Chapter 20🌟

74 4 0
                                    


~kanibukasan~

Papunta na kami ni Minjun sa meeting room. Pagpasok ko nanroon na sila Monique. Huli kaming dumating. Umupo na ko at naglaro na lang sa aking telepono.

Maya maya'y isa isa nanaman nagpasukan ang mga guro dito sa meeting room.

"So, kahapon meron kaming na isip," sabi ni Ms. Kim habang umiikot sa meeting room.

"We'll go to Peurto Galera there will be a camping at night, island hoping and more," sabi rin ni Ms. Kim.

"Now, you know what to do," sabi sa amin ng isa sa mga teachers.

Kinuha namin ang mga gamit namin at sabay... TAKBO!

Gawain naman namin 'yong tuwing meeting, wala lang masaya lang gawin.

Pumunta kami sa school hall at nagmamadali kaming amin pumunta sa stage. Nasa gitna kaming lima habang si Colten naman nasa harapan ng mic.

"Ok, I have a good news guys," tumahimik ang kapaligiran tila ba iniintay ang sasabihin ni Colten. "We will have a 1 week trip in Puerto Galera-" naghiyawan ang lahat nang sabihin ni Colten tungkol sa trip. "And this includes camping, island hoping and more...one more thing we expect all of you to join because this is our last year as Junior High School students."

Napakaingay ng paligid. Nagtatanungan ang lahat tungkol dito. Masaya ang lahat.

Ito ang unang lakad na lahat kami magkakasama pero hindi na katulad dati. 

"Are you excited?" Tumingin ako kay Minjun at tumango. "Ang saya ko dahil makakasama ko na naman ang lahat."

3rd person pov

Masaya ang lahat ngunit meron isang estudyante at ito ay si...Minjun. Itutuloy niya kasi ang plano niya para paligayahin si Vanessa. Walang kamalay-malay ang iba sa kanyang plano.

Tinitignan niya lamang lahat ng nasa paligid niya, masaya lalo na si Vanessa.

Vanessa, I hope you'll be happy with my plan. I love you. Inisip niya.

Nilapitan ni Vanessa si Minjun at nagtatatalon.

"Excited na ko sa trip," sigaw sa kanya ni Vanessa. "Me too, I'm with you and everytime I'm with you, I'm always excited," babulong na sinabi ni Minjun habang nakangiti siya at pinagmamasdan kung gaano kasaya ang nag-iisang pinsesa niya.

*kring*

"Everyone please go back to your own class," inannouce ni Colten. Nagbalikan na ang lahat sa kani-kanilang klase at silang anim sumunod na rin para bumalik. Sana ol bumabalik...char

----------<3----------

"Vanessa," meron tumatawag kay Vanessa sa isang malakas na boses. Tumingin sa kanyang kapaligiran kung sino itong tao na tumatawag sa kanya.

"Lawrence, may tumatawag ba sa 'kin?" Tinanong niya kay Lawrence gamit ang kanyang mahinang boses. "Huh? Wala," sagot ni Lawrence sa kanya. Napatingin din si Lawrence sa kapaligiran pero wala naman siyang ibang tao na nakita at lahat ay naka-focus sa klase.

Hinayaan na ito ni Vanessa pero naisip niya na hindi ito 'yong unang beses na nangyari 'to sa kanya. Una, sa korea bilang may tumawag sa kanya na ka-boses ni Minjun. Pangalawa, 'yong sa panaginip niya na tila ba ginigising siya at ka-boses naman nito si Laurene. Ngayon naman pangatlong beses, may tumatawag sa kanya ng malakas ngunit parang siya lamang ang nakarinig nito. Iniisip niya rin kung anong meron at bakit meron siyang naririnig na boses na tumatawag lagi sa kanya at parang mga nanghihina ang mga ito.

Hindi na namalayan ni Vanessa na uwian na dahil sa kakaisip niya.

"Vanessa," nagulat siya nang meron tumawag sa kanya at hinwakan siya sa balikat. Si Minjun lang pala, inisip niya.

"Ok ka lang? Simula no'ng tinanong mo sa 'kin 'yong meron tumatawag sa iyo bigla ka na natulala...iniisip mo ba ito? Bakit nangyari na ba ito dati?" Sinabi ni Lawrence sa kanya. "Ah...hindi never pa baka kulang lang ako sa tulog," nagsinungaling siya sa sinabi niya.

Sino 'yon? Sino ang mga 'yon? Bakit nila ako tinatawag...anong meron?

Hindi nawawala sa isip ni Vanessa ang mga boses na naririnig niya. Tumatakbo ito sa kanyang isipan. 

"Ok ka lang ba talaga?" 

"Oo naman, ok na ok ako."


365 DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon