A/N: Mention ko lang yung mga bagong followers ko: krishau, walangjowazzz, NOTSLRAHC, KaeanneJhemAunzo, at si eyia_04. Thanks for following me.
Shout out din kay Jhoy Caliboso.
Yannie's POV:
Second day na ng exam, at dahil pinaghandaan ko ito hindi rin ako nahirapan sa lima pang subjects na natira ngayong araw na ito.
Tiningnan ko ang relo ko, meron pa akong natitirang oras para reviewhin ang mga sagot ko.
Confident naman ako sa mga sagot ko.
Dahil nga nagreview talaga ako. I make sure na lagi akong nakakapasok sa honor roll every quarter of course to make my mama ang papa proud.Pagkatapos ng exam, nagyaya naman si Dexter para mag chillax sa kanila. Movie marathon. Madalas namin itong ginagawang magbabarkada after exams para makapag relax.
"Guys, dating gawi. Marami akong bagong movies ngayon." sabi ni Dexter.
"Ayos! Kailangan nating magrelax after working hard." sambit ni Tonee.
"Nagwork hard ka talaga?...Saan banda? Sa pangongopya?" pang aasar ni Nikkie kay Tonee.
"Grabe siya. Ang harsh mo sa akin Nikkie ah." pagtatampo ni Tonee kay Nikkie.
"Joke joke lang besh. Di ka na mabiro. Love kaya kita." paglalambing ni Nikkie kabang papayakap siya kay Tonee.
"Tara lets, para makarami tayo." wika naman ni Dexter.
"Sa akin na kayo sumakay." alok ni Matt.
"Okay. Sa akin na sila Nadine at Zeb." sabi naman ni Dexter.
Agad kaming nagtungo sa parking area. Sumakay na kami sa kotse ni Matt, syempre kasama ko doon sina Reese, Tonee at Nikkie.
At dahil walang traffic sa mga oras na iyon, nakarating kami kila Dexter makalipas ang labing-limang minuto.
Agad kaming pumasok at kanya kanya kaming naghanap ng mapupwestuhan para sa movie marathon.
"Anong gusto niyong panoorin?" tanong ni Dexter sa amin.
"Crash Landing." suhestiyon ni Nadine. "Maganda daw iyon." dagdag pa niya.
"Wait lang, magpapahanda lang ako ng meryenda kay Manang Julie." sabi ni Dexter habang patungo sa kanilang kusina.
Agad naman siyang bumalik para i ayos ang aming papanoorin.
Maya maya inilapag na ni Manang Julie ang aming meryenda. Kanya kanya kami ng kuha.
Tutok na tutok kami sa aming pinapanood. Hindi namin maialis ang aming paningin sa bawat eksena.
Hindi namin namalayan ang oras dahil sa ganda ng aming pinapanood.
"Senyorito, telepono po. Ang mommy ninyo." si Manang Julie iyon. Sabay sabay naman kaming lumingon sa kanya.
"Wait. Ipo-pause ko lang ito." sagot naman ni Dexter kay Manang Julie at nagmadaling pumunta sa may telepono.
"Guys, gumagabi na." sabi ko sa kanila.
"Oo nga, di natin namalayan ang oras sa ganda ng pinapanood natin." sabi naman ni Zeb.
"Let's wait for Dexter para makapag good bye na tayo sa kanya." sabi naman ni Tonee.
Maya maya bumalik na si Dexter kung saan kami nanonood.
Medyo malungkot ang mga mukha nito.
"Bakit bro?" May problema ba? Tanong ni Matt kay Dexter.

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalneAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.