Chapter 4 Brown out

36 6 1
                                    

A/N: Sorry sa mga wrong spelling hirap kasing mag type sa cp.

Idedicate ko nga pala tong chapter na to kay Jessica Fae Saccuan!!! Enjoy reading

Yanni's POV

Mabilis ang naging ikot ng oras. Di ko namalayan, bukas papasok na pala ako sa school. I checked my things kung kumpleto na. Agad kong itinabi ang bag ko sa sa tamang lagayan. Well gusto ko kasi nasa tamang lagayan lahat. Nakaorganize dapat lahat.

Hinanap ko ang akong cellphone kung saan ko ito inilapag. Nakita ko iyon sa ibabaw ng study table ko. Binuksan ko ito at saglit na nag facebook para i-check ang mga notifications.

Nalita ko ang mga posts ni Nikkie, naka tag sa akin lahat ng iyon. Nakalagay #firstdayhigh #newclassmates #newsection #newteacher. Malamang maraming new umpisa nga ng klase diba. Umagaw sa aking pansin ang word na insert Yannie. Ang dami tuloy comment kung bakit wala ako sa pictures namin ng mga frienship ko. Di ko na binasa ang 500 comments, ang dami e.

Nakaramdam ako ng gutom. Tiningnan ko ang oras 10:00 na pala. Di pa ako natutulog. "Sana lang maaga akong magising bukas. Dalawang araw din akong di nakapasok kaya dapat di ako malate." mahinang sabi ko sa aking sarili.

Bumaba ako saglit sa kusina para kumuha ng pagkain. Ayaw ko kasing matulog ng gutom. Naririnig ko na rin ang tunog ng aking tiyan. Grabe parang nagrarbulan na ang mga alaga ko di makapaghintay.

Binuksa ko ang reff. Kumuha ako ng fresh milk. At tiningnan ang cookie jar sa taas nito. "Hay salamat may cookies pa."  Agad ko itong kinuha para matigil na sa pagrarambol ang mga alaga ko sa tiyan.

Feel na feel kong kumain. Pagsubo ko ng isa pang cookie, biglang nagbrown out. Hindi muna ako gumalaw sa kinauupuan ko. Kasi after five minutes, magkakailaw din naman agad.

"Hala siya! Ten minutes na di pa nagkakailaw." Buti na lang naidala ko ang aking cellphone. Agad kong kinuha at ginamit itong pangilaw. Inubos ko na ang mga cookies at pagkatapos ininom ang gatas. "Hay sarap."  Sabay himas sa tiyan ko.

Ilalagay ko na sana yung pinagkainan ko sa lababo ng may naaninag akong tao sa di kalayuan.

"Ma, nag midnight snack ako ha. Gutom kasi ako."  pagkatapos inilapag ko na ang platito at basong ginamit ko. Nang ako'y umikot, wala naman pala si mama.

Inilawan ko ang parteng iyon gamit ang aking cellphone kung saan ko naaninag ang taong nakatayo, pero wala palang tao.

"Pa, ikaw ba yan?"  tanong ko pero wala naman sumasagot. Nagkibit balikat na lang ako. Kumuha ako ng baso at nilagyan ko ng tubig. Ininom ko yung kalahati at dinala ang kalahati pabalik sa aking kwarto.

Paghakbang ko sa hagdan, nabuhos ko sa mukha ko ang kalahating basong tubig na hawak ko dahil sa pagka gulat ko sa aking nakasalubong.

"Anak, anong ginagawa mo jan?"  tanong sa akin ni papa.

Di ako agad nakasagot dahil pinunasan ko ang tubig sa mukha ko gamit ang isang kamay ko.

"Unakyat ka na at matulog. Nag midnight snack ka na naman anak. Sige ka, pag tumaba ka niyan walang sisihan ha. Lahi pa naman natin ang matataba. Dalaga ka pa naman. Sige walang magkakagustonsa'yo kung magmumukha kang balyena" natatawang sabi ni papa sa akin.

Love na love talaga ako ng papa ko. Parang excited sya nagkaboyfriend ako. Baby pa kaya ako. Basta ako. Kakain ako...lalamon ako...sabi ko sa isip ko.

Bumalik na ako sa kwarto ko. Nagbihis ako ng damit. Namutla ako dun ah. Akala ko may multo na.

Nahiga ako sa kama ko at muling tiningnan ang mga posts ni Nikkie.

"Mukhang may bago kaming classmate ha." Nasambit ko habang zinuzoom in ko yung picture.

Habang tinititigan ko ang poging boylet na nakaupo sa tabi ni Nikkie, para akong may kakaibang naramdan sa kanya.

Alam ko hindi ito love at first sight. Gwapo siya, oo. Pero parang may kakaibang awra na bumabalot sa kanya.

"Haist, antok lang siguro ito. Makatulog na nga." sambit ko at syempre di nagtagal, nakatulog na din ako agad. Busog ata to.

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon