A/N: Beshiewaps don't forget to vote, comment and share.
Yannie's POV:
Pagkatapos ng pang umaga naming klase, agad akong nagtungo sa cafeteria para kumain ng pananghalian.
Anduon na ang mga beshiewaps ko. Nung lumapit ako sa kanila, tiningnan lang nila ako tapos nagtinginan sila at bumalik sila sa pagkain.
Nang makabili na ako ng pagkain, agad akong tumungo kung saan sila kumakain.
"I need to go to the lib. Mauna na ako guys." sabi ni Nikkie.
"Me too. I have to finish our assignment." sabi naman ni Reese.
Naiwan si Tonee na pinagmamasdan sila Nikkie at Reese na nagmamadaling umalis.
Inilapag ko ang pagkain ko sa lamesa. At biglang nagsalita si Nikkie.
"Tonee, are you coming with us or not?" tanong nito habang nakataas ang kilay.
Tumingin lang si Tonee sa akin na tila nangungusap ang mga mata. Tiningnan ko naman siya sabay tangu ko. Tila ba sinasabi sa kanya na sige sumama ka na.
Tumayo naman si Tonee at sumama kina Nikke at Reese. Napabuntong hininga na lang ako.
Bakit kaya parang iniiwasan ako ng mga beshiewaps ko. Tanong ko sa aking sarili.
Maya maya pa ay lumapit naman si Matt sa akin. Bitbit niya ang tray ng kanyang pagkain at inilapag ito sa mesa.
Kumain kaming dalawa na hindi man lang nag uusap. Mayat maya ay tumitingin lang sa isat isa.
Napapaisip pa rin ako, bakit kaya parang iniiwasan ako ng mga beshirwaps ko. Wala naman akong alam na nagawang mali.
"Tapos ka na ba?" tanong ni Matt sa akin. " Parang di mo kasi nababawasan yang pagkain mo. Dagdag pa nito.
"Wala kasi akong ganang kumain." walang buhay na sagot ko sa kanya.
"Quarter to one na, baka malate tayo sa first period natin." paalala nito.
"Tara na, wala talaga akong gana." mahinang sabi ko naman sa kanya.
Paglabas namin sa cefetetia, dumiretso ako sa CR para magrefresh. Paglabas ko andun pa rin si Matt sa labas, nagaantay.
"Nauna ka na sana." sabi ko sa kanya.
"Inaalala lang kita, baka mahilo ka na naman. Di ka pa naman nakakain ng mabuti." pagaalalang sabi nito.
Pagpasok namin sa classroom, pinagtitingin na naman kami ng mga classmates natin.
Ano kayang problema ng mga ito? Tanong ko sa aking sarili.
Tumingin ako kay Reese. Umiwas naman siya ng tingin sa akin. Ganun din kay Nikkie at Tonee na yumuko na lng nung tiningnan ko sila.
Maya maya pay pumasok na ang aming teacher sa first period. Binati niya kami ng good afternoon at binati rin namin siya.
Nabaling ang kanyang pansin sa isang babaeng nakatayo sa may pinto.
"Good afternoon Miss. Excuse ko po sana sina Ms. Garcia and Mr. Cruz, pinapatawag sila ni Ms. P. (Principal). Urgent daw po." sabi nito habang nakangiti sa aming teacher.
"Ms. Garcia and Mr. Cruz, punta na kayo at urgent daw." ulit na sabi ni maam Nolasco ang jutanders naming teacher.
Agad akong tumayo at lumabas, hindi ko na nilingon ang mga classmates kong nagbubulingan na naman.

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.