Chapter 15 Last hug

18 4 0
                                    

A/N: Beshiewaps don't forget to vote, comment, and share.

Shout out to AngelKateHusayan and KaClAuDeRo. Thank for following me.

Yannie's POV:

Mataas ang sikat ng araw pero hindi ko masyadong nararamdaman ang init. Inikot ko ang aking paningin sa paligid, wala masyadong tao kasi siguro maaga pa.

Maglalakad na sana ako ng may biglang humawak sa braso ko. Nilingon ko agad kung sino ito, si Dexter. Nakangiti siya sa akin. Nginitian ko naman siya.

"Halika." Aya niya sa akin at agad naman akong sumama sa kanya.

"Dito tayo." sabay hawak sa kamay ko ta nagsimula na kaming maglakad sa may dalampasigan.

"Maganda dito." sabi niya sabay tingin sa akin. Kakaiba ang mga tingin niya, makahulugan ang mga ito. "Doon tayo." sabay turo sa malalaking tipak ng bato.

Dahan dahan kaming naglakad. Nakatingin lang ako sa kanya. Habang siya naman ay naka yuko at pasulyap sulyap lang sa akin.

Narating na namin ang malalaking tipak ng bato. "Doon tayo sa taas. Sigurado ako magugustuhan mo doon." sabi niya.

Nauna akong umakyat agad naman siyang sumunod sa akin. "Dahan dahan ka sa pag akyat mo ha. Madulas ang mga iyan." paalala niya sa akin.

"Wag kang mag alala, kayang kaya ko ito." sabi ko naman sa kanya.

Mukhang di naman kataasan ang mga tipak ng batong ito pero parang ang hirap marating ang tuktok nito.

Nang marating namin ang tuktok nito,  bumungad sa amin ang napakalawak na dagat. Bughaw na bughaw ang kulay nito at kalmado ang mga alon. Damang dama ko rin ang napaka sariwang hangin.

"Wow." ang tanging salita na nabanggit ko.

"Sabi na e magugustuhan mo dito." sabay tingin sa akin.

Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Dexter. Malaki ang ngiti sa kanyang mga labi at kumukislap ang kanyang mga mata.

"May ibibigay ako sa iyo." sabay kuha sa isang maliit na kahon sa kanyang bulsa. Agad niya itong binuksan at bumungad sa akin ang bracelet na may dalawang puso.

Napanganga ako sa regalo sa akin ni Dex. Agad ko naman tinakpan ang bunganga ko.

Napatawa siya ng bahagya sa reaksiyon ko.

Kinuha niya ang bracelet sa kahon nito. Sinuot niya ito sa kaliwang kamay ko sabay sabing "to the girl that I love, take this as a sign of my love. I hope you like it."

Nakatingin lang ako sa kanya. Sa hindi ko malaman na dahilan, unti unting tumulo ang aking luha.

Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang mga pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya.

"Yannie, I want you to be happy and I want to let you know that I love you so much." mahinang sabi niya sa akin habang nakalapit ang kanyang bibig sa aking tainga.

Kahit mahina ang pagkakasabi niya, dinig na dinig ko at damang dama ko ang bawat salitang binitawan niya.

Bahagya niyang tinggal ang pagkayakap niya sa akin. Muli niyang tiningnan ang aking mukha. "Wag mo akong kakalimutan ha."  sabi niya at bakas ang pagaalala kanyang boses.

"Hinding hindi kita makakalimutan Dex." sabay muling yakap ko sa kanya.

Biglang nagliwanag ang paligid dahilan naman ito ng pagbitaw ko sa aking pagkayakap sa kanya.

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon