"Nasa iyo ang susi?" Tanong ko kay Monique. "Oo, iwan natin sa frontdesk para di natin maiwan" sagot ni Monique."Vanessa una na tayo?" Sabay akbay ni Laurene sakin.
Vanessa wag ka magtitiwala kahit kanino.
Naisip ko ang sinabi ni Monique at tinaggal ang pagkakaakbay ni Laurene.
"Oh...pupunta ba kayo sa beach o sa pool lang?" Tanong ni Ms. Bautista sa amin. "Beach" sagot ni Colten sa kanya.
"Sige ingat kayo ha"
Dumating si Minjun at inakbayan ako. Napatingin nalang ako kay Laurene at nauna na kami.
"Are you ok?" Di ko namalayan na tulala pala akong naglalakad.
Tumango lang ako sa kanya.
"Minjun *sigh* wag mo ko iiwan please?" Tinignan ko sya sa mata at iniintay ang kanyang sagot.
"Yes, I won't leave" sabay yakap nya sakin ng mahigpit.
Minjun's pov
"Minjun *sigh* wag mo ko iiwan please?"
What will I say? Will I do the original plan?
"Yes, I won't leave"
I change my mind I won't leave...I won't leave you Vanessa.
I just hug her tightly.
Colten's pov
Kaya ko ba makitang ganto sila? Di ko inaakala na masasaktan ako ng sobra.
Bigla nalang may kumapit ng mahigpit sa braso ko para bang binibitinan ito. "Halika na? Nandun sila Vanessa at Minjun oh" sabi nya habang tinuturo sila Vanessa at Minjun.
Tumigil si Vanessa at Minjun sa paglalakad at napatigil din ako sa paglalakad ko tinitignan kung ano ang gagawin nila at kung bakit sila tumigil.
Nakita ko kung paano niyakap ni Minjun si Vanessa.
Dat ako yun. Pero hindi na ako.
"Na-iingit ka ba sa kanila Colten? Gusto mo i-hug mo ko nandito naman-" tinanggal ko ang pagkakayakap ng braso nya sa braso ko. Pagtingi ko ulet sa direksyon nila Vanessa wala na sila.
Iniwan ko si Laurene at hinahanap ko si Vanessa at Minjun.
Teka ano ginagawa ko? Sila na dapat alis na ko dun pero di ko matanggap.
Vanessa's pov
Magswiswimming na kami nang dumating na sila Monique, Lawrence, Colten at Laurene.
Lahat sila'y pumunta sa malalim habang ako'y hanggang bewang lamang. Di ako marunong lumangoy.
"Vanessa! Dito ka mababaw lang" tinry ko pumunta doon dahil eto ang sabi ni Laurene. Pero noon malapit na ako palayo sila ng palayo abot ko pero ang tubig eh hanggang leeg ko ito. Di ko na kaya ipagpatuloy.
Dali daling pumunta si Minjun sa akin mas matangkad sya sakin kaya abot na abot nya ang ilalim ng hindi manlang nahihirapan.
"Come on I'll bring you there" tumalikod si Minjun at sumapa ako sa likod nya at dinala nya ko kung nasaan yung iba.
"May trauma ka parin ba sa malalim?" Tanong ni Colten. Dahil ayoko sagutin ito tumango na lamang ako.
Naglaro pa kami sa dagat at maya maya naman eh umahon nadin kami.
Kailangan na namin ayusin yung nga pagkain ng lahat. Bumalik na kami at sinalubong kami ni Ms. Kim.
"Ah, you can rest we'll take care of this" sinabi nya sa amin habang tinuturo ang table namin.
Umupo kami at napakatahimik ng lahat. Naglalaro laro nalang kami sa cellphone namin. Maya maya naman nagdatingan na ang lahat. Pipila na sana kami para kumuha ng pagkain pero bigla kaming sinervan kami ng pagkain.
Kakain na sana ako nang pinagpalit ni Minjun ang plato namin. Nakita ko na himay himay na yung pork na nasa plato.
Ngumiti lang ako at kumain na.
----------<3----------
Nandito na kami sa kwarto namin at magpapalit na ko habang si Minjun naman aayusin yung gamit nya.
Nagpalit ako ng isang pastel pink na silk pajama.
"So pano kayo tutulog?" Tanong ni Laurene samin. "Baka naka tayo o kaya naka upo malamang nakahiga magkatabi" pagkasabi ko nun hindi na sya nakasagot at pumunta na sa cr para magpalit.
Ngayon pinatay na nila ang ilaw dahil tutulog na kaming lahat. Yung totoo di pa ko sanay ng sobra na katabi si Minjun.
Nakayakap ako sa unan at unti-unti ko pinipikit ang mga mata ko. Ayun natulog na ko. Kayo rin baka may balak matulog. Char
BINABASA MO ANG
365 DAYS
Teen Fiction365 days (Where all the dream starts) Hanggang 365 days lang ba 'di ba pwede dagdagan natin ang mga araw na magkasama tayo kahit isa pang 365 days. Ang tatlong daan at animnapu't limang araw kumakatumbas ng isang taon, labing dalawang buwan yan ang...