Chapter 24 First kiss

4 0 0
                                    

A/N: Beshiewaps don't forget to vote, comment and share.

Don't forget ti recommend this to your friends.

Yannie's POV:

Napagod ako sa 1st session namin buti medyo maagang natapos

Naupo ako sa may higaan ko. Tinanggal ang aking rubber shoes at itinaas ang mga paa ko sa katabing upuan.

"Yannie, gusto mo bang mamasyal?" tanong sa akin ni Matt.

"Sige." agad na sabi ko habang nanlaki ang mga mata ko.

"Magbihis ka na at basa ka ng pawis." maawtiridad na utos nito sa akin.

"Opo." tipid na sagot ko.

"Wag kang magsasando ha." paalala nito.

"Opo." muling sagot ko sabay tungo sa bag para magkalkal ng damit.

Halos puro sando kasi ang naidala ko. Kaya medyo natagalan akong maghanap.

Pagkakuha ko ng t-shirt sa bag ko, agad akong pumunta sa banyo para magbihis.

Paglabas ko, nadatnan ko na may kausap sa cell phone si Matt.

"Okay po. Bye." sabi nito sa kausap sabay tingin sa akin.

"Tara." yaya niya. At agad kaming lumabas sa kwarto.

Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko, kinapa ko ito, medyo basa pa. Baka basa ng pawis. Inayos ko ng bahagya. Natural ang pagka wavy nito kaya hindi halatang magulo.

Napatingin si Matt sa akin.

"Bakit?" tanong ko?

Umiling lang siyan kaya nagpatuloy kami sa paglalakad.

Paglabas namin sa campus, tumigil kami sndali. "Mag antay lang tayo ng masassakyan." sabi sa akin ni Matt.

Tumango lang ako. Nabaling ang tingin ko sa isang tarpaulin na nakasabit sa isang puno.

MISSING ang nakaimprenta sa malalaking letra. Tiningnan ko ng mabuti ang detalye. MAICA SUAREZ
Pagkabasa ko dito, napatitig ako sa mukha ng nasa litrato.

"Matt." sambit ko sabay turo sa tarp.

"Oo nga. Nabalitaan ko yan. Maalala mo ba nung nagkita tayo sa The Grill?" tanong nito. Tumango lang ako habang nakatingin pa rin sa tarpaulin. "Kinaumagahan, binalita sa akin ni Dominic na nawawala siya." dagdag pa nito.

"Matt, siya yun. Siya yun." sambit ko habang di ko namamalayan na pumapatak na ang luha sa mga mata ko.

"Yannie, ayan na yung jeep." sabi sa akin ni Matt kaya naman agad kong pinunasan ang mga luha ko.

Sumakay na kami sa jeep. May lima pang sakay ito. Tatlo dito ay mga lalaki. Nakatingin sila sa amin ni Matt.

Lumapit si Matt sa akin at inakbayan ako. Dahil dito, inialis ng tatlong lalaki ang tingin nila sa amin.

Dudukot ako ang pera sa sling bag ko pero inabot na ni Matt ang bayad sa mamang driver.

"Lagi mo na lang akong nililibre ha. Sige ka mamaya masanay ako sa ganyan." sabi ko sa kanya habang kininusot ang mga mata ko.

"Okay lang babe, marami akong pera." pangaasar na sagot niya.

Siniko ko siya. "Aray, masakit babe." daing niya.

"Kaasar ka." sambit ko.

Maya maya ay pumara na siya sa tapat ng isan convenient store.

Agad kaming pumasok sa loob. Nagtungo siya sa may freezer na lagayan ng ice cream. "Kuha ka na ng gusto mo." nakangiting sabi niya sa akin.

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon