Laurene's pov
Tumigil ako sa park para mag-isip.
Umupo ako sa bench kung saan ako laging umuupo. Nakita ko na meron mga batang naglalaro at naghahabulan.
Parang kami nila Vanessa, Colten, Monique at Lawrence dati nung mga bata pa kami.
Habang naiisip meron batang lumapit sa akin.
"Hello po," nakangiti niyang bati sa akin.
"Hello ano pangalan mo?"
"Charlie po."
"Ang cute mo naman," natawa ako sa kacutan niya.
Pagkatapos no'n tumakbo na ulit siya para makipaglaro sa iba.
Buti pa ang bata basta masaya sapat na ang lahat para sa kanila. Sana bata pa rin ako hanggang ngayon.
Tumayo na ko at umuwi na.
Dati nung mga bata pa kami ok pa lang lahat walang nagseselos sa isa walang kahit ano basta masaya kami.
Monique's pov
Umamin na kaya ako? Wag muna.
Bukas ano na naman kaya ang mangyayari?
Napapagod na ko magkunwari.
----------<3----------
Nakita ko si Vanessa sa labas ng kotse niya nag-aayos.
"Vanessa!"
"Oh, Monique!"
"Sa'n ka punta?"
"Kukunin ko books ko."
"Sama ako do'n din ako pupunta."
Hinila ko si Vanessa sa locker room.
Kinuha ko ang mga libro ko at nakita ko si Lawrence parating.
"Uh, Vanessa tapos ka na ba?" ayokong mag-abot silang dalawa.
"Oo, wait lang."
Pagkasara ni Vanessa ng locker niya hinila ko siya palayo kay Lawrence
"Ano ginagawa nyo dito?" Naku, ang aga-aga.
"Laurene?"
"Vanessa, Monique kayo pala," nginitian niya kami pero kita sa mga mata niya na may gusto siya mula sa amin.
"Monique p'ede ba iwan mo muna kami?" so, kay Vanessa pala siya may kailangan. Iiwan ko ba talaga 'tong dalawang ito? Baka mamaya pagbalik ko isa sa kanila patay na. Nagkukungyari pa 'yong dalawa na may problema sila sa isa't isa at ayaw lang nila sabihin.
"Ok sa canteen lang ako ha, PUNTAHAN NIYO 'KO!" nagmadali na akong umalis at baka mamaya madalamay pa ako sa gulo.
Vanessa's pov
Umalis si Monique at kami lang ni Laurene ang natira.
"Vanessa." ang mukhang naka ngiti niya napalitan ng seryosong mukha. Hindi ko pa nakikita si Laurene na gan'to.
Hinila niya ako sa isang classroom na hindi na ginagamit, tambakan na lang kasi 'yon nang mga silya na nasira. Inaamin ko na masakit 'yong pagkakahawak niya sa akin.
"Ah, Laurene ba't dito tayo sa classroom na 'di ginagamit mag-uusap, sa garden nalang tayo mag-usap."
"Vanessa tama na." tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ko ito mabasa.
"Huh? Tama na ang ano?"
"Alam ko lahat." a-anong alam niya?
"Anong lahat?"
"Na gusto mo si Colten."
"Laurene..."
"Matagal na diba?" hindi ko pa rin mabasa ang mata niya. Hindi ko malaman ang nararamdaman niya.
"Ano kase.." sinubukan ko magpaliwanag ngunit nagsalita muli siya. "Alam mo rin diba?" sorry.
"Oo, pero gan'to kasi yun-" hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Tama na, Vanessa, nakuha mo na lahat pati ba naman si Colten kukunin mo pa?" sumigaw na siya. Sa oras na 'yon nakita ko ang mata niya na nagpapakita ng galit. Galit at luha.
"Sorry, Laurene."
"Vanessa, please naman oh." napatingin ako sa kanya at 'yong mga mata niya gusto na lumuha tila pinipigilan lamang niya ang mga 'to. Nawala ang galit sa kanyang mga mata.
"Sorry Laurene, sorry talaga." Sa lahat na ibinigay ko sa iyo Laurene, si Colten ang ipagma-madamot ko.
"Kala ko ba kaibigan kita?"
Anong gagawin ko? Kaibigan ko kayong lahat.
"Sige, Laurene, titigilan ko na." Ang tanga-tanga mo Vanessa. Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin na titiis ang mga kaibigan mo?
Niyakap ako ni Laurene ng mahigpit at umiyak.
Bakit kailangan gusto mo rin siya? Ang sakit Laurene, ang sakit isipin. 'Kala ko kaya ko na wala ka sa buhay ko.
Kakayanin ko ba?
"Thank you, Vanessa."
"Walang anuman Laurene."
"Una na 'ko Laurene" nakangiti ako ng pilit at nagmabilis umalis. Tama ba ang naging desisyon ko?
Pumunta ako sa garden at na'ndun si Colten. Umalis na lang ako dahil ayoko muna makita si Colten.
"Oh, Vanessa!" dali daling lumapit sa akin si Lawrence "Ok ka lang ba, Vanessa?" Tanong ni Lawrence sa akin.
Hindi.
"Oo, oo, ok lng ako." kailangan ko sabihin na ok lang ako kahit hindi mas madali magpanggap kesa magpaliwanag.
"Punta na tayo sa first class Vanessa, na'ndun na si Monique."
Pumunta kami sa class at nakita ko na nakaupo na si Monique.
"Monique...um p'ede ba palit tayo ng upuan? Kahit sa canteen, please?"
"Ah, oh sige."
Umupo ako sa upuan ni Monique at maya maya pumasok nang magkasama si Laurene at Colten. Pilit kong iniiwasan ng tingin si Colten.
----------<3----------
Natapos ang klase namin at dali dali ko nang inayos ang mga gamit ko at tumayo.
"Vanessa sa'n ka pupunta?" Anong sasabihin ko kay Colten? "Sa canteen kakain."
Wag mo sasabihin sasama ka please.
"Sama na kami!" Pota naman Colten.
Colten's pov
Iniiwasan ba 'ko ni Vanessa?
"Lika na Colten." akit sa akin ni Laurene.
"Uh sige, Laurene, lika na."
----------<3----------
Buong araw ako iniwasan ni Vanessa hanggang sa una siya umuwi saming lahat at di nagpaalam sa akin.
Ano na naman ba nangyayari? Gugulo na naman ba, langya naman oh!
"Colten p'ede mo ba 'ko ihatid ang sakit kasi ng paa ko" Tanong sakin ni Laurene "Ah sige. malapit lang din naman bahay niyo."
Ang weird ni Vanessa at Laurene ngayon ano na naman kaya meron sa dalawang 'to.
-----------<3----------
"Thank you Colten," nagpasalamat si Laurene sa akin "Walang anuman Laurene."
"Gusto mo ba pumasok sa loob?"
"Hindi na oo lang. sige bye!"
Ano nanaman kaya ang mangyayari bukas?
BINABASA MO ANG
365 DAYS
Teen Fiction365 days (Where all the dream starts) Hanggang 365 days lang ba 'di ba pwede dagdagan natin ang mga araw na magkasama tayo kahit isa pang 365 days. Ang tatlong daan at animnapu't limang araw kumakatumbas ng isang taon, labing dalawang buwan yan ang...