A/N: Beshiewaps don't forget to vote comment and share.
Yannie's POV:
Pag gising ko, napahawak ako sa aking ulo.
"Ang sakit ng ulo ko." mahinang sabi ko.
Agad kong tiningnan ang oras, 6:00 na.
"Shaks, monday pala ngayon." sambit ko at dali dali akong nagtungo sa banyo.
Mabilis akong naligo, at agad bumaba para makapag almusal.
"Manang patimpla po ako na kape." sabi ko kay manang na tila ba naglalambing.
"Marami atang nainom ang alaga ko ha?" tanong niya sa akin.
"Isang bote lang po manang." sagot ko sa kanya habang kumukuha ng pagkain.
"Yannie, umalis na nga pala yung mga pinsan mo. Di na sila nagpaalam sa iyo." sabi ni papa sa akin habang patungo sa hapag.
"Good morning papa." bati ko sa kanya sabay ngiti. "Sayang naman di ako nakapag paalam." dagdag ko.
"Maaga silang umalis, para makahabol sila sa klase nila." pagpapaliwanang ni papa.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Pa, magcommute na lang ako ha." sabi ko kay papa sabay higop ng kape.
"O sige anak, para hindi ka malate." pagsangayon naman ni papa.
Agad akong tumayo sa hapag, pagkatapos kong maubos ang aking pagkain. Kinuha ko ang mga gamit ko at nag paalam na ako kay papa.
"Bye papa." sabay halik sa kanyang pisngi.
"Ingat ka anak." sabi naman nito sa akin.
Pagkarating ko sa school, kasalukuyan na ang flag ceremony kaya naman nag stay ako sa may guard house. Andun din si Matt.
"Hi Yannie." bati nito sa akin.
"Hello." tipid kong sagot sabay yuko.
Naiilang talaga ako sa kanya kasi lagi siyang nakatingin sa akin.
"Ang galing mo palang kumanta." sabi niya.
"Aaa..maganda lang yung sound system kaya ganon." sabi ko kanya habang napakamot ako sa kilay.
Pagkatapos ng flag ceremony, sabay kaming naglakad patungo sa classroom.
Pagpasok ko sa pinto napako ang aking paningin sa bakanteng upuan. Tila may hinahanap ang mga mata ko. Nakakamiss si Dex. Sabi ko sa aking sarili.
"Besh, are you ready with your report?" tanong sa akin ni Nikkie. "Tulala ka kasi." dagdag pa nito.
"Yap." sagot ko naman at agad kong kinukuha ang laptop sa aking bag.
Maya maya pumasok na si Ma'am Ocampo.
"Good morning class." bati nito sa amin at binati rin namin siya ng good morning.
"Who's our reporter for today?" tanong niya.
"I'm the reporter today miss." sabi ko sabay taas ng aking kamay.
"Get ready." sabi ni Ms. Ocampo.
Agad naman akong nagtungo sa harap para i-connect ang aking laptop sa TV. Nag prepare kasi ako ng power point presentation para maging guide ko sa pagrereport.
"Good morning everyone." panimulang bati ko sa kanila. "I am task to discuss with you the "Journey of Peanut Butter and Jelly Sanwich in the Digestive Tract."

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.