A/N: Mga beshiewaps medyo nakakaalarma na ang pagkalat ng COVID-19 sa ating bansa keep safe and keep clean everyone.
Wag na munang lumabas. Mag wattpad na lang sa loob ng bahay.
O diba nakatipid ka na, siguradong safe ka pa.Mention ko lang si kaitty123456 new follower ko.
Yannie's POV
Mabigat ang bawat hakbang ng aking mga paa habang ako ay nakatingin sa puting kabaong na napapaligiran ng mga puting bulaklak. Habang ako'y naglalakad papalapit dito, nagkakarerahan naman ang aking mga luha sa pagtulo sa aking mga pisngi.
Tumitindi ang sakit at bigat sa aking dibdib habang papalapit ako ng papalapit. Hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng mga luha sa aking mga mata. Nagsisimula na ring mapuno ng sipon ang aking ilong kaya naman mayat maya ako ay sumisinghot.
Kinapa ko ang aking bulsa, wala ang aking panyo. Malamang nasa loob iyon ng aking bag na naiwan sa school.
Patuloy ako sa pagsinghot, maya maya ay may nag abot sa akin ng panyo. Nilingon ko, si Matt pala iyon.
"Sa'yo na yan." mahina niyang sabi.
Agad ko itong kinuha. "Thanks." sabi ko sabay punas sa mga luha sa aking mga mata at sipon sa aking ilong.
Paglapit ko sa kabaong. Lalo akong naiyak sa aking nakita. Mapayapang nakahimlay ang wala nang buhay na katawan ni Dexter. Napabuntong hininga para mapigilan ang aking pagluha. Pero hindi pa rin ito tumitigil. Patuloy ang agos nito mula sa aking mga mata habang tinititigan ko ang malamig niyang bangkay.
Para lamang siyang natutulog. Napakagwapo at napakalinis niya pa ring tingnan. May kaunting galos sa gilid ng kanyang pisngi at sa itaas ng kanyang kilay. Pero makikita mo pa rin ang maamo nitong mukha.
"Ija, ikaw ba si Yannie?" tanong ng isang babaeng nakatayo sa aking likuran.
Tumingin ako sa kanya at tumango. Bakas sa kanyang mukha ang matinding lungkot. Kahawig siya ni Dexter. Siya siguro ang mommy niya.
"Ako nga pala ang mommy niya. Halika may ibibigay ako sa iyo." mahinahon nitong sabi. Agad naman akong sumunog sa kanya sa mahabang upuan sa may gilid.
"Para sa iyo yan." sabi niya habang turo sa isang box na katamtaman ang laki. "Maupo ka." alok pa nito habang turo sa bakanteng parte ng mahabang upuan.
Sinunod ko naman ang sinabi niya, agad akong naupo. Nilingon ko ang mga kasama ko kung nasaan sila, nakaupo din silang lahat sa tapat ng kinauupuan namin. Binalik kong muli ang tingin sa mommy ni Dexter.
Nakatitig siya sa akin, may kaunting ngiti sa kanyang mga labi ngunit nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
"Alam mo ija" panimula niya sa kanyang sasabihin sabay buntong hininga. Pilit niyang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Lagi kang kinekwento ni Dexter sa akin nung nabubuhay pa siya." muli siyang nagbuntong hininga.
"Ta-talaga po tita?" nauutal ko namang sabi sa kanya.
"Oo, madalas ikaw ang topic namin sa tuwing nag uusap kami. Wala kasing secret sa akin yang anak ko. Tingnan mo tong cell phone niya o, halos ikaw ang laman ng gallery niya." sabay abot sa akin nung cell phone.
Kinuha ko naman ito, at isa isa kong tiningnan ang mga pictures. Halos stolen ang mga kuha ko dito. Sa ibang picture naman para akong photobomber sa mga silfie niya. Unti unting tumulo ang aking mga luha. Pinikit ko ang aking mga mata. Mananatiling ala ala na lang ang lahat ng ito. Sabi ko sa aking sarili.
Muli kong dinilat ang aking mga mata at muling ibinaling ang tingin sa cell phone ni Dexter. Pinindot ko ang home na icon. Picture naming dalawa ang wall paper nito. Naka akbay siya sa akin at naka peace sign naman ako. Magkatabi ang aming mga mukha.
BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.