A/N: Beshiewaps don't forget to vote, comment and share.
Matt's POV:
Ang ganda pa rin niya kahit tulog na siya. Sabi ko sa aking sarili habang pinag mamasdan ko si Yannie na natutulog.
Tiningnan ko si sir Ven, tulog na rin siya.
Kinuha ko ang aking cell phone. Tiningnan ko yung picture namin kanina sa loob ng van, kahit nakahoodie siya, litaw pa rin ang ganda niya. Sana totoong girlfriend kita Yannie. Muling sabi ko sa sarili ko.
Habang pinagmamasdan ko siya, naalala ko tuloy si Rafael. Sigurado ako kung hindi namin ginawang magpanggap, baka hindi niya tigilan si Yannie. Alam kong hinding hindi siya titigil hanggat hindi nakukukuha ang gusto niya. Kahit kaibigan ko siya, naiinis ako sa tuwing tinitignan niya si Yannie. Ako lang dapat tumingin sa kanya ng ganon.
Napatawa tuloy ako, feeling ko talaga girlfriend ko siya.
Ang sarap hawakan ng mga malalambot na kamay niya. Sh!t, nung tinggal niya yung hoodie niya buti walang ibang nakakita sa kanya. Bakat na bakat ang magandang hugis ng katawan niya, at litaw na litaw ang makis niyang balat. Kahit sinong lalaki talaga magkakagusto sa kanya.
Lalo kung makikilala mo pa siya ng husto. Grabe nakaka in-love.Ano ba yan, parang hindi ko na kilala ang sarili ko simula ng makilala ko siya.
Paano ko kaya liligawan ito? Paano ko kaya siya mapapasagot. Mukhang wala pa sa bokabularyo niya ang mag kaboyfriend.
Muli ko siyang tinitigan. Parang gusto ko siyang tabihan para yakapin. Buti na lang nayakap ko siya sa van kanina. Pero di ko sinasadya iyon. Nakatulog din ako.
Sana talaga Yannie, may tayo.
Maya maya pay napansin ko si Yannie, para siyang nananaginip.
Umuungol siya, ang bilis ng galaw ng mga mata niya kahit nakapikit siya.
Nilapitan ko siya. Tinapik ko.
"Yannie, nananaginip ka yata." mahinang sambit ko. Maya maya muling nahimbing ang tulog niya.Hinaplos ko ang buhok niya, habang nakatitig ako sa makinis niyang mukha. Hinaplos ko din ang pisngi niya. Ang kinis talaga. Hinawakan ko ang matangos niyang ilog, pababa sa malalambot ang mamula mula niyang mga labi. Muli siyang umungol kaya dali dali akong bumalik sa aking higaan.
Muli ko siyang tiningnan. Mahimbing na ang kanyang pagkakatulog.
*****
Masaya kaming nagtatawanan ni Yannie. Kitang kita ko ang kinang sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa akin.
Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.
Ginantihan naman niya ako ng mahigpit na yakap."Babe, let's go." mahinang sabi ko sa kanya sabay hawak sa malambot niyang kamay.
"Babe, okay lang ba kung tanggalin ko ito, para makapagswimming ako ng mabuti?" tanong niya sa akin.
Tumingin muna ako sa paligid, wala namang ibang tao kaya tumango na lang ako.
Tinanggal niya ang balabal sa katawan niya. Nanlaki ang mga mata ko. Naka two piece pala siya di man lang sinabi sa akin.
"Babe, ayaw mo ba itong suot ko? Magpapalit ako." mahinahong sabi niya sa akin.
"Okay lang babe, proud ako sa kaseksihan mo." sagot ko sa kanya.
Binatukan niya ako. "Manyak nito." sabi niya sabay muling tinakpan ang katawan niya gamit ang balabal.
Tiningnan ko lang siya. Ang bilis ng kamay nila. Lumanding agad sa batok ko.
Nang makarating kami sa swimming pool, hinawakan niya ako. "Babe, hindi ako marunong maglangoy." sabi niya.
"Ako ang bahala." sabi ko sabay upo sa gikid ng pool. Naupo rin siya dito.
Ibinabad namin ang aming mga paa."Ang lamig ng tubig babe." sambit niya sabay alis ng paa sa pool.
Bumaba ako sa swimming pool. Hanggang dibdib ang lalim nito.
"Babe, halika na. Wag ka matakot." malambing na sbi ko sa kanya at dahan dahan naman siyang bumaba.
Nilapitan ko siya, tinitigan ko siya ng mabuti. "Matt...Matt...Matt..." binanggit niya ang pangalan ko.
Ayun nagising tuloy ako.
Akala ko totoo na.
*****
Nananaginip lang pala ako. Nabaling ang tungin ko Yannie. Nagsasalita ito habang natutulog.
"Matt...Matt...Matt...." muli niyang nabanggit ang pangalan ko. Mukhang binabangungot siya.
Bumalikwas ako para agad na makatayo, nilapitan ko siya.
"Yannie, gising. Nananaginip ka ata." sabi ko sabay tapik. Inulit ko ito dahil napansin ko na biglang bumulis ang paghinga niya. Para bang hinahabol niya ito. Nilaksan ko ang pagyugyog sa kanya.
Bigla siyang bumangon.
"Matt." sambit niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Tahan na. Panaginip lang yun. Sabi ko sa kanya sabay haplos sa kanyang buhok.
"Matt napanaginipan ko na naman siya." sabi niya sa akin habang tinatanggal ang pagkakayakap niya.
May luha sa mga mata ni Yannie. Pinunasan ko ang mga ito habang pinagmamasdan ko siya. May takot sa maamo niyang mukha.
" Sinong napanaginipan mo?" tanong ko sa kanya.
"Yung babae Matt, yung nakita natin sa corridor na school. Humihingi siya ng tulong sa atin" sabi niya habang patuloy pa rin ang pag iyak.
Kumuha ako ng isang boteng tubig. Binuksan ko ito at iniabot ko sa kanya. Ininom niya naman ito. Huminga siya ng malalim at kumalma na.
Tiningnan ko ang oras, 5:30 na ng umaga.
"Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya.
"Mauna na akong maligo. 6:30 to 7:00 am ang scheduled time for breakfast ha." paalala ko sa kanya.
Tumango siya ulit at ngumiti sa akin. Simuklian ko naman siya ng ngiti at nagtungo na ako sa banyo para maligo.
BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.