A/N: Shout out to Sandara Constantino, thanks for reading.
Yannie's POV:
Pagkatapos ng flag ceremony, dumirecho ako sa may bulletin board para tingnan kung mayroon akong pangalan sa listahan ng bagong dance troupe members.
Agad kong nakita ang aking panglan. Hinanap ko naman ang panglan ni Nikkie, wala ito. Binasa ko ulit isa isa ang mga pangalan dito, pero wala talaga. Pangalan lang ni Matt ang nakita ko.
May nakalagay na note sa ibabang bahagi nito. Schedule ng rehersal. "MWF 5:00 pm to 6:30 pm." mahina kong basa dito.
"Congrats." bati sa akin ng lalaki na nakatayo sa likuran ko.
Si Matt pala iyon. "Thanks. Congrats din." mahina kong sagot sa kanya sabay tingin sa kasama niya. Si Nikkie pala iyon. Napansin ko na nangingilid ang luha sa mga mata niya.
Inakbayan ko siya kaagad. "Okay lang yan Nikkie." sabay ngiti sa kanya.
"I'm happy for you beshie." sabi niya at may pilit na ngiti sa kanyang labi. "Pag close na kayo ni Sir pogi, ipakilala mo ako sa kanya ha?" dagdag pa nito.
"Oo naman." maikling sagot ko.
"Tara na sa first period, baka malate tayo." Sabi ni Matt sabay akbay sa akin.
Agad kong inalis ang kamay niya sa balikat ko. "Close tayo?" sabi ko sa kanya halata ang pagkairita sa aking boses habang magkasalubong ang aking kilay.
Agad naman niyang inalis ang kanyang kamay. "Sungit." mahinang sabi niya sabay yuko.
Pumasok na kami sa room. Di kalaunan dumating na rin ang aming teacher sa aming first period. Ang bilis ng ikot ng oras. Ganon ata talaga, kapag marami kang ginagawa. Di mo mamamalayan ang oras.
Ganon din ang nagyari sa iba pa naming klase. Hanggang sa mga panghapon naming subjects.
Inayos ko na ang aking mga gamit. Agad akong nagtungo sa room na nakalaan para sa dance troupe ng school. Nasa loob na ang dating mga miyembro, kakaunti na lang ang natira sa kanila kasi naggraduate na ang karamihan.
Unti-unting nagsidatingan ang mga bagong miyembro. "I think we are complete already. May I request everybody to settle down for a short orientation." sabi ni Sir Ven. Agad naman namin itong ginawa.
Tinawag niya isa-isa ang mga bagong miyembro. Binanggit din niya ang by-laws ng organization. Pati na ang do's and don'ts o ang Rules and Regulatuons. "Number 10. The last rule. Bawal ang mag boyfriend at girlfriend ang members." sabi niya. "Alam niyo ba kung bakit? Para maiwasan ang selos selos. Magkakapatid dapat tayong lahat dito." paluwanag nito.
Nagsitanguan naman kaming lahat.
"Okay, everybody form your line. Five members per line. Window window ha para makita niyo ang galaw niyo dito sa malaking salamin. Agad naman kaming naglinya.
"Kailangan nating maghanda ng isang sayaw para sa program next week. May bisita tayong darating. We have 4 days para magpractice kasama na ang araw na ito. Kung kinakailangan na magextend tayo ng oras sa mga sususnod na practice, gagawin natin. Kinakailangan maimpress natin sila. It's our first appearance. Paliwanag ni Sir habang inaayos ang speaker na gagamitin namin.
Maya maya pa nagsimula na ang tugtog. Hiphop ito.
"Panoorin niyo muna si Rick, tapos isa isa niyang ituturo ang steps sa inyo". Agad namang sinimulan ni Rick ang pag sayaw. Pinanood namin siya hanggang sa kalahati ng sayaw. Wala naman siyang sinayang na oras para ituro sa amin ang mga steps. Agad naman namin itong nasundan.

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.