A/N: Muling paalala. Ang istoryang ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakatulad sa mga pangyayari o tao ay di sinasadya.
Yannie's POV:
Paglabas namin sa room, tumunog ang cellphone ni Matt, sinagot niya naman ito kaagad habang nilolock ang pinto.
Saglit lang yung tawag. Nabaling ang tingin niya sa akin.
"Yannie, please cooperate ha. Basta sakyan mo lang ako. I'll explain everything later." seryosong sabi sa akin ni Matt.
Nakaramdam tuloy ako ng init. Tinanggal ko ang hoodie ko. Naka sando ako sa loob.
"Sh!t!" sabi niya sabay sampal sa noo.
"Why?" tanong ko na may pagtataka.
"Put it back." maawtoridad na sabi nito.
"Matt, naiinitan ako." sabi ko sa kanya.
"Please put it back. Nailock ko na itong room. Na kay sir ang susi. Di na tayo makakapasok sa loob para makapagpalit ka." mahinahong sabi niya sa akin.
Sinuot ko na lang ulit ang hoodie ko. Pero hindi ko isinara ang zipper para hindi ako mainitan.
Humarap si Matt si akin. Pinagdikit niya ang dulo ng hoodie at isinara ang zipper. "Much better babe." pangaasar na sabi nito sabay kindat.
Napakamot nalang ako sa aking kilay at "Aarrgghh" na lang ang tanging tunog na lumabas sa bibig ko.
Sinuot ko na rin yung ID at ganon din si Matt.
Habang naglalakad kami, nabaling ang tingin ko sa mga babaeng nakatayo sa isang poste.
Andun yung babaeng nagtanong kay Matt kanina kung anong ginagawa niya dito.
Napansin ko na nagbulungan sila. Naramdaman ko naman yung kamay ni Matt sa balikat ko. Bahagya niya akong hinila para maglapit kami.
Pagtapat namin sa mga babae, hinarang nung babaeng tinutukoy ko ang kanyang sarili sa dadaanan namin.
Naka chin up ito, nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Huminga na lang ako ng malalim. Bahagyang pinisil ni Matt ang aking balikat.
"Excuse me, Rian." sambit ni Matt habang nakatingin sa kanya.
"Mattie, ang bilis mo talaga, parang kailan lang ako ang akbay akbay mo ngayon iba na." maarteng sabi nito sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
Naiinis ako sa ginawa niya sa akin. Pangalawa na iyon ha. Hindi ako sanay sa ganon. Bahagya kong tinaas ang magkabilang sleeve ng hoodie ko. Napansin iyon ni Matt.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat tapos hinawakan niya ang aking baba. "Lets go babe." sabi niya sa akin na may lambing sa kanyang boses sabay hawak sa matangos kong ilong. Pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay. Hinawi niya rin si Rian para tumabi sa aming dadaanan.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang magkahawak ang aming kamay.
"Matt nakalabas na tayo sa campus baka pwede ko nang bawiin yung kamay ko?" sabi ko kay Matt at bahagyang itinaas ko ang magkahawak namin kamay.
"Sorry babe." sabi nito sabay ngisi.
Hinatak ko ang aking kamay at muling itinaas ang magbaliang sleeves.
"Banatan na kaya kita, nakakarami ka na e." pagalit na sabi ko sa kanya.
Tumawa lang siya ng malakas.
"Hali ka na nga." sabi nito sabay hila sa braso ko. "Lakarin na natin ha, malapit lang naman ang bahay namin dito." sabi nito habang hawak pa rin niya ako sa braso.

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.