Chapter 3 Day 3

62 7 0
                                    

Tatlong araw na ako, este kami ni mama dito sa hospital. Bagot na bagot na ako. Pasukan na sa Lunes pero di pa ako makakapasok. Sabi kasi ng doktor kailangan ko pang magpahinga ng kahit tatlong araw pa para maghilom ng mabuti ang mga sugat ko. Ang tagal kaya nung tatlong araw.

Napatingin ako sa binti ko. Halatang halata na ang kulay ubeng pasa. Hinimas ko ito ng bahagya. Masakit pa rin. Bigla ko na lang naisip, pano kaya kung naputol ang mga binti ko. Marami akong di na magagawa kung sakali.

"Hayst!" Napabuntong hininga na lang ako.

Biglang may kumatok sa pinto kaya naman napabalikwas ako sa higaan ko sa pagkagulat. Maya maya pa ay pumasok na ang mga friendship ko si Reese na nerd. Nagbabasa na naman ng libro habang naglalakad. Si Nikkie na sobrang kikay. At si Tonying, este si Tonee na akala mo laging nanghahamon ng suntukan sa kaangasan. Well ako naman, just a simple girl with a ready smile on face always. Marami pa akong kaibigan pero kaming apat lang talaga ang super duper close kahit magkakaiba kami ng personality.

"Yannie, beshie, kamusta ka na? Tanong sa akin ni Nikkie habang nilalapag ang isang supot sa ibabaw ng maliit ng mesa.

"Hello tita." bati naman nilang tatlo kay mama.

"Hello girls." maikling sagot niya sa mga beshiewaps ko.

Sabay sabay silang naupo sa mahabang upuan na nakalagay malapit sa higaan ko.

"Ghorl, pasukan na sa Monday and I'm so exzoited." Maarteng sabi ni Nikkie

"Makakapasok ka na ba?" tanong naman ni Reese

Pinagmamasdan lang naman ako ni Tonee.

Napabuntong hininga ako ng malalim. "Di pa ako makakapasok e." habang nakasimangot. "Kalangan ko pang magpahinga para gumaling din lahat ng sugat ko. Masakit parin kasi hanggang ngayon."

"Awww..."Bakas ang pagkadismaya sa mukha ni Tonee. "Di tayo kumpleto sa first day high."

"So sad naman beshie Yannie." Dagdag ni Nikkie.

"Pano ba yan besh, di na kami magtatagal ha. Pupunta pa kasi kami sa mall, bibili ng school supplies. Baka may ipapabilika?" tanong ni Reese.

"Ammm...wala" habang umiiling ako.

"Ganon ba? Alis na kami besh. Kainin mo nga pala yang orange ha. May vitamin C yan. Para madalimg gumaling mga sugat mo. Sabi ni Reese.

"Yup!" sagot ko habang nakangiti sa kanilang tatlo. "Salamat sa.pagbisita mga beshies." Sabay beso beso sa kanila at isa isa na silang lumabas sa pinto.

Napatingin ako kay mama, mahimbing ang tulog niya. Habang pinagmamasdan ko sya, may kakaiba akong naramdaman. May malamig na hanging na tila yumakap sa akin. Agad kong kinuha ang kumot ko. Sigurado akong hindi iyon yung aircon kasi nakatutok iyon sa itaas. Ayaw ni mama ng sobrang lamig. Maya maya pay biglang nagsitayuan ang mga balahibo mula sa likod ko hanggang sa ulo at mga kamay ko.

"Goosebumps" nasambit ko habang marahang hinaplos ang aking mga braso. Napalingon ako sa may maliit na mesa. Kung saan nilapag ni Nikkie ang supot ng mga oranges. Gumalaw ito. Na tila ba niyanig. Agad akong tumingin sa paligid, baka kako lumilindol. Pero yung tanging maliit na lamesa lamang ang gumalaw na bagay sa loob ng kwarto.

Hindi ako kumurap. Muling gumalaw ang maliit na lamesa kaya naman nalaglag ang ilang pirasong orange. Gumulong ito sa baba ng kama ni mama. Sinundan ko ito ng tingin. At gulat na gulat ako ng biglang mga kamay na dumakma sa orange na napunta sa ilalim ng kama ni mama. Agad akong nagtalukbong. Ipinikit ko ang mga mata ko. At nagsambit ng munting panalangin na para bang di ko mabanggit ng husto ang ilang linya dahit sa takot.

May bihlang kumatok sa pinto. Kaya naman napasigaw ako.

Dalidaling pumasok ang tao sa labas at nilapitan ako sabay hawak sa akin.

"Bakit? Anong nangyayari sa iyo!? nagaalalang tanong sa akin ni Papa.

Nang mabosesan ko siya, tinanggal ko ang kumot na nakasaklob sa akin at kinalma ang aking sarili.

"Wala po Pa. Nananaginip lang ako." palusot ko.

Agad niya naman akong inabutan ng isang basong tubig. At lumapit naman siya kay mama. Hinaplos niya ang buhok ni mama, bahang pinagmamasdan niya ang mukha nito. Ginising niya si mama.

"Ma, lalabas na kayo mamaya. Nakausap ko na si Dr. Ross. Okay naman lahat na lab tests ninyong dalawa kaya pwede na kayong madischarge. Aayusin ko lang ang mga gamit para pagkatanggal ng mga swero ninyo. Okay na. Ready to go home na."

Excited lang si papa na umuwi. Ako rin ayaw ko na dito sa hospital so creepy.

Makalipas ang ilang minuto, pumasok na ang nurse.

"Ganda, alisin na natin yan" sabay turo sa kamay ko.

Lumaki lalo ang tenga ko sa salitang ganda. Feel na feel ko naman.

Tinanggal na rin niya ang swerong nakakabit kay mama.

Naguusap si mama at yung nurse. Tungkol ata ito sa mga takehome medicines namin. Di ko na narinig ang usapan nila dahil abala ako sa pagligpit ng mga gamit ko.

"Yannie, lets go." Sabi ni mama at agad naman akong sumunod sa kanya.

Paglabas ng hospital, agad naman kaming sumakay sa sasakyan namin. Agad naman itong pinaandar ni papa.

Few minutes later, "Home sweet home." malaki ang ngiting namutawi sa mga labi ko at agad akong nag tungo sa kwarto ko. Ninamnam ang sarap ng paghiga sa kama ko. Agad naman akong nakatulog.

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon