Chapter 2 Php 1000

58 8 0
                                    

Yannie's POV:

Nagising ako sa lakas ng ingay sa kwarto. Pero di ko agad binuksan ang mga mata ko. Sigurado akong si tita Bie yung maingay sa tabi ko.

Maya maya pa ay idinilat ko na ang mga mata ko.

"Gising ka na pala." may pag-aalala sa mga mata niya. "Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Itinaas ko naman ang mga braso ko at ipinakita ang mga pasa sa katawan ko.
"Buti ganyan lang ang nangyari sa inyo ng mama mo. Buti hindi grabe. Maliban sa inyo may iba pang mga rstudyante na dinala dito sabi ni Jay."

Si tito, ang asawa nya, ang tinutukoy nya.

"Buti na lang pala hindi niyo sinama si baby, kundi baka kung napano sya."

"Oo nga, buti nakatulog siya bago kami umalis ni Yannie. Buti na lang talaga." sagot naman ni mama sa kanya.

"Paano ba nangyari yun?." tanong ni Tita Bie sa akin.

Mabilis ang mga pangyayari, nagising nalang ako sa sigaw ni mama.

*****Flashback*****

"Thank you lolo." Malaki ang ngiti ko, sabay kuha sa isang libong piso na ipangbibili ko ng bag.

"Tingnan mo ng mabuti ang bag na bibilhin mo ha. Kasya na ba yang 1000?" Tanong ni lolo sa sa akin

"Opo." mabilis ko namang sagot sa kanya. Di naman kasi ako mahilig sa mamahaling gamit. Basta meron okay na yun.

"Ma, nakatulog na si Potpot." ang baby ni tita Bie. "Wag na natin siyang isama." sabi ko kay mama habang pinipisil ang pisngi ng cute na baby na ito.

"Wag mo na pang gigilan at baka magising pa. Tara na, para makabalik din tayo kaagad at marami pa akong gagawin." sabi ni mama habang kinukuha ang wallet at cellphone niya.

Dali dali akong lumabas ng bahay para makakuha ng tricy na sasakyan namin. Di nagtagal nakasakay din kami agad.

"Manong, sa Centro." Nakangiting sabi ko sa tricycle diver at agad nya namang pinaandar ang tricycle nya.

"Dito na lang." sabi ni mama, sabay abot ng bayad.

"Dito na tayo sa dulo ng baratillos bababa, para makita natin amg iba pang tinda dito."

Ganito talaga sa lugar namin tuwing papalapit na ang Fiesta. May baratillos na nakapwesto sa isang lane ng kalsada sa may Centro. Samut sari ang mga paninda dito. Mga dalawang kilometro din ang haba nito.

Nagsimula na kaming maglakad ni mama habang hawak hawak niya ang kamay ko. Mag ge-grade 10 na ako sa pasukan pero kung hawakan ako ni mama, para akong Kinder na mawawala.

Hinayaan ko nalang ang kamay nya na nakahawak sa akin hanggang sa makarating kami sa dulo ng batatillos.

"Hay sa wakas, nasa dulo na rin." Mahina kong sabi.

"Tawid na." sabi nya sa akin.

Habang naglalakad kami sa kabilang lane, may nakita akong nakaparadang kulay abo na kotse. Tumingin ako kay mama na nasa likuran ko pero pagbalik ko ng tingin ko sa kotse, nasa harapan ko na ito. Napahawak ako sa hood ng kotse. Makalipas ang ilang minuto....nakarinig ako ng isang pamilyar na boses, sumisigaw "Bakit ako?! bakit ako?!" Paulit ulit na sinasabi nya.

Nagulat na lang ako, pagdilat ko ng mga mata ko, nakahiga ako sa kabilang lane ng kalsada. Napansin ko na punit punit ang damit ko sa may kaliwang bahagi. Agad akong bumangon at nakaramdam ng pagkahilo. Tiningnan ko ang kamay ko, hawak hawak ko pa rin ang isang libo na binigay sa akin ni lolo kanina.

Napalingon ako sa babaeng nagsisisigaw. "Ma." lang ang salitang lumabas sa bunganga ko. Agad ko siyang nilapitan. Nakaupo siya sa may Police post at duguan ang kanyang mukha.

Nataranta ako sa nakita ko. May biglang kumalabit sa akin. "Neng oh. Yung wallet ng mama mo. Wala akong kinuka jan ha. Ito pa o piso. Tumilapon. Di ko alam kung matatawa ako o ano.

Maya maya pa, may lumapit sa akin na isang babae. Nagpakilala siya. "Ija, ako si Dr. Ross, ako yung nakabangga sa inyo. Agad niya kaming isinakay sa jeep. Jeep talaga, walang ambulansya. Sumakay din siya dito. At isinakay pa nila ang iba pang estudyanteng nadamay.

Pagkaupo namin ni mama sa loob, ang daming tao sa paligid. Nakiki osyoso sa nangyari. Mayroon na ring pulis na nagmamando ng traffic.

"Misis, anong pangalan niyo? Tanong ni Dr. Ross kay mama, pero di siya sumasagot.

Tumingin ako kay mama na tila nag iisip siya kung anong isasagot sa tanong ng doctor sa kanya. "Aaaa...e..." nag-iisip pa talaga kaya ako na lang ang sumagot. "Maria Garcia po ang pangalan nya." sabay tingin ko kay Dr. Ross na may pag-aalala.

"Dadalhin na namin kayo sa hospital. Wag ka ng mag-alala ha. Magiging okay din kayo ng mama mo. Ako na rin ang sasagot sa lahat ng gastusin at kailangan niyo."

Tumango na lang ako at ibinaling ko ang tingin kay mama. Dama ko pa rin ang panginginig ng katawan nya at patuloy ang pag agos ng dugo sa dulo ng kilay niya.

"Ma, bakit di mo alam ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya habang awang awa ako sa itsura niya.

"Ha? Nakalimutan ko" ang sagot niya kaya naman mas lalo pa ako nag alala sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Habang tumululo ang luha sa mga mata ko. Nag aalala talaga ako kay mama. Baka nagka amnesia na siya.

Napatingin naman ako sa dalawan istudyante na nakaupo sa harap ko. Magkayakap din sila.

"Mag jowa kayo?" Tanong ko sa ksnila sabay turo. Tumingin sila sa isat isa. At sabay sumagot na "Hindi ate." pero ang higpit na yakap nila sa isat isa. Saka ko lang naisip na hindi lang pala kami ang nahagip ng kotse. Sila rin pala. Napansin ko rin na walang suot na isang sapatos yung lalaking estudyante. Sayang yun ah. Bago pa naman. Kasisimula pa lang kasi ng klase sa public school. Samantalang sa amin na private, next week pa ang simula.

Pagdating sa isang pribadong ospital, naunang bumaba si Dr. Ross at mabilis namang nagsilapitan ang mga nurse sa amin na may dalang stretcher. Inihiga nila si mama doon. Agad naman akong sumunod kahit iika ika ako ng lakad.

Agad siyang pinasok sa emergency room. Nakasilip ako sa may pintuan. Nakikita ko kung anong ginagawa nila kay mama.

Pagkatapos punasan ang mga dugo sa mukha niya, tinahi na rin ang sugat sa kanyang kikay para huminto ang pagdurugo nito.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkahilo at tila nasusuka ako. Napahawak ako sa pader dahil nagdidilim na ang paningin ko. Buti may nurse na dumaan. At napansin na di ako okay.

"Doc! Doc!" natatarantang sabi ng nurse "Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" tanong ng nurse sa akin.

"Nahihilo po ako at nasusuka." Sagot ko na tila lalabas na talaga ang kung anong gustong lumabas sa lalamunan ko.

Hiniga nila ako agad sa isang higaan sa loob na ER, nakita ko si mama kalmado na ang itsura niya. Tulog ata. Maya-maya may lumapit sa akin binigyan ako ng pan. At dun na ako nagsimulang sumuka.

"Normal lang na reaction ng katawan mo yan dahil sa adrenaline rush kanina. Mukhang wala namang buto na nabali sa katawan mo pero ipapa x-ray na rin kita para sure. Iaadmit ka na rin ha. Sabi nung doctor.

Agad namang lumapit ang isang nurse sa akin para ikabit ang IV. Masakit matusok. Ito pa lang ang unang pagkakataon na maospital ako.

Matibay kaya to, batang may laban.

Pagkalagay ng IV, itinulak naman ng isang nurse na lalaki ang aking higaan papunta sa x-ray room. At pagkatapos sa kwarto na namin ni mama.

Nakatulog na ako ng di ko namamalayan. Dala na rin siguro ng sobrang pagod.

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon