A/N: Beshiewaps don't forget to vote, comment and share.
Don't forget to recommend this to your friends.
Yannie's POV:
Nakatayo ako sa isang kanto habang nag aabang ng masasakyan.
Natatanaw ko ang isang babaeng nakatayo sa sabilang kanto, at mukhang nag aabang din siya ng masasakyan.
Maya maya, may humintong green na pick up sa tapat niya. Kitang kita ko na sapilitan siyan isinakay nung dalawang lalaki. Agad na pinaandar ng driver ang sasakyan.
Maya maya nagiba ang aking paligid. Maraming puno, medyo dumidilim na. Inikot ko ang aking paningin sa paligid, nasa gitna ako ng kakahuyan. Nakaramdam ako ng takot. Wala akong ibang makita kundi puro puno. Nagtataasan ang mga ito.
Maya maya, may narinig akong ugong ng makina ng sasakyan. Natatanaw ko rin ang ilaw galing dito. Nang makita ko na ito yung green na pick up, nagtago ako sa likod ng isang malaking puno.
Huminto ito. Nakita kong nagmamadaling bumaba yung babaeng sapilitan nilang isinakay dito. Kumaripas siya ng takbo. Pero nahabol siya nung isang lalaki at agad niyakap.
"Saan ka pupunta? Halika dito, papagurin mo pa ako ha." sabi nito sabay yakap sa kanya.
"Bitawan mo ako." sabi nung babae habang nagpupumiglas.
Lumapit pa yung dalawang lalaki. At hinawakan yung babae sa magkabilang kamay.
"Maawa na kayo sa akin. Bitawan niyo ako." pagmamakaawa ng babae.
"Ang arte arte mo." sabi nung isa sabay sampal.
Napaiyak sa sakit yung babae.
"Please parang awa niyo na. Bitawan niyo ako." muling pagmamakaawa nito.
Sinikmuraan siya nung lalaking nanampal sa kanya. Napaluhod yung babae dahil sa sakit.
Nanginginig na ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong sumigaw pero natatakot ako. Kaya tinakpan ko na lang yung bunganga ko para di makagawa ng ingay.
Kitang kita ko na namimilipit pa rin sa sakit yung babae. Pero hawak hawak pa ring siya nung dalawa sa magkabilang kamay.
Inihiga nila ito kaya naman lalo siyang nagpupumiglas.
"Bitawan niyo ako. Maawa na kayo." pagpupumiglas nito.
Hinatak nung lalaking nananakit sa kanya ang kanyang blouse, kaya naman napunit ito. Na expose tuloy ang kanyang katawan. Gusto niya itong takpan pero di niya magawa dahin nakahawak pa rin yung dalawamg lalaki sa kanya.
Hinatak din nito amg kanyang palda, at inalis ang kanyang pangibabang saplot.
"Huwag, huwag...please huwag." nagpupumiglas ito habang nagmamakaawa.
Patuloy parin yung lalaki sa kanyang ginagawa.
Nanlumo ako sa nakita ko. Wala man lang akong magawa. Hindi ko man lang siya matulungan dahil natatakot din ako.
Dahil patuloy sa pagsigaw ang babae, huminto ang lalaki sa kanyang ginagawa, may dinampot ito at pinukpok ito sa ulo ng babae.
"Sh!t!" sambit ko sabay takip nang mahigpit sa bunganga ko.
Nanahimik yung babae dahil sa pagkakapukpok sa ulo nito at nagpatuloy yung lalaki.
Napaiyak na lang ako sa kinatatyuan ko.
"Matt...Matt...Matt..." mahinang sambit ko.
Maya maya pa. Tumigil ang lalaki. Tumayo ito at inayos ang kanyang pantalon.

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.