Chapter 6 Cafeteria

46 7 1
                                    

A/N: Mga beshiewaps, pasensya na sa mga wrong spellings ha. Ewan ko ba kung malalaki ang mga daliri ko o sadyang maliit lang ang keypad ng cp ko.
Edit edit din ako pag may time

Metion ko lang si Tin Tin Calamaba, eto na, may updates na.

Yannie's POV:

Lunch time na. Yehey! Makakakain na ako. Sa sobrang gutom ko, para akong di nakapag breakfast ah. Nauna na ako sa mga beshiewaps ko. Agad naman akong nakabili ng food kasi wala pa masyadong tao sa cafeteria. Para akong lumipad mula sa 4th floor ng building namin hanggang dito sa cafeteria na malapit sa guard house. Iba talaga ang nagagawa ng gutom.

"Grabe ka ghorl! Nangiiwan...nangiiwan."  galit na sabi sa akin ni Nikkie

"Sorry na besh, gutom much." sabi ko habang ngumunguya.

"Tara pila na tayo." Sabi naman ni Tonee habang inilapag ang gamit sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Oo nga." Sambit ni Reese. "Humahaba na ang pila." Dagdag pa niya. At agad naman silang nagtungo sa papahaba na na pila.

Nilingon ko sila sandali at muling bumalik sa pagkain. Habang ninanamnam ko ang sarap ng chicken wings na ito, may naramdaman akong presensya sa likod ko. Di ako gumalaw. Ramdam ko na bumibilis ang tibok ng puso ko kaya huminga ako ng malalim.

Maya maya pa may biglang nagsalita malapit sa tenga ko. "Did you feel me?" Mahina lang ito pero sapat na para marinig ko sa kabila ng ingay ng ibang estudyante sa loob ng cafeteria. Ramdam ko rin ang init ng hangin na binubuga ng ilong niya.

Unti unting tumayo ang mga balahibo ko. Kaasar, ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

"Naramdaman kasi kita." Nagsalitang muli kaya napalingon na ako sa kinatatayuan niya. Muntik nang mag dikit ang mga mukha namin dahil sa pag lingon ko di kasi niya inalis ang mukha niya. Muntik pa tuloy kaming nag kiss. Eeewww. Kairita.

Nang makita ko kung sino iyon, mabilis na kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko. Itinulak ko siya, napaupo naman siya sa ginawa ko na siyang nakakuha sa atensiyon ng mga tao sa cafeteria.

"Sorry...sorry...!" Sabi ko sa kanya habang nilalapitan siya. Napansin ko na papalapit na rin ang mga beshiwaps ko kaya agad ko siyang tinulingang tumayo.

Tumayo naman siya pero di pa rin niya inaalis ang mga tingin niya sa akin. Nakaramdam ako ng init sa magkabilang pisngi ko. Nag ba-blush ako. Tatakpan ko sana ang mukha ko pero may hawak pa na isang chichen wing ang kaliwang kamay ko. Agad ko naman inilapag sa pinggan ko at kumuha ako agad ng tissue para punasan ang kamay pati na ang nguso ko.

"Baby, why? What happened?  Tanong ni Nikkie na sabay na nakipagpag sa damit niya habang hawak ang tray ng pagkain sa kabilang kamay.

"Huy, umayos ka nga. Kung maka baby akala mo naman kung sila."
Si Tonee. Habag inilalapag naman ang tray sa lamesa.

Tuloy pa rin si Nikkie sa pagpagpag ng damit niya. Tumigil lamang ito ng sabihan siya nito na okay na siya.

"Ano bang nangyari?" Kalmadong tanong ni Reese sa amin. Habang papaupo naman siya sa isang upuan.

"Ito kasi." sabi ko sabay turo sa kanya. Ngumisi lang siya na siya ko namang ikinairita.

"Let's eat. I'm statving." sabi ni Nikkie. "Baby, come here. Sit beside me. I bought food for us. Hihihi. Pabebeng sabi ni Nikkie sa kanya. Agad naman siyang lumapit kay Nikkie.

"Isssss...."inirapan ko na lang siya at bumalik na ako sa pagkain.

"Nikkie, kung maka baby ka jan kay Matt parang kayo ah." Pang aasar ni Tonee.

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon