A/N: Beshiewaps sorry for the wrong spellings.
Yannie's POV:
Damang dama ko ang simoy ng hangin. Nakagagan ito ng pakiramdam. Bahagya kong itinaas ang aking mga kamay at ipinikit ang aking mga mata. Parang ngayon lang ako nakalanghap ng ganito kasariwang hangin. Inililipad nito ang akong mahabang buhok, pati na ang aking puti at mahabang damit.
Sinimulan kong maglakad at binuksan ang aking mga mata. Hinawi ko ang mga nagtataasang damo sa paligid. May mga makukulay na bulaklak at mga paru-parong malayang lumulipad.
Nang aking marating ang dulo ng mga damuhan, bumungad sa akin ang dagat. Banayad ang alon. Pero damang dama ko lakas ng hangin na humahampas sa aking mukha at katawan. Ang sarap ng aking pakiramdam.
Naglakad ako sa dalampasigan. Damang dama ko ang tubig dagat sa aking mga paa. Tila kinikiliti ang mga ito. Maya-maya, biglang nagliwanag ang paligid. Bahagya kong tinakpan ang aking mga mata upang makita kung saan ito nanggagaling.
Ako'y napahinto, biglang bumungad ang napakataas na hagdan. Tiningnan ko ito hanggang sa itaas, abot ang mga ulap.
Hinakbang ko ang aking mga paa at dahan dahang umakyat. Napakaganda ng hagdanan na ito. Kulay puti. Napakalinis. Parang ako pa lang ang unang tumapak dito. May mga ginto sa hawakan at napaka ganda ng mga disenyo nito. Pang super duper yaman ang istilo.
Patuloy akong umakyat dama pa rin ang lakas ng hangin. Ako'y napahinto, napatingin sa baba, lagpas na pala ako sa kalahati. Bahagya akong nakaramdam ng pagod pero tuloy pa rin ako sa pag akyat. Gustong gusto kong marating ang dulo nito. Gustong gusto kong makita kung ano ang nasa dulo. Bahagyang bumagal ang aking paghakbang. Pero patuloy pa rin ako.
Mga ilang hakbang na lang, malapit ko ng marating ang dulo. Huminga ako ng malalim at huminto sandali. Muli kong hinakbang ang aking mga paa. Sa dulo ng napakataas na hagdanan na ito, may napakalaking gate. Kulang ang salitang maganda para mailarawan ang itsura nito. Nakabukas ito ng bahagya. Tinitigan ko ang uwang sa gate, may kakaiba akong naramdaman. Habang ako'y nakatitig dito, tila hinihila ako nito para pumasok. Di ko mapigilan ang aking mga paa sa paghakbang. Hanggang sa ako ay nakapasok at lalong namangha sa aking nakita. May mga ulap sa paligid. Parang may pa fog effect dito. Napaka bango at napaka presko. Inikot ko ang aking paningin, hindi ko matanaw ang dulo nito sa sobrang lawak.
"Wow." ang tanging salitang nasambit ko sa sobrang pagkamangha.
"Ija, bakit ka nandito? Hindi ka pa dapat nandito." tanong ng isang lalaki. Bakas sa boses nito na may katandaan na.
Agad akong napalingon. "Ha? B..bakit po?" mahinang tanong ko at yumuko habang humarap sa kanya. Pinagmasdan ko ang aking kausap. Nakasuot siya ng puting damit, mahaba ang mga ito. Ngunit nang aking inangat ang aking mukha para makita ang kanyang mukha, hindi ko ito makita dahil sobrang liwanag sa likuran niya.
"Anak, bumalik ka na muna kung saan ka galing. Hindi ka pa dapat narito." mahinahon niyang sabi.
"Pwede po ba akong makahingi ng isang basong tubig? Napagod po kasi ako sa pag akyat sa sobrang taas nitong hagdan." sagot ko naman sa aking kausap.
Tila ba na nag magic siya. Agad siyang may isang basong tubig at inabot niya ito sa akin. Saan niya kaya kinuha iyon? Tanong ko sa aking sarili. Agad ko naman itong ininom. Ang sarap ng lasa nito. Ramdam na ramdam ko ang pag agos nito sa uhaw kong lalamunan. Para itong dumaloy sa buo katawan ko. Guminhawa ang aking makiramdam.
"Maraming salamat po, aalis na ako." sabi ko sa kanya.
"Magkikita tayong muli sa tamang oras at panahon. Dagdag pa niya.
Dali-dali naman akong nagtungo sa malaking gate para lumabas. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan. Muli kong nilingon ang aking pinanggalingan, nabalot na ito ng makapal na ulap. Nagtuloy ako sa pagbaba. Hanggang maabot ang dulo.
Paghakbang ko sa pinakahuling bahagi nito. Nawala ang liwanag.
Dumilat ang aking mga mata. Maliwanag na ang paligid. Pinakiramdaman ko kung nasaan ako, nakahiga pa pala ako sa aking kama. Panaginip lang pala iyon. Pero parang totoong nangyari dahil damang dama ko ang bawat pangyayari.
Biglang may kumatok sa pinto sabay sabing "Yannie anak, bangon na. Malelate ka na." boses yun ni manang.
Agad naman akong bumangon, inayos ang aking kama at dumiretso sa banyo para maligo.
Bumaba na ako agad at nag almusal.
"Mag tricy ka na lang anak, ito nga pala ang allowance mo. Ipinabibigay ng papa mo. Ang mama mo naman may aasikasuhin sa probinsya. Mawawala din siya ng ilang araw." paliwanag ni manang.
"Okay po, aalis na ako." sabay yakap kay manang.
"Mag-ingat ka anak" sabi ni manang habang nakangiti.
Agad akong lumabas sa bahay. Agad din akong nakasakay ng tricy papuntang eskwela.

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.