A/N: Gusto ko lang mag thank you sa apat na followers ko: Jessica Saccuan, sleep_then_rest, hellokittyjane_09 at si itsssandara.😘😘😘😘
Yannie's POV:
Pagtapos naming mag perform, dumiretso ako agad sa library. Malapit na kasi ang 1st periodic exam. May meeting lahat ng teachers. Sigurado magtatagal iyon dahil tungkol sa accreditation ng school ang pagmimeetingan nila. Sayang kasi yung natitirang oras. Tapos ko na rin naman ang mga projects sa ibang subjects. Well, masipag lang kasi talaga akong mag-aral.
Inilagay ko ang airpads ko para hindi mahalata ng librarian na gumagamit ako ng cell phone. It's not allowed during class hours kasi. Nagpatugtog ako ng classical na music. Katamtaman lang ang lakas nito.
Nagsimula na akong mag review. Itinaas ko ang libro na hawak ko para matakpan ang muhka ko. Nakaramdam ako ng pagkangalay makalipas ang kalahating minuto. Kaya naman ibinaba ko ito. Pagbaba ko ng aking libro sa lamesa, magulat ako sa kaharap ko. Napasigaw tuloy ako dahil sa pagkagulat. Buti na lng natakpan ko agad ang bunganga ko.
"Shhhhh..." sabay tingin ng librarian.
"Sorry po miss." paghingi ko naman ng paumanhin. Ibinaling ko ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa harap ko.
"Matt, kabuti ka ba?" mahina pero may diin sa tono ng aking pananalita.
"Bakit." sagot naman niya.
"Kung saan saan ka kasi lumulitaw!" sabi ko habang pinalalaki ang aking singkit na mga mga.
Tumawa ng malakas ni Matt.
"Excuse me, this is not a dating place." sabi ng librarian.
Agad ko namang isinilid ang aking libro sa bag at dali daling lumabas. Nakayuko ako dahil sa hiya. Buti na lnang wala gaanong estudyante sa library.
Nagtungo ako sa gazebo, at doon nagpatuloy magreview. Maya maya umupo si Matt sa tabi ko.
"Ano ba, bakit ka ba nandito? Nagrerwview ako o, di mo ba nakikita?" sabi ko kay Matt habang nakakunot ang aking noo.
"May sasabihin lang sana ako." mahinahon niyang sabi sabay ngiti.
"Ano ba kasi yun?" naiiritang tanong ko sa kanya.
"Naaalala mo ba nung tinanong kita kung nararamdaman mo ako?" seryoso niyang tanong sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.
Tinitigan ko rin siya. "Oo, naaalala ko. Di ko lang ma gets kung anong ba yung tanong na iyon. Bakit mo ba natanong kung nararamdaman kita? Ano bang ibig sabihin nung tanong mo?" sagot ko sa tanong niya.
"A..mm..tsk...pano ko ba ipapaliwanag? Aa.." hindi niya masabi sabi kung ano ang gusto niyang sabihin.
"Ano nga?" Pinandilatan ko siya.
"We're the same Yannie. We have the same gift." mahina niyang sabi.
"Ha? Anong pinag sasabi mo? Di ko gets." sabi ko sa kanya habang naguguluhan.
"I don't know how to explain. It goes this way. We have the same ability. We can connect to the other world." dagdag na paliwanag niya.
Hindi talaga nag sisink in sa utak ko ang mga sinasabi niya sa akin. "Ha, ability....other world?" mahinang sabi ko habang umiiling.
"Sabi na nga you are here. And you're with my baby." Pagalit na sabi sa akin ng isang babae.
Agad naman akong lumingon sa kanya. Nakapamaywang siya sa amin at galit na galit ang utsurana.
"Nikkie." sabay kami ni Matt.
Nagtinginan kami ni Matt at agad na binalik ang tingin kay Nikkie.
Nung akmang tatalikod na si Nikkie, hinabol ko siya. "Nikkie wait. There's no......" di ko pa natapos ang sasabihin ko pero nagmadali siyang lumayo. Napabuntong hininga na lang ako.
Tumingin ako kay Reese at Tonne na nakatayo sa tabi ni Matt. Nagkibit balikat lang silang dalawa.
Nagaalala ako para kay Nikkie. Mali ang iniisip niya sa aming dalawa ni Matt sabi ko sa aking sarili.
"Kanina ka pa namin hinahanap." sabi ni Tonee.
"Mag ggroup study sana tayo. Kasam mo pala si Matt." sabi naman ni Reese.
"Yannie kayo ba?" tanong ni Tonee sabay turo sa aming dalawa ni Matt.
"Hindi." sabay naming sagot sa tanong ni Tonee.
"Matt, kayo ba ni Nikkie?" nakapamaywang naman na tanong ni Reese kay Matt.
"Walang kami." Mahinahong sagot niya.
"Hay, asumerang beshie kasi tong si Nikkie. Kung makapag selos akala mo jowa tong si Matt. E wala naman palang sila." sabi ni Tonee habang hinihilamos ang kamay sa kanyang mukha.
"I'll set a date for us. To clear things out. Dapat mag usap usap tayo para di tayo nagkakalabuan. I'll text you the details Yannie. Okay?" sabi naman ni Reese.
"Okay." maikli kong sagot.
"4:30 pm na. Siguro naman pwede na tayong umuwi." sabi ni Matt.
"Kaya nga, parang nagsisiuwian na rin ang ibang estudyante." sabi nmn ni Tonee.
"Tawagan ko lang si Nikkie." sabi naman ni Reese habang pumipindot sa kanyang cell phone.
Nagsimula na kaming maglakad. Inabot naman ni Reese ang cell phone niya sa akin.
"Hello." mahinang sabi ko.
[hello beshie Yannie, I'm so sorry. Nabigla lang ako. Huhuhuhuuuu....]
Sabi ni Nikkie sa kabilang linya."It's okay." sagot ko naman.
[I'll wait for you here at Sweet Tooth. Kasalukuyan na akong nagoorder. It's my treat. Isama niyo yung baby ko ha. Bye] agad niyang pinatay ang cell phone.
Binalik ko ang cell phone kay Reese. "Sa Sweet Tooth daw tayo, treat niya." sabi ko sa kanila.
"Yan na Reese. Naunahan ka na ni Nukkie mag set ng group date." sabi ni Tonee kay Reese. "Lakarin na natin sa kabilang kanti lang naman iyon." dagdag pa niya at halata pa paka excited sa boses nito.
Tumango naman kaming tatlo.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad, agad naman kaming nakarating sa Sweet Tooth. Pagpasok namin sa pinto, agad namang tumayo si Nikkie at kumaway. Nakahain na ang aming pagkain.
"Ang dami mo namang inorder." sabi ni Tonee habang pinag mamasdan ang mga pagkain sa lamesa.
"We have to celebrate our frienship. Nadagdagan pa tayo ng isa oh." sabay nguso kay Matt.
Nginitian naman siya ni Matt.
"Upo na." sabi ni Nikkie sabay turo sa mga bakanteng upuan. Agad naman kaming sumunod.
Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain ng cake at iba pang pastry products. Madalas namin na gawin ito ng aking mga beshie kahit lagi kaming magkakasama sa school.
Pagkatapos kumain, sabay sabay na rin kaming umuwi at nagpaalam sa isat isa.
Mejo maaga akong nakauwi. Sinabihan ko si manang na di na ako kakain kasi busog na ako.
Agad akong nagtungo sa aking kwarto para magreview ulit. Pagkatapos, nag shower at nahiga na sa aking kama.
Muli kong inisip ang mga nasabi sa akin ni Matt. Hanggang ngayon pala isipan pa rin sa akin ang mga iyon. Di nagtagal nakatolylog na ako.
*****Beshiewaps don't forget to vote, comment and share😊😊😊

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.