4 months later...
Vanessa's pov
Di ko na kaya, kailangan ko sabihin kay Monique 'to.
"Monique!"
"Oh Vanessa sabay ka? Pupunta na ko sa locker ko."
"Monique 'di ko na kaya." ang weird ng tingin ni Monique sa akin. Ako kaya 'yong taong hindi mahilig mag open-up.
"Ano?"
"Wag tayo mag-usap dito" pumunta kami sa gilid ng school.
"Ano problema Vanessa?"
"Monique, gan'to kasi yo'n," nagsimula na magluha ang aking mga mata. "May gusto kase si Laurene kay Colten."
"Sige, tuloy mo lang makikinig ako," tinry n'ya patigilin ang pag-iyak ko pero sadyang tumutulo ang mga luha ko.
"Nagdesisyon ako na lumayo na lang kay Colten," nag-isip si Monique bago n'ya sabihin na "Ba't ka lumayo?" Bakit ko nga ba pinili lumayo?
"Mahal ko kasi sila pareho, 'di ko kaya mawala si Laurene sa akin. Pero 'di ko rin kaya mawala si Colten."
Hinawakan ni Monique ang pareho kong balikat.
"Alam mo Vanessa gan'to kasi yan bakit mo lalayuan 'yong taong mahal mo? Kung kaibigan ka talaga ni Laurene at alam niya na gusto mo ni Colten 'di ba dapat mai-intindihan niya? Kasi kaibigan ka n'ya Vanessa. Kung totoong kaibigan ka n'ya maiintindihan n'ya 'yon kasi ang magkaibigan para nang magkapatid 'yan. Vanessa mahal ka nung tao, oo, alam ko na mahal mo rin at ayaw masaktan si Laurene pero Vanessa mag-isip ka lagi na lang ba ikaw 'yong gagawa ng paraan para lang kay Laurene 'di ka ba napapagod?"
Di nga ba? Pagod na din ako magadjust.
"Vanessa isipin mo ginagawa mo lahat para sa kanya pero alam ba niya lahat 'yon? 'Di ba lagi s'ya inuuna mo? Hindi ba Vanessa. Vanessa gising, unahin mo rin minsan ang kaligayahan mo at sarili mo hindi lagi ibang tao. Vanessa, tandaan mo walang tao ang hindi ka iiwan balang araw, kahit ako aalis din ako sa buhay mo balang araw. Hindi kasi lahat magi-istay kaya Vanessa, mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba. Paligayahin mo muna ang sarili mo bago ang iba. Kasi hindi lahat ng pinapaligaya mo nagtha-thank you o pinapaligaya ka rin, kaya sarili mo muna Vanessa hindi p'edeng iba muna bago ang sarili."
Dahil sa mga sinabi ni Monique umiiyak ako ng sobra ngayon.
Tama lahat ng sinabi niya. Inuna ko kaligayahan ni Laurene bago sarili ko lagi ko inuuna si Laurene.
"Isipin mo muna lahat Vanessa bago mo gawin."
Maisip ka muna Vanessa, please, wag ka masyadong mabait.
"Vanessa yung totoo, masaya ka ba?"
Masaya ba talaga ako?
"Hindi." pabulong kong sinabi kay Monique.
"Sa ngayon hayaan mo muna sila, pag nagconfess na si Colten sa 'yo do'n mo isipin kung sino uunahin mo, sarili mo ba o si Laurene?"
Tinignan ko lang si Monique sa mata at umiyak lang ako.
Wala akong masabi 'di ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Monique kasi tama rin naman s'ya.
"Punasan mo na luha mo malapit na mag ring yung bell."
Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili ko.
Naglalakad na kami nang tumigil si Monique.
"'Di ko sinasabi na baguhin mo sarili mo pero isipin mo muna bago mo gawin, wala akong sinabi na magbago ka."
Pero pa'no ako magiging masaya?
BINABASA MO ANG
365 DAYS
Teen Fiction365 days (Where all the dream starts) Hanggang 365 days lang ba 'di ba pwede dagdagan natin ang mga araw na magkasama tayo kahit isa pang 365 days. Ang tatlong daan at animnapu't limang araw kumakatumbas ng isang taon, labing dalawang buwan yan ang...