A/N: Beshiewaps don't forget to vote, comment and share.
Sorry sa mga wrong spelling.
Yannie's POV:
Maaga akong nagising dahil ang sarap ng tulog ko kagabi. Niligpit ko na ang aking higaan at dali dali akong pumunta sa cage ng love birds.
Binigyan ko sila ng pagkain. Pinanood ko sila habang kumakain.
"Good morning babe." bati sa akin ni Matt na nakatayo sa likod ko.
Humarap ako sa kanya habang inangat ang kamao ko.
"Hala siya. Hindi mo ba ako babatiin ng good morning too babe." Seryosong sabi niya.
Napakamot na lang ako sa aking kilay sabay lakad tungo sa bag ko. Kumuha ako ng damit at nagtungo sa banyo.
Habang naliligo ako. Iniisip kong muli yung pagkasunod sunod ng steps sa routine namin. Kabisado ko na iyon Sana lang makisamang gumalaw ang katawan ko.
Paglabas ko ng banyo, nakatayo doon si Matt, nag aantay. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti.
Huminto ako sa harap niya at tinitigan ko siya, seryoso ang aking pagmumukha. Nakita ko na unti unting nawala yung ngiti niya. Maya maya pa nginitian ko siya sabay lakad.
Napailing na lang siya sa ginawa ko at pumasok na sa banyo.
Nang tiningnan ko si sir Ven, tulog pa rin ito.
Pinatuyo ko na ang ang buhok para maitali ito.
Maya maya lumabas na si Matt at agad na nagbihis.
"Yannie, tara na sa cafeteria." malumanay na sabi nito.
"Matt, nasaan yung kopya ng routine natin?" tanong ko sa kanya.
"Ito oh." sabi niya sabay abot.
Agad kaming lumabas at nagtungo sa cafeteria para mag breakfast.
"Yannie, may problema ka ba?" nag aalalang tanong sa akin ni Matt
"Okay lang ako." mahinang sagot ko.
"Libre na lang kita ng comfort food mo mamaya." sabi ni Matt sabay ngiti.
Simuklian ko rin siya ng ngiti.
"I love you" mahina niyang sabi.
"Ha? Anong sabi mo.?" tanong ko.
"Wala." tipid na sagot niya habang nakangisi.
Pagdating namin sa hall, may nakapaskil na papel. LATIN DANCERS PROCEED TO RM 301.
Agad namin itong hinanap. Hanggang sa makarating kami sa third floor.
"Matt, doon o." sabi ko kay Matt sabay turo.
Agad kaming pumasok.
May mga nagkukumpulan na kalalakihan sa loob. Nabaling naman ang tingin nila sa amin.
"Hi." bati nung isa.
"Ilang araw na tayo dito pero hindi pa tayo magkakakilala." sabi nung isa.
"Oo nga noh. Ako nga pala si Matt." pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
"Ako naman si Chester, siya si Blake siya naman si Thomas." pagpapakilala naman ni Chester sa kanila.
"Ano naman ang pangalan ng magandang binibini na kasama mo?" maangas na tanong nito.
"A...girlfriend ko nga pala, Si Yannie." pagpapakilala niya sa akin sabay akbay.

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.