A/N: Mga beshiewaps don't forget to recommend this story to your friends. Salamat much...😊😊😊
Yannie's POV:
Nakaupo na kaming lahat sa loob ng aming classroom. Five minutes na lang kasi mag sisimula na ang exam. Magkakalayo ang upuan ng bawat isa para masiguro ng aming teacher na walang magkokopyahan. Meron din kaming tig iisang folder pantakip sa aming papel.
"Good morning class." masayang bati ng aming adviser.
"Good morning Ms. Ocampo." bati rin namin sa kanya.
"Please bring out permit. Then pass it forward. " mahinahon nitong sabi at agad naman naming ginawa.
Maya maya, tiningnan niya kung kumpleto ang aming permit. Polisiya kasi ng school na di ka pwedeng mag exam kung wala kang permit.
Nang ma-check niya na kumpleto ang mga ito. Kinuka niya naman ang mga test papers.
"Listen for some instructions. Let me check your folder. Itinaas namin ang hawak naming folder.
"Is is clean?" tanong niya.
"Yes miss." sagot naman namin.
"You are given one hour in every subject. Please observe tour time in taking the exam. Is that clear?" taong niya sa amin
"Yes miss." sagot naming muli sa kanya.
"Read the directions carefully. Time starts now." paghudyat ng aming teacher sa pagsisimula ng aming pagsusulit.
Hindi naman ako nahirapan sa mga subjects nmin ngayong araw na ito. Lima na subjects ang natapos namin at may lima pa para bukas.
"Okay class, time is up. Pass your papers. Finish or not finish. Agad naming ipinasa ang aming test paper.
Habang nagliligpit kami ng gamit nagyaya si Matt na mag group study kami sa bahay nila. Pumayag naman kaming apat.
Sabay sabay kaming lumabas ng room at sa parking lot nagtungo. In-unlock ni Matt ang lock ng pinto ng kanyang kotse. Sa harap sumakay si Tonee at kaming tatlo naman sa likurang bahagi ng kotse naupo.
Ilang minuto lang, nakarating kami agad. Wala kasing traffic pag ganoong oras.
Pinarada ni Matt ang kanyang sasakyan. At agad naman kaming bumaba.
May kalumaan na ang bahay. Mukhang ancestral house nila ito.
"Pasok na." sabi ni Matt. Nauna naman akong pumasok.
"Good afternoon po." bati ko sa matandang nakaupo sa butaka. (sa mga hindi po nakakaalam kung ano butaka, paki google na lang beshie ha).
Ngiti naman ang isinukli sa akin ng matandang nakaupo dito.
Maya-maya pumasok na rin silang apat.
May lumabas na babae sa isang kwarto.
"Tita Rita, mga classmates ko po." pakilala ni Matt sa amin.
"Hello po tita." sabay sabay naming sabi habang kumakaway.
"Maupo kayo, ipaghahanda ko lang kayo ng meryenda. Matt, asikasuhin mo yang mga bisita mo ha." sabi ng tita ni Matt habang patungo sa kusina.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng bahay. Malinis at maayos ang mga gamit dito. Karamihan ay antigo. Napatingin ako sa lumang litratong nakasabit sa dingding. Nilapitan ko ito.
"Hayst, painting pala ito. Buhay na buhay." mahina kong sabi.
"Iyan ang aming lola sa tuhod. Si Lola Ambrocia." sabi ni Matt habang nakatayo sa likod ko.
BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.