A/N: Beshiewaps don't forget to vote, comment and share.
Yannie's POV:
Nakatingin ako sa diamond ring na nakasuot sa palasingsingan ng aking kaliwang kamay. Hinaplos ko ito, shaks hindi ako nananaginip.
"Yannie, dito na muna tayo mag stay ha." sabi sa akin ni Matt.
Tumango lang ako
"Haliha doon tayo kay tito Bogs." alok nito sa akin.
Agad akong tumayo at sumama sa kanya.
Nadatnan namin si tito Bogs na may binabasang papel. Lumapit kami sa kanya. Habang nag uusap sila ni Matt pumukaw ng aking pansing ng isang litrato. Nakikilala ko kung sino iyon. Si Maica. Nanlaki ang mga mata ko.
"Yannie, maupo ka. Si tito Bogs ang may hawak sa kaso ni Maica, and as of now wala pa siyang lead. Naikwento ko kay tito yung mga dreams and experiences mo." seryosong sabi sa akin ni Matt.
"Yannie, let me explain. May mga pagkakataon na ang mga namayapa ay lumalapit sa mga taong may kakayahan para sila ay matulungan lalo kung hindi nila tanggap na sila ay wala na. Pag papaliwanag nito.
Naputol ang usapan namin ng pumasok si Manag Diling.
"Sir, andito na po ang hinihintay niyo." sabi niya sabay pasok ng isang lalaki.
"Ka Inyong, maupo ka." sabi nito. "Siya nga pala yung sinasabi ko sa'yo." sabay tingin nila sa akin.
Masusi akong tiningnan ni Ka Inyong. Nakadama ako kakaibang pakiramdam. Kinilabutan ako mula ulo hanggang paa. Parang bumagal ang ikot ng mundo. Pero ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Yannie." sambit ni Matt sa pangalan ko, sabay upo sa tabi ko.
Bumalik sa normal ang lahat. Napatingin ako kay Matt, bakas ang pag alala sa muhka niya.
Tumango si Ka Inyong kay tito Bogs. Lumapit si tito Bogs sa lamesa at may kinuha itong mga papel.
"Yannie, si Ka Inyong ay isang Paranormal expert. Kaya ko siya tinawagan kasi alam kong matutulungan niya ako sa kasong hawak ko ngayon." pagpapaliwanag ni tito Bogs sa akin.
Humarap sa akin sa Ka Inyong.
"Ija, mayroon kang kakaibang kakayahan pero hindi mo alam." paunang sabi nito. "Iilan lang ang mga taong may ganyan. Sa ngayon, hindi mo pa alam kung paano mo ito gamitin o kung paano ito kontrolin. Pero napakalakas ng kung anong meron ka." dagdag pa nito.
Lalong nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Mukhang napansin ito ni Matt, inakbayan niya ako.
"Teka." sabay hawi ni Ka Inyong sa buhok ko. Tiningnan niya ako na tila may hinahanap hanhgang sa napatingin siya sa kamay kong may singsing. "Okay, good. Ito ang lagi mong tandaan, dapat lagi kang may metal na suot para sa iyong proteksiyon." seryosong sabi nito.
Napakapit ako kay Matt dahil sa takot na nararamdaman ko. Proteksiyon, may panganib ba? Natatakot ako.
"Yannie, ito si Maica." sabi ni tito Bogs sabay lapag ng litrato sa maliit na lamesa sa harap ko. "Tuesday noong nireport sa amin ni Mrs. Suarez na nawawala siya. Natatandaan mo ba yung unang araw na nagparamdam siya sa'yo?" tanong sa akin ni tito Bogs.
"Opo, nung lunes po. Nakatayo siya sa may pinto ng classroom. Nakita rin po namin siya ni Matt sa may corridor." mahinahong sagot ko.
"Ano pa ija?" tanong ni Ka Inyong.
"Napanaginipan ko po siya, kung ano pong ginawa sa kanya." nagsimula ng tumulo ang luha ko hanang nagsasalita ako.
"Okay, si Matt at Maica, magkakilala. Tapos kayo ni Matt may relasyon. Tapos -"

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.