A/N: Update update din pag may time, I mean habang may time.
Yannie's POV:
Dinampot ko ang akin cellphone at tinignan ang oras. 10:00 pm na, meron na kaya si papa. Niligpit ko ang mga gamit ko sa aking study table. At dali daling bumaba.
Sumilip ako sa garahe, andun na ang sasakyan niya. Agad pinuntahan ang reff. At pag bukas ko ng freezer. Tantananan....."Ice cream." Ang nasambit ko habang nakagat ang labi ko sa excitement.
Agad akong kumuha ng kutsara. At isang basong tubig. Sa kwarto ko na lang ito kakainin. Di naman siguro magagalit si mama sa akin pag nalaman niyang kumain ako sa kwarto ko. Sa kanya ko ata namana ang ganitong pag-uugali. Dapat maayos lahat. Dapat nakalagay ang mga gamit sa tamang lalagyan. Ibababa ko nalang tong pinagkainan no ng ice cream pagkatapos ko para di ako langgamin.
Pagpasok ko sa aking kwarto. Kinuha ko ang cell phone ko. Nagpatugtog ako ng isang old song. Mahina lamang ito para di mahalata nila mama at papa na gising pa ako.
Habang sumusubo ng ice cream, iniintindi ko naman ang lyrics ng musikang aking pinatugtog.
🎶Wise man say, only fools rush in. But I can't help, falling in-love with you.....🎶
Ang sarap pakinggang ng awit ni Elvis Presley. Habang sarap na sarap din ako sa pagkain na pinaka paburito kong flavor ng ice cream. Ang keso real. Naghahalo yung tamis ng ice cream at alat ng keso. Nakakarelax.
"One old song for an old soul." Sabi ko sa sarili habang napapaisip ako na di kaya matanda na ako, tapos nakulong lang sa katawan ng isang bata? "Hayst. Kung ano-ano nanaman ang iniisip ko." Tinuloy ko ang pagkain ng ice cream.
"I deserve this. After copying and studying all the lessons that I've missed form the past few days...this is life." Naputol ang pagsasalita ko nang maramdaman kong wala na palang ice cream. Naubos na. "May butas ata tong lalagyan." Sabay tingin sa ibabang bahagi nito. Wala na pala talaga, ubos na. Ganon ako kabilis kumain ng ice cream, samantalang di pa tapos ang tugtog.
Ininom ko na ang isang basong tubig. Dali dali rin akong bumaba para itapon ang pinagkainan ko. Hinugasan na rin ang baso at kutsarang ginamit ko.
Bumalik ako agad sa kwarto. Humiga sa aking kama. Ramdam na rin ang hapdi ng mga mata ko. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
"Hala! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit di ako makagalaw. Mabilis din ang tibok na puso ko at tila hinahabol ko ang aking pagninga." Pabulong ko na sabi sa aking sarili. Gusto kong sumigaw, pero walang boses na lumalabas sa aking bibig. Pilit kong iginagalaw ang katawan ko, pero sa tuwing ginagawa ko iyon, lalo akong nahihirapang huminga. Mamamatay na ata ako.
Pilit ko idinilat ang mga mata ko. Gulat na gulat ako sa nakita ko. Nakita ko ang aking sarili na mapayapang nakahimlay sa aking kama samantalang nakikita ko rin ang tila kaluluwa ko na nakalutang sa ere. Magkaharap kami. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, halos hindi na ako makahinga. Hanggang sa naisipan kong manalangin. Maya maya ay nakagagalaw na ako. Agad akong bumangon. Napaupo ako sa dulo ng aking kama. Hingal na hingal. Agad kong binuksan and ilaw. Sabay tingin sa aking repleksyion sa salamin. Buti butil ang aking pawis. Pero naka on naman ang aircon.
Tiningnan ko ang oras sa wall clock na nakasabit sa pader, 3:00 pa lang ng madaling araw.
Unti-unti akong kumalma. At muling nagtanong sa aking sarili. Epekto kaya ito ng pagka aksidente namin ni mama? Ano kayang nangyayari sa akin? Hindi ko maipaliwanang ang nararamdaman ko. Mag pag aalala at may takot. Takot saan? Takot kanino? Hindi ko maintindihan.
Huminga ako ng malalim. Muli akong nanalangin. At di kalaunan nakatulog na ako ulit. Di ko na pinatay ang ilaw.
*****Beshiewaps, don't forget to vote, comment and share😊😊😊

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.