahil hindi ako nakinig eto ako ngayon magpapahinga muna.
-Vanessang maganda
Dear Lawrence,
Sorry, kase sabi ko bukas pa alis namin, pero ngayon talaga eh. Diba kahapon sabi ko sa'yo bibilhan ko ng sapatos yung pinsan ko well, ikaw yung pinsan kong yon, oo, hindi kita pinsan, pero ikaw yung taong yun kaya ayan gifts ko. Suotin mo yan ha.
-Vanessa your beautiful, pretty, lovely, smart friend
"Vanessa!" Tawag ng Mommy ni Vanessa. "We need to go" tumakbo si Vanessa sa Mommy niya at binigay sa kanya yung ticket niya. Binigay na ni Vanessa yung ticket niya sa flight attendant at lumakad na papasok sa eroplano. Nasa first class sila at umupo na sila.
Ilan minuto pa at umandar na sila at naluha si Vanessa, iniisip na si Lawrence lang ang makikita niya in the future at hindi pa siya sigurado kung babalik pa ba siya o hinde.
Hanggang sa muli... paalam muna. Isip ni Vanessa.
BINABASA MO ANG
365 DAYS
Teen Fiction365 days (Where all the dream starts) Hanggang 365 days lang ba 'di ba pwede dagdagan natin ang mga araw na magkasama tayo kahit isa pang 365 days. Ang tatlong daan at animnapu't limang araw kumakatumbas ng isang taon, labing dalawang buwan yan ang...