Vanessa's povAng tagal naman ni Lawrence.
Nakita ko na lumabas si Lawrence at pumasok na sa kotse.
"'Bat ang tagal tagal mo?"
"Ah wala"
"Ah ok"
"May gusto ka pa ba puntahan?"
"Wala na, nag-aantay na si mommy eh"
"Sabik na sabik ka pa 'rin noh"
"Oo naman, minsan lang mangyari toh"
"Buti di ka na naoospital"
"Kaya nga eh simula nung sumaya ako ng sobra"
"Lika na"
Umalis na kami at sa kalagitnaan ng pagdridrive ni Lawrence may itinanong siya.
"Vanessa"
"Ano yun?"
"Bakit parang ok lang sayo ang lahat?"
"Ok ang lahat?"
"Oo, parang walang problema ganun"
"Akala mo lang yun...lahat naman ng tao hindi masaya, lahat naman may itinatago na sakit, lungkot, at galit. Minsan, hindi lang natin namamalayan kung ano ito at bakit, pero lahat kailangan itago yun para walang mag tanong sa kanila na "Ok ka lang ba?", "Bat malungkot ka? Ano nangyare?", "Sige, sabihin mo lahat" kase hindi lahat ng tao gusto ng attention at kasama sa problema nila at hindi rin lahat ng tao gusto mag-explain, madami nga 'jan gustong-gusto yung comforts, pero iba naman pala ang gusto...gusto nilang maging sila"
Hindi an sumagot pa si Lawrence at nagpark na. Pumasok na kami sa loob at ibinaba ng mga katulong namin yung mga binili namin.
Dumaretsyo kami sa dinning room at nakita sina Mommy na naka-upo na.
"Lawrence you're here" sabi ni Mommy.
"Come on take a sit" pinaupo na kami at isa-isang nilabas ng mga maids namin ang mga pagkain.
"So, Vanessa are you ready to go to Canada?"
"Umm yes"
"Are you sure you really want to go?"
"Yes, dad"
"May I ask kung kailan po kayo aalis?" Tanong ni Lawrence.
"Next month"
"Oh"
Tahimik na kumain ang lahat at walang umiimik ni isa. Natapos na kaming kumain at tahimik parin, umuwi na si Lawrence at pumasok naman na 'ko.
"Sinabi mo na ba sa kanila?"
"Ma, pano ko sasabihin na hindi na 'ko babalik at once a year lang ako babalik?"
"Well, baka magtaka sila"
"Eh sinabi mo ba kung bakit?"
"Hindi, ang sabi ko lang mag-aaral ako dun"
"Mas maganda kung sasabihin mo yung totoong dahilan"
"Ok na yun"
"Sige matulog ka na"
"Goodnight, Ma" niyakap ko sya at tumaas na.
I can't see them everyday or every month. Ayoko naman kase nung company eh, pero wala akong choice kailangan ko mag-aral at magtrabaho.
BINABASA MO ANG
365 DAYS
Teen Fiction365 days (Where all the dream starts) Hanggang 365 days lang ba 'di ba pwede dagdagan natin ang mga araw na magkasama tayo kahit isa pang 365 days. Ang tatlong daan at animnapu't limang araw kumakatumbas ng isang taon, labing dalawang buwan yan ang...