Chapter 30 Sunset

9 1 0
                                    

A/N: Beshiewaps don't forget to vote, comment and share.

Yannie's POV:

Tinanggal ko agad ang sandals ko. Pinunasan ko ito at inilagay sa box.

Pagkatapos umupo ako sa harap ng salamin.

"Matt, patulong naman dito please." malambing na sabi ko sa kanya.

"Sabihin mo muna babe." pang aasar nito.

I rolled my eyes sabay buntong hininga. Kung meron nga lang si sir Ven dito e di na kita iistorbohin. Sabi ko sa aking sarili.

"Babe, patulong na please. Nangangalay na ako." sabay ngisi ko

"Okay babe." sabi niya sabay lapit sa akin.

"Babe ano ba to? Buhok pa ba ito?" reklamo niya.

"Basta tanggalin mo na lang yung mga hair pin. Utos ko sa kanya.

"Anong sabi mo?" sabay hinto sa ginagawa.

"Babe." sabi ko habang pinalalaki ang singkit kong mga mata.

"Babe, dito pa sa baba" mahinahong sabi ko sabay yuko.

Unti unti niyang tinanggal ang mga hair pin sa buhok ko. Sinisilip ko sa salamin ang gunagawa niya.  Nakatitig siya sa likod ko. Di pa ako nagbibihis. Backless kasi yung costume na suot ko

"Anong tinitingnan mo diyan?" pagalit na tanong ko.

"Nothing babe" sabi nito sabay kagat sa ibabang labi nito.

"Mukhang natanggal na lahat ng hair pin, ibababad ko lang sa conditioner yung buhok ko." sabi ko sabay tayo.

Maya maya, may kumatok sa pinto. Tutal malapit ako dito, ako na ang nagbukas.

Pagbukas ko bumungad ang mommy at daddy ni Matt kasama nila si sir Ven.

"Good evening po." bati ko sa kanila. "Tuloy po kayo." pagyaya ko sa kanila.

Pumasok silang tatlo sa room.

"Upo po kayo sabi ko" sabay turo sa mga upuan sa gilid ng bed.

"Hindi rin kami magtatagal. Ipapalam lang namin kayo sa coach niyo for tomorrow." sabi ng mommy ni Matt.

"Yannie, magbihis ka na anak." sabi nito.

Buti na lang napansin niya. Agad naman akong nagtungo sa banyo.

Maya maya pa ay naglaalam na sila.

"Yannie, we'll go ahead. See you tomorrow." sabi nito.

"Opo mommy. Ingat po kayo." sagot ko habang nasa loob ako ng banyo.

Agad kong kinuha yung blower para mapatuyo ang buhok ko. Inabot din ako ang ilang minuto.

Agad aking nahiga at nakatulog.

                            *****

Pagkagising ko agad kong inayos ang higaan ko. Tulog pa si Matt at si sir Ven. Inayos ko ang iba ko pang mga gamit. Pinakain na rin tung mga love birds.

Umupo ako sa may higaan ni Matt. Mahimbing siyang natutulog. Pinagmasdan ko ang muhka niya. Grabe kalalaking tao pero ang kinis ng mukha. Parang walang pores. Matagal ko siyang tinitigan. Hahawakan ko sana yung mukha niya, biglang dumilat ang mga mata niya.

"Babe, anong gagawin mo sa akin?" pangaasar na tanong niya.

"Mmm...may gagamba." sabi ko.

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon