Vanessa's pov
"Hoy! Vanessa Richardson,"
"At bakit Colten Alexander?"
Bakit crush ano kailangan mo ha? Feeling na naman ako.
"Wala lang trip ko lang tawagin ka." trip mong tawagin ako tas ikaw trip ko.
"Baliw ka ba?"
Kase ako baliw na baliw sayo.
"May tanong ako sa 'yo Vanessa,"
"Ano 'yon?" Shet ano kaya yun? Bakit ako kinakabahan.
"Bakit ang liit mo?" pota, akala ko naman ang itatanong niya. Kumain ka na ba? Kamusta tulog mo?
"Bwiset ka!" pinalo ko siya sa braso at sabay tumakbo si Colten palayo sa 'kin at hinabol ko s'ya.
Naghahabulan kami ni crush.
Tumakbo kami nang tumakbo at bigla nalang huminto si Colten. Tumingin ako kung bakit, nasa harap na pala namin si Monique. Lagot.
"Para na naman kayong mga bata na di mapakali." sorry na, ate Monique naman e. Lumalandi lang naman po ako.
"Si Colten kase!"
Kinikilig na 'ko sa time na 'to, wala lang bakit ba buti nga ako nakakasama ko crush ko ikaw, nakakasama mo ba? Charot lang.
*RINGGGGGG*
Panira, tinatamad pa akong kumain.
"Lika na hanapin na natin yung iba."
Monique, una ka na please gusto ko makasama si crush please moniqueeee huhuhu.
Di pa rin umalis si Monique at sumunod pa rin sa 'min ng sumunod.
Ang sama ko noh? Ikaw ba naman, kasama mo na si crush pero parang meron kang magulang na sumusunod sa 'yo.
Dumating kami sa canteen at nakita si Laurene at Lawrence, nakaupo na sa pwesto namin.
Tumabi si Laurene kay Colten at syempre selos na naman ako. Tinignan ko lang silang dalawa nang magtanong si Lawrence sa 'kin
"Vanessa may problema ka ba, ha?"
"Ako? Wala noh." wala 'no. Wala talaga.
"Sige, sabi mo yan ha."
Ayan nakakahalata na ata si Lawrence sa 'kin. Lolokohin ako neto pag nalaman n'ya.
Laurene's pov
Sa wakas dumating na si Colten kanina ko pa s'ya hinahanap.
Walang may alam pero gusto ko si Colten pero feeling ko meron din gusto si Vanessa sa kanya.
Nung umupo si Colten agad-agad ako umupo sa tabi n'ya.
Ako pa ba papatalo? Natalo na nga ako ni Vanessa sa ranks at lahat.
Selos ako sa kanya kasi proud ang lahat sa kanya, tinitingala s'ya ng mismong mga magulang n'ya at gusto ko ako rin.
Siguro karamihan naiintindihan ako.
Sakit noh? Yung binigay mo na lahat lahat pero di parin sapat, yung ico-compare ka pa rin sa iba.
"Laurene ok ka lang? Tulala ka kanina pa," tanong sa 'kin ni Vanessa. Alam ko Vanessa, hindi ka naman talaga mabait.
"Oo naman hahaha ako pa ba?" tinawanan ko na lang sila para hindi makita na hindi naman talaga ako ok.
"Ano classes n'yo pare-pareho ba tayong lahat ng schedule?" Binago ko ang topic kasi kilala ako ni Vanessa na pag natutulala may iniisip ako o may problema.
BINABASA MO ANG
365 DAYS
Teen Fiction365 days (Where all the dream starts) Hanggang 365 days lang ba 'di ba pwede dagdagan natin ang mga araw na magkasama tayo kahit isa pang 365 days. Ang tatlong daan at animnapu't limang araw kumakatumbas ng isang taon, labing dalawang buwan yan ang...