Chapter 1 Room 102

80 8 0
                                    

Yannie's POV:

Matagal akong nakatitig sa batang nakatayo sa paanang parte ng higaan ni mama. Mejo madilim sa kawarto pero naaninag ko na may nakatayo doon. Mahaba ang kanyang buhok at may bangs sya. Siguro mga 8 o 9 years old ang batang babae na ito. Maya-maya, siya ay naglakad papunta sa banyo.

"Nakita mo ba iyon?" Sabi ni mama sa akin sabay bahagya niyang iniharap ang kanyang katawan sa akin.

Biglang nagtayuan ang balahibo ko sa sinabi niya. Gising pala si mama, at nakita niya rin ang batang babae na nakita ko.

"Opo ma." Sagot ko sa kanya habang nakataas pa rin ang mga balahibo sa buong katawan ko.

"Pumasok siya sa banyo." May kaunting nginig ang boses niya.

Natigil ang usapan namin nang may kumatok sa pinto. Sabay kaming napatingin. At biglang bumukas ang ilaw.

Pumasok ang nurse sa loob ng room namin ni mama para palitan ang naubos na dextrose ko. Chineck din niya kung may lagnat ako at inipit ang thermometer sa aking kilikili. Maya-maya pa tumunog ito.

"36.6. Wala kang lagnat." Sabi ng nurse sa akin sabay ngiti nya.

"Ma'am, patayin ko na po ang ilaw." sabi ng nurse.

"Wag na."sabay naming nasambit, sabay tingin sa isat isa.

Agad namang lumabas ang nurse at muling nagtagpo ang tingin namin ni mama.

"Yan, nakita mo rin pala iyon, akala ko ako lang nakakita. Kanina pa ako hindi makagalaw sa higaan ko kasi kanina pa siyang nakatayo sa paanan ko."

"Nagulat nga po ako ma, akala ko kung sino yun. Pagdilat ng mata ko siya kaagad ang nakita ko." Sagot ko sa kanya.

Gusto kong bumangon kasi naiihi ako pero hirap kong igalaw ang katawan ko sa sakit na nararamdaman ko. Para akong nabugbog at nahulog sa mataas na bundok. Bahagya kong inalis ang kumot ko at napansin ang pasa sa may kaliwang legs ko.

"Awww,kaya pala ang sakit." Tiningnan ko ang mga braso ko ang daming gasgas, mababaw lang ang mga ito pero ramdam na ramdam ko ang hapdi, lalo pag ginagalaw ko ang mga ito.

Hindi na ako makatiis dahil ihing-ihi na ako. Dahan dahan akong tumayo kahit damang dama ko ang sakit ng buong katawan ko.

Pumunta ako ng banyo, habang naka titig si mama sa akin. Tiningnan ko din siya, nginitian at lakas loob na pumasok sa banyo.

Hindi ko isinara ang pinto, dahil dama ko pa rin ang takot. Maya-maya pa ay lumabas na ako. Muling nahiga ang maya-maya pa ay nakatulog na dahil sa pagod at sakit ng katawan ko.

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon