A/N: Beshiewaps don't forget to vote comment and share.
Yannie's POV:
Hinatid ako ni papa sa school. Nakarating ako doon 10 minutes to 7:00, nakita kong nakatayo si Matt sa may guard house. Kinawayan ko siya. Agad naman siyang lumapit sa akin para kunin yung bag na bitbit ko.
"Akin na yan. Bakit parang pang isang buwan tong bitbit mo? Apat na araw lang naman tayo doon?" nakataas ang kilay niya habang nagsasalita.
"Ako na lang ang magbibitbit diyan." walang buhay na sagot ko sa kanya at pilit kong inagaw ang bag pero di niya binigay.
Maya maya may humintong van sa harap namin.
"Sakay na guys." sabi sa amin ni sir Ven.
Bumaba si manong driver at binuksan ang likod na pinto ng van. Inilagay namin ni Matt ang aming mga gamit at nagtungo sa may side para buksan ang pinto papasok.
"Diyan na kayong dalawa." wika ni sir Ven sabay turo sa upuan sa mismong likod ng driver's seat.
Nauna akong sumakay. Gusto ko kasi sa may tapat ng bintana para makita ko ang daan. At para di ako mabagot sa biyahe. Umupo naman si Matt sa tabi ko.
Tinignan ko siya at tumingin din siya sa akin sabay ngiti. Sinuklian ko naman siya ng ngiti pero agad akong tumingin sa may bintana.
"Let's go." sabi ni sir Ven kay manong driver at agad naman nitong pinaandar ang van.
"Guys, asan ang waver niyo?" tanong sa amin ni sir Ven.
Agad kong kinuha ang waver ko sa aking sling bag at ganoon din naman si Matt. Ibinigay ko ang aking waver sa kanya at iniabot niya ito kay sir Ven.
"Nag breakfast na ba kayo? Medyo malayo ang biyahe." tanong sa amin ni sir.
"Opo sir." tipid kong sagot.
"Ako po hindi pa." sagot naman ni Matt.
"Kuya, paki daan naman sa may drive thru sa mall." sabi ni sir Ven kay manong driver.
Tumango naman ito.
Sa di kalayuan, natatanaw na namin ang mall.
"May gusto ka ba Yannie?" tanong sa akin ni Matt.
"Fries na lang Matt." mahinang sambit ko.
Nang matapat ang sasakyan sa may counter kung saan kinukuha ang order, si sir Ven na ang nagorder. Parang ang dami naman niyang inoorder.
Maya maya pa ay umandar ulit ito. Naghintay kami ng ilang minuto.
Dudukot na sana kami ng pera ni Matt pero "Ako na guys." sabi sa amin ni sir Ven sabay ngiti.
Iniabot na ng crew ang order namin sa may bintana, ang dami nga. Nag breakfast pa naman ako. Pero okay na rin ito para di kami gutumin sa biyahe.
Umandar na ang aming sasakyan. Muli itong huminto sa harapan ng mall.
"May bibilhin lang ako ha. Gusto niyo bang sumama?" tanong sa amin ni sir Ven.
"Hindi na po sir." mahinang sagot ko. Umiling din si Matt.
"Okay, saglit lang ako." sabi ni sir Ven habang nakangiti.
Inabot din ng halos kalahating minuto ang sandali ni sir Ven, buti na lng may pagkain kaya hindi kami nainip.
Binuksan ni sir Ven ang pinto sa side ng van. Isinakay ang limang malalaking paper bag. Mukhang chichiria ang laman nito dahil sa tunog.
"Ang dami naman po niyan sir." sabi ni Matt habang inaayos ang mga paper bags.

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.