Chapter 8 Audition

20 5 0
                                    

A/N: Beshiewaps paki intindi na lng mga wrong spellings ha. Nag eedit ako, promise. Pero di ko naeedit lahat.

Yannie's POV:

Ikalawang linggo pa lang ng pasukan pero parang ang dami ng nangyari.

Ngayon pala yung schedule ng pagoorganize ng mga organizations at clubs. Ano kayang sasalihan ko?

Habang nasa corridor ako para tingnan ang mga nakapaskil na posters ng bawat club at organizations, mukhang lalo akong naguluhan sa dami ng pagpipilian.

"Sasali ako sa dance troupe. Ang pogi kasi ng dance instructor dun." May kilig sa tinig ng babaeng nasa likuran ko. Nang aking sinulyapan, nakatayo na pala ang mga beshiewaps ko. Si Nikkie pala yung nagsasalita.

Parang nag iba ang boses niya.

"Ikaw Yannie, anong sasalihan mong club? Dapat daw may isang co-curricular at isang extra-curricular." Sabi naman ni Tonee.

"Science nalang siguro ang sasalihan ko sa co-curricular. Pero di ko pa alam kung anong extra ko." Sabay buntong hininga.

"Ano kaya kung dance troupe na lang." sabi ni Matt. Nasa likod ko rin pala siya.

"Close tayo?" Pabara kong sagot sa kanya. Pinahalata ko rin ang pagkairita ko sa kanya.

"Sungit." Sagot niya habang lalong lumapit sa sa mga posters na naka paskil sa bulletin board. Agad naman akong umalis sa kinatatayuan ko at lumipat sa tabi nila Reese at Tonee.

"Kayo, ano sa inyo?"

"English club at Grandmasters' club sa akin." Sabi ni Reese. Syempre siya kasi ang Editor-in-chief ng school paper namin. At mahusay mag laro ng chess.

"Ako, Mathtinik at Maskara (Theater arts club) si Tonee.

Agad naman kaming napatingin sa kanya at sabay sabay na napa nganga.

"Are you out of your mind, Tunying?" Tanong ni Nikkie at pinandilatan ito.

"Oo nga." dagdag pa ni Reese.

"Masyado niyo naman siyang inaapi." sabay akbay ko kay Tonee. "Bakit dun ka sasali?" tanong ko rin sa kanya. Boplax siya sa math at lalong walang alam sa pag arte. Ay grabe siya. Lait pa more. Nagaantay ako ng sagot niya.

"Simple lang ang sagot. Yun kasi yung sasalihan ni Nadine." sabay yuko at tila kinilig sa sinabi.

"Okay fine. We'll support you beshie." sabi ni Nikkie sa kanya.

Magsasalita pa lng sana ako nang may babaeng nagsasalita sa likuran ko. "Tabi jan. Tabi sabi eh." Maawtoridad na sabi ng babae.

Nilingon ko at agad naman kaming tumabi sa isang sulok.

"Hayst. Andito na  ang bratinelang bruha." Mahinang sambit ko.

Siniko naman ako agad ni Tonee at sinabing "Baka marinig ka ng impakta." Sabay tawa at tinakpan amg bunganga.

Hinila ako ni Nikkie, halos mapadapa ako sa lakas nang paghatak niya sa akin. "Malelate na tayo." Sabi niya.

Pumasok kami sa isang silid. Marimi ring estudyante sa loob.

"Mukhang nagsisimula na ang orientation. " Sabi ni Matt at agad naman kaming nag indian sit sa tabi ng mga estdyanteng naka upo sa sahig.

Titig na titig ni Nikkie sa bagong dance instructor. Siya si Sir Ven. Bagong teacher.

"Sabi ko na Barbie."  Mahinang sambit ko pero narinig pala nilang dalawa at sabay na tumingin sa akin.

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon