Time skip...
"Vanessa," tumingin ako sa kung sino ang tumatawag sa 'kin at si Colten pala.
"Gusto mo sumabay sa 'kin?" tanong niya at gustuhin ko man kaso pupunta pa ako sa mall, baka ma-bore lang siya do'n.
"Um pupunta pa kase ako sa mall meron akong bibilhin."
"Ah, ako din bibili ako ng...sapatos ah, oo, sapatos kailangan ko na ng bago." tumawa siya at para sa 'kin, musika ang kaninang tawa. Do'n ako nainlove, ikaw ba naman isang Colten Alexander ang ngitian ka.
"Ah sige lika na," pasakay na 'ko ng sasakyan ko nang pinigilan ako ni Colten. Hawak niya ang braso ko. Teka, puso ko. Kapag nahimatay ako sa oras na ito, dadalhin naman niya ako sa ospital, 'di ba?
"'Di ka sasakay sakin?" Huh? Sasakay sa 'yo? Ngayon na? 'Di pa ako ready. 15 pa lang ako.
"Huh? Bakit?"
"W-wala," tumawa na lang siya at ano ba talaga. Sa 'yo sasakay o sa sasakyan mo? Linawin mo, please. "Sige lika na sumakay ka na sa sasakyan mo," dagdag niya.
Binitawan ako ni Colten at sumakay na kami sa sarili naming sasakyan. Nauna umalis si Colten at sumunod ako.
Dahil malapit lang 'yong mall sa school namin kaya naman mabilis kaming naka dating. Pinark ko 'yong kotse ko sa private parking at si Colten din.
Kinuha ko ang bag ko na ang laman lang eh cellphone at pera.
"Lika na," bumaba ako ng sasakyan at sinundan si Colten habang inaayos ang belt ng damit ko.
"So, punta muna ako sa Forever 21." Sama ka?
"Ah samahan na kita." Puta! Seryoso?
"Sige mabilis lang naman ako damit lang."
Pumunta kami sa Forever 21 at tumingin ako ng mga damit siguro isang oras din kami sa loob.
"Asan na ba si Colten?" bigla na lang kasi siyang nawala sa likod ko kanina. Hinayaan ko na kasi ang tagal ko rin naman, sabi ko mabilis lang pero ang gaganda kasi nung mga bago nilang labas na dress.
Umikot ako sa store at nakita ko s'ya tulog sa isang tabi. Nilapitan ko s'ya at inayos yung buhok nya. Kinuha ko ang cellphone ko para lang picturan sya. Eto, 'yong lalaking pangarap ko. Ang lalaking gusto ko.
Sana gusto mo rin ako.
Sana ako lagi nasa isip mo.
Sana ako 'yong gusto mo mapasayo.
Ako kaya 'yong laging nasa isip mo?
Nagising siya at tinignan lang ako sa mata. Ang mga matang ito, ang ganda. Para akong inaakit ng kagandahan ng kaniyang mga mata.
Colten's pov
Ang ganda ng mga matang nasa harapan ko ngayon.
"Uh...bibili ka ng sapatos diba?" bigla niyang tinanong, medyo matagal na rin kasi kaming nagkatitigan.
"Ah, oo, lika na."
Pumunta kami sa store na gusto ko.
"Uh, Vanessa p'ede pumili ka ng isa para sa 'kin 'di ko kasi maisip kung ano gusto ko."
Di naman kase talaga ako bibili pero para makasama ka lang sige lang
"Sige." Umikot si Vanessa sa loob at tumingin ng mga sapatos. Hindi ko susuotin 'yon, baka ilagay ko pa sa isang lalagyan at titigan lang.
"Eto Colten oh maganda." nilapitan ko siya at oo nga, maganda 'yong napili niya.
"Yea, this is nice." tinititigan ko at eto na bibilhin ko na.
"I like the color of this and the style." compliment a girl, lagi silang sumasaya kapag nakakarinig sila nang compliment.
"Sure I'll get this. Um excuse me do you have a size 10 or 9.5 of this one?"
Inintay namin yung sapatos at nagbayad na 'ko.
Naglalakad kami papunta sa parking ng...
"Uh, Colten," ang hinhin talaga ng boses niya. Kung gan'to ang gigisingan mo sa umaga, sana lagi nalang umaga.
"Hm?"
"Thank you kase sumamaka." Your always welcome, always.
"No problem."
Dumating na kami sa parking lot at..
"P'ede mo na ko hindi ihatid Colten"
"Ah sige."
Umalis na si Vanessa at eto ako nagtatatalon dito. Umuwi na din ako at nakita ko na nakapark ang sasakyan ng mga magulang ko.
Nandito sila?
Pagpasok ko sa loob nakita ko silang nakaupo sa sofa.
"And why are you late?" since when did they care? They never care about me.
"Why do you even care?"
"Don't you ever talk to your mom like that!" nakakatawa, Mom? Pera lang naman ang habol sa 'yo niyang babaeng 'yan. Iniwan mo nga si Mommy para 'jan sa babaeng 'yan tas ineexpect mo pa na ituring ko na nanay ko siya.
"She isn't even my mom and she never will be my mom."
"Yah! come here!" hindi na ako lumingon pa, away na kung away pero hinding-hindi ko mapapalitan si Mama. Magka-patayan man tayo.
Pumunta nalang ako sa kwarto ko at ginawa ang assignments ko. Nakakatamad na maging top 1. Teacher's pet ang tingin ng lahat sa iyo.
Vanessa's pov
Nakita ko naka-park ang sasakyan nila mommy at daddy sa labas.
Nandito ulit sila?
"Ma? Pa?"
"My baby, why are you late young lady?" sinalubong ako ni Mommy nang yakap.
"I just went to the mall."
"With who?"
"Um, with Colten?" alam ko na ang sasabihin ni Daddy. No boyfriends.
"I am telling you in advance I don't like other boys in your life yet" pinaalala na naman ni Daddy. 'Di ba? Kabisado ko na 'yan.
"Come on, let's eat." alam ni Mommy na ayaw kong pinag-uusapan 'yong mga gano'n na bagay.
Tahimik kaming kumain at umakyat na 'ko sa kwarto ko at ginawa ang assignments ko. I know they care about me pero kapag namemetion ko si Colten bigla nalang nag-iiba ang mood ni Daddy.
Ano kayang mangyayari kung 'di ko sundin magulang ko.
Bakit nga ba parang nagiging sunod-sunudan sa kanila.
Bakit kailan lagi silang masusunod.
Maybe I can change?
No, not now.
Isa lang sa pinaka-ayaw ko sa kanila ay kailangan ako ang pinakamataas, gusto ni Daddy na kalabanin ko lagi si Colten pero pa'no? Pa'no ko siya kakalabanin? Gano'n din ang Mommy at Daddy niya, mas malala pa kay Daddy. Buti nga ako laging inaalagaan ni Mommy pero si Colten, hindi niya gusto 'yong step-mom niya.
He needs someone and I hope that's me. Bakit ba kasi nawala si tita? Ang aga niyang iniwan si Colten.
BINABASA MO ANG
365 DAYS
Teen Fiction365 days (Where all the dream starts) Hanggang 365 days lang ba 'di ba pwede dagdagan natin ang mga araw na magkasama tayo kahit isa pang 365 days. Ang tatlong daan at animnapu't limang araw kumakatumbas ng isang taon, labing dalawang buwan yan ang...