Chapter 17 Microphone

7 0 0
                                    

A/N: Beshiewaps don't forget to vote comment and share.

Don't forget to take vitamin C to strengthen your immune system. Keep safe everyone.

Yannie's POV:

Pagkahatid ni Matt sa akin, agad akong pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko nagulat ako kasi andun sa sala yung tatlo kong pinsan. Sina kuya Rox, kuya Rye at ate Ria. Mga anak sila ni tita Love, ate ni papa.

"Yannie!" sabay sabay nilang sambit sa aking pangalan.

Agad naman akong tunungo sa inuupuan nila, at niyakap sila isa isa.

"Kumusta na kuya Rox, kuya Rye at ate Ria?" tanong ko sa kanila sabay ngiti.

"Okay lang." sabay sabay nilang sagot.

"Yannie, ang laki mo na ah." sabay gulo ni kuya Rox sa buhok ko.

"Oo nga, dalagang dalaga ka na." sabi naman ni ate Ria.

"Parang kailan lang na nakikipaglaro ka sa mga bata diyan sa kalye, ngayon tingnan mo." sabay turo ni kuya Rye sa akin.

"Mga anak mag meryenda na muna kayo." alok sa amin ni manang.

Naupo kaming apat sa sofa at nagsimula ng mag meryenda.

"How's school Yannie? Tanong sa akin ni kuya Rox.

"Mabuti naman po kuya. Sagot ko naman sa kanya habang nakangiti.

"May boyfriend ka na ba? panguusisa naman ni kuya Rye.

"Wala pa po kuya Rye." sagot so sa kanya sabay simangot.

Maya maya, pumasok naman sila mama at papa sa pinto. Agad akong tumayo at niyakap silang dalawa. Ang tagal ko kaya silang hindi nakita.

"Kamusta ang anak kong maganda? Namiss kita ha." tanong sa akin ni papa sabay gulo sa buhok ko.

"Okay lang po pa. Namiss ko din po kayo ni mama." sagot ko naman sa kanya.

"Puntahan mo na yung mga pinsan mo doon, asikasuhin mo muna sila at maghahanda lang kami ni manang ng pang dinner natin."
sabi naman ni mama sa akin sabay naglakad papuntang kusina.

Sinunod ko naman ang sinabi sa akin ni mama. Bumalik ako sa kinauupuan ng mga pinsan ko at nag kwentuhan kami.

"Tito, can we go out tonight?" pagpapaalam ni kuya Rox kay papa.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni papa kay kuya Rox.

"Sa The Grill po." sagot naman ni kuya Rox. Sama po namin si Yannie ha?" dagdag pa nito.

"Okay sige, basta drink responsibly ha." paalala naman ni papa.

Hindi ako pinaghihigpitan nila mama at papa na lumabas with my friends or with my cousins. Basta laging pangaral nila mama at papa, be responsible. At nakatatak naman iyon sa aking isipan.

Maya maya pay, nag tawag na si manang para kami ay maghapunan.

Walang humpay ng kwentuhan ang ginawa sa hapag as if ilang taong kaning di nagkita.

Pagkatapos naming kumain, nag ready na kami para sa aming night out.

"Guys, ready na ba kayo?" tanong ni ate Ria. Sakto pababa naman na ako ng hagdan.

"I'm ready ate." sabi ko sa kanya, maya maya pa'y bumaba na rin sina kuya Rox at kuya Rye.

"Let's go." pagyaya ni kuya Rye.

"Tito, tita, punta na po kami." paalam ni kuya Rox kila mama at papa.

"Enjoy guys." masayng sambit ni papa.

"Rox ingat sa pag drive ha. Yang mga kapatid mo?" palala naman ni mama.

"Opo tita." sagot naman ni kuya Rox.

Hinatid kani nila mama at papa sa may garahe. Sumakay kaming dalawa ni ate Ria sa may likod, si kuya Rox ang magddrive at si kuya Rye sa may passenger's seat sumakay. Agad itong pinaandar ni kuya Rox ang sasakyan.

Pagdating namin sa The grill. Agad itong pinarada ni kuya Rox. Ako at si ate Ria ang unang pimasok para maghanap ng mauupuan.

Nakita ko si Matt, may kasam siya. Nilapitan ko sila para ipakilala ang aking mga pinsan.

"Hi Matt." bati ko sa kanya. "These are my cousins. This is kuya Rox, this is kuya Rye, and this is ate Ria. They are siblings. Pagpapakilala ko sa mga pinsan ko. "And he is Matt, my classmate and -" sabay turo ko naman sa kasama niya.

"I'm Dominic." sagot naman nito at agad na iniabot ang kamay para makipag shake hands sa akin.

"Nice to meet you." sabi ko sa kanya habang nakikipag shake hands. "My hands." dagdag ko pa sabay taas ng kilay, ayaw kasing bitawan ang kamay ko.

"Ammm..sorry." paghingi niya ng paumanhin sabay bitaw sa kamay ko.

"Doon tayo."  sabi ni ate Ria sabay turo sa bakanteng table malapit sa mini stage. Mukhang may binabalak tong mga ito sa akin ha. Kasi nilapitan ni kuya Rox yung bokalista ng banda habang sila ay nagseset up.

"Good evening guys and welcome to our first set. "  sabi naman ng bokalista ng banda.

🎶Ikaw na pala, ang may ari ng damdamin ng minamahal ko....🎶
Paunang kanta ng banda.

Nanonood naman ang mga tao sa loob ng resto.

"Okay guys, we have a guest singer here." sabi ng bokalista pagkatapos niyang kantahin ang unang kanta.

"Let's welcome, Yannie" nagpalakpakan amg mga tao.

Sabi ko na nga ba. Ipapasubo ako ng mga pinsan ko.

Kinuha ko ang microphone, binulungan ko ang bokalista kung ano ang kakantahin ko tapos yumuko ito maya maya itinaas ang aking kamay habang nakasara ang aking kamao sabay tingin kay kuya Rox at tumango na tila nanghahamon ng away.

🎶"How can you see into my eyes like open doors?🎶

Pagbigkas ko ng unang linya ng kanta nakadama ako ng nerbiyos. First time ko kasing kumanta sa harap ng maraming tao.

🎶Leading you down, into my core Where I've become so numb, without a soul...🎶

🎶Bring me to life
Bring me to life
Bring me ti life🎶

Sa wakas natapos din.
Napatayo ang mga tao sa resto. Habang pumapalakpak.

"Thank you Yannie, what a wonderful performance. Pang hard core ka pala." papuri ng bokalaista sa akin at agad naman akong bumalik sa aking kinauupuan.

Maya maya, lumapit sa amin sila Matt para magpaalam.

Hindi na rin kami nagtagal sa resto kasi medyo malalim na ang gabi.

Agad kaming sumakay sa sasakyan at umuwi na sa bahay.

Pagpasok namin sa bahay, kanya kanya kaming tungo saga kwarto namin. Dumiretso ako ng banyo para mag shower. Pagkatapos, naupo ako sa aking kama dahil hindi pa ako inaantok.

Maya maya may kakaiba akong naramdaman. Tila ba lumakas ang aking pandinig. Para akong may naririnig na nagbubulungan. Tumingin ako sa aking paligid pero wala namang ibang tao sa aking kwarto. Magsitayuan na naman ang aking mga balahibo. Tila lumalakas ang bulong, papalapit ng papalapit sa aking tainga. Ang salitang tulong lang ang naintindihan ko sa dami ng sinabi nito. Tinakpan ko ang aking tainga dahil parang naka microphone ang bumubulong. Ipinikit ko rin ang aking mga mata at huminga ako ng malalim. At dahil nakaradam na ako ng takot, humiga ako agad at nagtalukbong. Maya maya, nawala ang bumubulong sa akin. Napaisip tuloy ako, baka epekto ito ng alak na ininom ko. Isang bote lang iyon.

Dahil sa.takot, nakatulog na ako ng di ko namamalayan.

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon