Chaper 26 Diamond ring

3 0 0
                                    

A/N: Beshiewaps don't forget to vote, comment and share.

Shout out to my new followers: Aica_Ra and user34495551

Yannie's POV:

Pagdilat ko ng mga mata ko, ang poging si Matt ang agad na nakita ko. Bakit ganon, parang lalo siyang pumopogi sa bawat araw na kasama ko siya.

Shaks, self, don't tell me na nafafall ka na sa kanya. Kaloka ka self!

Biglang dumilat ang mata niya. Nang makita niya na nakatingin ako sa kanya agad niya akong nginitian.

"Good morning babe." bati ni Matt sa akin. Binato ko yung unan ko sa kanya.

"Grabe siya, ang harsh mo naman babe." pangaasar na sabi nito.

"Babe mo mukha mo." pagalit sa sabi ko sa kanya.

Sinilip ko si sir Ven ang sarap pa rin ng tulog niya. Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader 5:30 na ng umaga. Agad akong bumangon at inayos yung higaan ko.

Napatingin ako kay Matt. "Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya. Naupo ako sa tabi niya sabay hawaknsa noo niya.

"Di na naman mainit." mahinang sabi ko.

"Hangover." tipid na sagot niya sabay ngiti.

"Alak pa more." sabi ko sabay tayo at agad na nagtungo sa banyo para maligo.

Pagbukas ko ng pinto, nakatayo sa siya sa tabi nito.

"Naka t-shist po ako." sabi ko sa kanya sabay hawak sa damit n suot ko.

Ngumisi lang siya at agad pumasok sa banyo.

Kinukha ko ang blower at pinatuyo ang buhok ko.

Sakto paglabas ni Matt tuyo na ito.
Sinuklay ko dahan dahan ang mahaba kong buhok. Sinimulan ko ito sa may ibabang bahagi. Nakakangalay.

Napansin siguro ni Matt na nangangalay ako. "Ako nga ang magsuklay." sabi niya sa akin.

Agad ko naman iniabot ang suklay sa kanya at sinimulan na niyang suklayin ang buhok ko.

"Awww. Galit ka?" sabi ko sa kanya sabay lingon.

"Grabe naman kasi tong buhok mo. Kailan mo ba ito ipapagupit." tanong niya sa akin.

"Pahahabain ko yan parang buhok ni Rapunzel." sarkastikong sabi ko sa kanya.

Ngumisi lang siya.

"Akin na, magbihis ka na." sabi ko sa kanya sabay kuha sa suklay.

Habang nagbibihis si Matt, tinirintas ko ang aking buhok. Pinapanood niya pala ako habang ginagawa iyon.

"Wow, amazing." sabi nito. "Turuan mo akong mag ganyan ha." dagdag pa nito.

"Bakit, Barbie ka? Barbie ka?" pangaasar na tanong ko.

"Halikan kita jan" panakot niya sa akin.

"Gugulpihin kita." sagot ko naman.

"Ang aga aga, nagaaway kayo diyan. Mauna na kayo ha. Sakit ng ulo ko." sabi ni sir Ven sabay takip ng unan sa mukha niya.

"Tara na, gutom na ako." yaya ko kay Matt. Agad naman siyang tumayo.

Naglakad na kami patungo sa cafeteria, marami ng tao dun as usual.

"Coffee na lang kaya inumin mo para mawala yang hangover mo. Timplahan kita?" malumanay na tanong ko sa kanya.

"Ganyan din ba iniinom mo pag may hangover ka?" mahinahon na tanong niya sa akin.

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon