Chapter 31 Small world

11 1 0
                                    

A/N: Beshiewaps don't forget to vote, comment and share.

Sorry for the typo errors.

Yannie's POV:

Nagising ako sa ring tone ng cell phone ko. Kinuha ko ito sa sling bag ko.

Papakongpogi calling.....

"Hello pa?" sambit ko.

[Anak, asan na kayo?] tanong nito.

Tumingin ako sa may bintana para malaman kung saang lugar na kami.

"Pa, andito na po kami sa may kanto ng school." sagot ko sa tanong niya.

[Malapit na pala kayo. Okay. Bye.] sabi naman ni papa sabay patay sa cell phone.

Sinulyapan ko si Matt mahimbing ang kanyang tulog. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Matt, malapit na tayo sa bahay." mahinahong sabi ko.

Dinilat niya ang kanyang mga mata at nginitian niya ako.

Maya maya pa ay huminto na ang sasakyan. Pinarada ito ni tito Bogs sa gilid ng kalsada. Natatanaw ko na sina mama at papa pati si manang sa may gate, nakangiti sila.

Nauna kaming bumaba ni Matt. Nagmano kami sa kanila.

"Ma, pa, siya po si Matt". Pakilala ko sa kanila sabay tingin kay Matt.

Bahagya niyang tinaas ang kiklay niya na tila sinasabing may kulang sa pagpapakilala ko sa kanya. Bunalik ko ang tingin ko kila papa.

"Boyfriend ko po." nakangiti kong sabi pero may takot sa aking mga mata.

Maya maya pa'y lumapit sa amin ang mommy at daddy niya.

"Orlando?" sambit ng daddy ni Matt na may pagkagulat.

"Oo, Jess?" tanong naman ni papa.

"What a small world." sambit ng daddy ni Matt.

Nagkamayan sila.

"Asawa ko nga pala, si Maria." pagpapakilala ni papa kay mama.

"Kayo rin pala ang nagkatuluyan." sabi nito na parang di makapaniwala.

"This is Olivia, my wife." pagpapakilala ng daddy niya.

"O..Olivia." sambit ni mama sabay beso beso sa kanya. "Walang nagbago sa iyo." sabi nito.

Nagkatingininan kami ni Matt. Magkakakilala pala ang mga magulang namin.

"Pasok tayo sa loob, para makapag kwentuhan at makakain na tayo." aya ni papa at agad naman kaming pumasok sa loob.

Dumirecho kami sa my dining area. Naihanda na ni manang ang pagkain.

"Upo kayo, para makakain na." alok ni papa.

Naupo na kami sa upuan.

"Maria, you know what when I first saw Yannie, she reminds me of you....." tumigil sandali sa pagsasalita. "Anak mo pala siya. Napakaliit talaga ng mundo." dagdag pa nito.

Siya pala yung nakwento ni mama sa akin na bestfriend niya nung first year high school na nag transfer. Pero wala silang communication.

"Hindi ako makapaniwala na magkikita tayo ulit after 30 years." sabi ni mama habang nakangiti.

"Jess, maalala mo nung elementary pa tayo? Yung usapan natin sa may ilog." tanong ni papa sa daddy ni Matt.

"Oo, Orli, naaalala ko. At mukahang magkakatotoo." masayang sabi nito sabay tingin sa amin ni Matt na nakikinig sa pinag uusapan nila.

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon