Laurene's pov
Location: Basketball court
"Colten alam mo naman na gusto kita 'di ba?"
"Oo Laurene pero-," na si Vanessa ang mahal mo tapos mahal ka rin ni Vanessa? After this she won't.
"Alam ko, Colten, na hindi mo 'ko gusto pero ako na lang please?" I never begged anyone to like me, they beg me to like them back. Hindi ko naimagine na magmamakaawa ako sa isang tao para lang gustuhin ako.
"Sorry, Laure-" Hindi ko na pinatapos si Colten dahil narinig ko na bumukas 'yong pinto.
Niyakap ko agad nang mahigpit si Colten.
Mga ilan minuto kami na nasa gano'n na pwesto lang at 'di nagalaw. Narinig ko na sumara yong pinto at tinignan ko si Colten at unti unting naglalapit ang aming mga labi.
Nang magdikit ang mga ito parang tumigil ang mundo ko. I knew it.
"Sorry di ko sinasadya," sabi sa 'kin ni Colten "Ok lang."
Umalis na siya at 'di ko alam kung sa'n pumunta.
Just for once, Vanessa. I want you to feel pain. The pain that I've been feeling.
Colten's pov
Ba't ko ginawa 'yon ang tanga ko. Ba't ko hinalikan si Laurene.
Ngayon ba 'yong balik ni Vanessa?
Kung san-san ako nagpunta para hanapin si Vanessa pero 'di ko siya makita. Pumunta ako sa garden kung saan kami laging nagpupunta.
Bumungad sa 'kin ang isa sa masakit na nakakita ko. Nakayakap nang mahigpit si Vanessa kay Minjun.
Tinignan ko lang sila.
"Bagay sila noh?" Tumingin ako sa tabi ko at nakita na si Laurene na naman. "Hindi, hindi sila bagay."
"Tanggapin mo na," tumingin siya sa 'kin nang sinabi niya 'yon "Hindi magiging kayo."
Hindi ako papayag. Gusto ako ni Vanessa, hindi ba? Pa'no 'pag hindi naman talaga? Puta.
Vanessa's pov
Pagpasok ko nakita ko na magkayakap ng mahigpit si Colten at Laurene.
I guess I'm late already.
Sinarado ko na lang 'yong pinto at malungkot naglakad. "Are you ok?" Tanong sa 'kin ni Minjun.
"Uh yea, I'm fine." No, I'm not.
"Come on," Dinala ako ni Minjun sa garden. Bakit dito? Sa lahat lahat ng lugar bakit dito pa?
"Your most favorite place, gardens." sinabi niya 'yon habang umiikot-ikot. Gusto ko umiyak.
"Look tulips and sunflowers your favorite," sinabi niya habang lumalapit sa magagandang bulaklak.
Lumapit ako sa kanya at tinignan ko ang mga bulaklak at pinagmamasdan.
Ang gaganda, sana bulaklak na lang ako.
"Flowers and girls are the same. Flowers are important in this world and so are girls. We need to appreciate girls like flowers. Flowers are beautiful and so girls are."
Natuwa ako sa sinabi niya at dahil do'n niyakap ko sya ng mahigpit.
Yea, flowers are beautiful pero kapag natuyo na ito at pumangit, itatapon na rin naman ito.
"Oo nga pala, I like you too." Am I making the right choice?
Naramdaman ko na lalong humigpit ang kanyang pagkayakap.
----------<3----------
"Vanessa, what do you want for lunch?" Tanong sa 'kin ni Minjun "uh...I don't really know what."
Tumayo na ako at pumunta na kami sa canteen. Bumungad sa 'kin si Laurene at Colten na magkaakbay.
"You sure you want to eat here?" Tanong ni Minjun sa 'kin.
"Yea," Humiwalay kami ng upuan sa iba. I can't be with them, I just can't.
"So, where do you want to go later? After school?"
"Um bahay lang ayoko pumunta kung san san ngayon." Wala ako sa mood. Ayokong umalis. Parang wala akong paki sa lahat ng bagay.
"Ok," Namimiss ko na si Colten. Bakit ba kasi ako nagpapanggap ngayon na gusto ko si Minjun.
Minjun's pov
I saw Vanessa starring at Colten.
I know, I know that you don't like me. You just need someone right now. You need a shoulder to cry on. She needs me. Our plan worked, but her heart broke. I'm also a loser for breaking her heart.
Sorry, Vanessa don't worry I'll go back to Korea soon. You'll have the happiness you deserve soon.
----------<3----------
Vanessa's pov
Uwian na at 'di ko pa rin kinakausap kahit sino maliban kay Minjun. Sa kasalukuyan pauwi na kami ni Minjun. Nagprisinta siya magdrive.
Maya maya dumating na kami at dumaretso na ko sa kwarto ko. Umiyak ako nang umiyak. Bakit nga ba ako naiyak? Tanga lang? Bobo mo kasi Vanessa, kung sinabi mo e di ikaw 'yong kasama niya ngayon. Tatanga-tanga ka kasi.
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
365 DAYS
Teen Fiction365 days (Where all the dream starts) Hanggang 365 days lang ba 'di ba pwede dagdagan natin ang mga araw na magkasama tayo kahit isa pang 365 days. Ang tatlong daan at animnapu't limang araw kumakatumbas ng isang taon, labing dalawang buwan yan ang...