Vanessa's pov
"Vanessa! Vanessa! Vanessa! Vanessa! gising Vanessa!" ano ba 'to? Sino ba 'to?
"Huh?" hindi ko mamulat 'yong mata ko sa sobrang puyat. Bakit nga ba kase ako nagpupuyat?
"Hi, Vanessa!" pinilit kong imulat ang aking mga mata para lang makita na nasa harap na ng mukha ko si Laurene. Anong ginagawa niya rito ng gan'tong oras?
"Laurene? Ano ginagawa mo dito?" napa-upo ako sa gulat at bakit ang aga niya rito. Wala naman kaming usapan na pupunta siya rito a.
"Wala lang para kaseng gusto ko sabay tayo pumasok." nilalagnat ba 'to? As far as I know, ayaw niya na may kasabay pumasok.
"Huh? P-pero,"
"Walang pero pero maligo ka na, magbihis ka na at kung ano ano pa. Hihintayin kita." ano bang trip ni Laurene? Naka drugs ba 'to?
Pinilit niya 'ko pumasok ng cr para maligo.
Anong meron sayo ngayon Laurene?
Naligo na 'ko at nagbihis ginawa ko na ang routine ko. Paglabas ko nang cr nakita ko na nakahiga lang si Laurene sa higaan ko. Ano kaya meron sa kanya ngayon?
"Girls baba na kayo, so you can eat breakfast," Tinatawag na kami ni Mommy. "Ok coming." Lumapit ako kay Laurene, aayain ko na siya magbreakfast. Nakita kong tinititigan niya 'yon picture frame na kami ni Colten ang nakalagay do'n.
Anong ginagawa niya?
"Uh, Laurene kain na tayo." bigla niyang tinanggal ang pagkakahawak niya sa frame at tumingin sa akin.
"Ok." Tipid niyang sagot. "Susunod nalang ako."
"Sige bilisan mo ha." Lumabas na ako sa k'warto ko.
Bakit parang di ako komportable na nasa paligid ko si Laurene ang weird e dati dati naman lagi kaming magkasama.
"Vanessa, malalate kayo ni Laurene baba ka na," wait lang, Ma.
Kinuha ko na ang bag ko at bumaba para kumain. Bumaba na rin si Laurene, dala 'yong bag niya.
"So, bakit mo naisipan sumabay kay Vanessa, Laurene?" sa wakas, Ma. Kanina ko pa gustong itanong 'yan. Baka kasi isipin niya ayaw ko siya kasabay.
"Ah wala po, just being a good friend, matagal din po kami di magkasama ni Vanessa," nginitian niya si Mommy.
"Ganun ba," pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang nagusap pa si Mommy at Laurene.
Tulala lang ako habang nakain at...
"Vanessa tapos ka na ba, baka malate tayo."
"Uh o-oo tapos na ko." Tumayo na ako kahit hindi pa talaga ako tapos kumain. Lumabas na kami at sumakay sa sasakyan namin.
"Bakit ang weird ni Laurene ngayon?" nagfocus na lang ako sa kalsada, baka mamaya maaksidente na naman ako. Dami kong iniisip habang nagmamaneho at di ko nakita na nakarating na pala kami sa school.
Inaayos ko gamit ko nang biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko.
*knock knock*
Binaba ko ang bintana ko.
"Vanessa," si crush. Ang gwapo niya, kahit umagang-umaga. My prince Charming.
"Bakit na naman Colten?" alam ko naman na lolokohin niya ako kaya naman nagkunwari ako na ayaw ko siyang makita at naiinis pero deep inside, namamatay na ako sa kilig.
"Wala bumaba ka na kupal." Kupal pa rin bang tawag niya sa akin. Sa bagay ako rin naman ang na unang tawagin siyang kupal.
"Sige, wait." Chineck ko muna lahat bago bumaba. Binuksan ko ang pinto, malamang para bumaba. Char.
BINABASA MO ANG
365 DAYS
Teen Fiction365 days (Where all the dream starts) Hanggang 365 days lang ba 'di ba pwede dagdagan natin ang mga araw na magkasama tayo kahit isa pang 365 days. Ang tatlong daan at animnapu't limang araw kumakatumbas ng isang taon, labing dalawang buwan yan ang...