Yannie's POV:
Isang malakas na sigaw ang gumising sa akin. Pag dilat ko ng aking mga mata, ang bilis ng tibok ng puso ko, hinahabol ko rin ang hininga ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko, parang may humahabol sa akin.
Huminga ako ng malalim para mapakalma ang aking sarili. Bigla namang may kumatok sa aking pintuan. "Yannie, anak okay ka lang ba!?" Nag aalalang tanong ni manang.
"O...opo manang." mabilis ko sagot. Bumangon ako at agad binuksan ang naka lock na pinto ng aking kwarto.
"Bakit? Anong nangyayari sa iyo!? Bakit ang lakas ng sigaw mo? sunod sunod na tanong ni manang sa akin at bakas ang pagaalala sa pagmumukha niya.
"Okay lang po ako manang. Nananaginip lang ako." Sagot ko sa kanya para di na siya mag-alala.
"Ano bang napanaginipan mo? tanong niya ulit sa akin.
"Di ko na po maalala." Maikling sagot ko para matapos na ang usapan namin.
"O siya. Babalik na ako sa kusina. Itutuloy ko lang yung niluluto ko. Hay! Hala! Sunog na ata!" dali dali siyang lumabas sa kwarto at tumuloy sa kusina.
"Napaka weired naman nung panaginip ko." mahinang sabi ko sa aking sarili. "Ano kaya ang ibig sabihin non?" dagdag ko pa habang iniisip ang bawat detalye ng panaginip ko. Napabuntong hininga na lang ako sabay tingin sa pinto ng kwarto. Nakatayo dun si papa. Naka ngiti siya sa akin.
"Gising na pala ang anak kong maganda." Sabi niya sa akin habang nakangiti. "Mukhang excited ang anak ko sa pagpasok ha?" dahdag pa niya.
Sinuklian ko naman siya ng isang matamis na ngiti.
"Magready ka na anak bago kumain ng agahan para di ka malate." Nakangiti pa rin siya sa akin.
"Opo papa." sagot ko at mabilis na kumilos. Agad kong inayos ang higaan ko. Binuksan ko rin ang aparador na lagayan ng mga damit ko para tumingin ng gagamitin ko sa araw na ito.
Kumuha ako ng isang t-shirt at isang pantalon. Tutal Wednesday ngayon, ordinary day. Mas gusto kong ganito ang gamitin tuwing Wednesday para kumportable. Di tulad ng ibang estudyante, dress to kill. May party? May party? Parang may party kung manamit sila.
"Hayst, makaligo na nga." kung ano ano na naman kasi ang iniisip ko. Paki alaman ba ang pag dadamit ng iba.
Habang naliligo ako. Pinagmamasdan ko ang mga sugat sa braso ko, pagaling na ang mga ito. Wag lang sanang magpeklat. Sayang naman ang kutis kong alaga sa papaya soap. Ang mahal kaya ng sabon na iyon. Para naman ako yung bumibili. Galing naman yun kay mama. Maalaga kasi yun sa sarili kaya mas mukha siyang bata sa kanyang edad. Di tulad ko, mag sisixteen pa lang ako pero parang mukha na akong matanda. "Hayst, ang unfair talaga ng mundo." sambit ko habang nagsasabon. Natuon naman ang aking paningin sa pasa sa binti ko, medyo naging light na ang kukay ubeng pasa ko pero medyo masakit pa rin ito kapag nahahawakan ko.
"Yannie, dalian mo jan. Malelate ka sige." boses ni mama. Agad ko namang binilisan ang pagligo para makakain pa ako ng mabuti.
Pagbaba ko sa hagdan, paakyat naman si mama. Nakatingin siya sa akin. "Bakit ganyan ang itsura mo? medyo salubong ang kilay niya at tinignan ako muka ulo hanggang paa.
"Ha? bakit ma? May halong pagtataka sa tono ng boses ko habang nagtatanong "Okay naman tong suot ko ma ah. Sabay tingin sa aking sarili.
"Ang dami mong dress doon. Bago pa ang mga iyon. Parang ni isa sa mga binili ko, wala ka pang nagagamit." may pagkairita sa kanyang boses at lalong nagsalubong ang kanyang kilay.
"Hayaan mo na yang anak mo kung yan ang gusto niyang isuot." sabi ni papa habang pinagmamasdan kaming mag-ina.
"Ayan ka na naman, kaya tumitigas ang ulo ng batang ito." Sambit ni mama habang itinuloy ang pagakyat sa hagdan
Kinindatan naman ako ni papa. Sabay turo sa kusina. Tumango na lang ako at naupo sa hapag. Inabot naman ni manang ang gatas sa akin.
Pagkatapos kong kumain agad kong kinuha ang mga gamit ko sa aking kwarto. Sakto pagbaba ko, ready na rin si papa.
"Halika na, ihahatid na kita." Sabi ni papa habang dinadampot ang mga gamit niya sa sofa.
Agad naman akong nagtungo sa garahe para sumakay sa kotse. Binuksan naman ni manang ang gate. At agad namang pinaandar ni papa ang aming sasakyan.
Maya maya pa, "We're here." sabi ni papa. Inihinto ang sasakyan sa tapat ng gate ng school. At in-unlock ang pinto ng sasakyan para ako ay makababa.
"Babay papa." Sabi ko sa kanya at hinalikan niya naman ako sa may noo. Ang sweet sweet talaga ng papa ko. Inabot niya na rin ang baon ko pang isang linggo. Eh three days lang naman ako papasok. Pero buo pa rin ang binigay niyang baon. Maidadagdag ko nanaman ito sa savings ko.
Pag pasok sa gate, "Good morning manung guard." Masayang bati ko sa gwardiyang nakabantay sa gate.
"Good morning ganda." sagot naman niya sa akin habang naka ngiti. Ganda ko talaga...
Nang makapasok na ako sa loob ng school, pinaandar naman na ni papa ang kanyang sasakyan.
Kasalukuyan ang flag ceremony kaya minabuti kong mag stay sa tabi ng guard house. Maya maya pa nag ring na ang bell, hudyat ng pagsisimula ng first period.
Dali-dali akong nagtungo sa room namin. Hiningal ako sa paglakad at pag akyat sa hagdan. Sa 4th floor kasi ang eoom namin, at sa pinaka dulo pa ng building.
Pagpasok ko sa pinto ng room, nagtinginan naman ang mga kaklase ko sa akin. May mga naka ngiti. May mga nag bubulungan. Tinuon ko naman ang pansin ko kay Miss Ocampo, ang aming adviser. Iniharap ko ang aking bag, binuksan ito at kinuha ang medical certificate at iniabot ko ito sa kanya sabay bati ng "good morning maam." Syempre may ngiti sa aking mga labi.
"Buti naman okay ka na Miss Garcia. Sige maupo ka na para magsimula na tayo." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Inikot ko ang aking paniningin para maghanap ng mauupuan. Pumukaw sa aking pansin ang lalaking naka masid sa akin. Nakatingin siya sa aking mga mga mata, seryoso ang mukha niya.
Nawala ang ngiti sa aking labi at nakipag titigan ako sa kanya habang dahan dahan na naglalakad. Habang nakatingin kami sa isat isa, unti unting tumatayo ang aking mga balahibo, mula sa likod ko hanggang sa ulo, hanggang sa aking mga braso. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko. Para pang nag slow motion ang galaw ng lahat ng nasa paligid ko.
Love at first sight na ba to? Tanong ko sa aking sarili, habang napailing ako. Pero di ko pa rin inaalis ang paningin ko sa kanya at ganun din naman siya sa pagkatitig sa akin. Di ba dapat kilig ang mararamdaman pero bakit parang kinikilabutan ako. Tanong ko sa sarili.
"Ehem, Good morning class." Bati ni Ms. Ocamapo sa amin.
Dahil sa pagbati niyang iyon, bumalik naman na sa normal ang lahat. Tumingin ako sa paligid ko, sabay hanap sa bakanteng upuan, nalagpasan ko na pala ito. Buti walang nakahalata sa akin kasi patayo na rin silang lahat para batiin din ng good morning si ma'am.
"Please be sitted. Sabi niya at nag si upo naman kaming lahat.
"Ms Garcia, manghiram ka na lng na notebook ng mga classmates mo ha, para makita at maaral ang mga namiss mong lessons." sabi sa akin ni ma'am.
"Opo." Maikling sagot ko sa kanya sabay tingin sa may kaliwa ko. Doon naka upo si Reese. Notebook niya na lang ang hihiramin ko sigurado kumpleto yun.
Magsasalita pa lang sana ako, pero inunahan niya akong magsalita.
"Yannie, you can borrow my notes after class." mahinang sabi ni Reese sa akin. Nagsasalita na kasi si Ms. Ocampo sa kanyang lecutre.
"Thank you." mahina ko ring sagot sa kanya habang nakangiti.
Itinuon ko na ang aking pansin kay ma'am at nakinig ng mabuti sa kanyang mga sinasabi.
Ganun ding ang ginawa ko sa iba pa naming subjects. Parang ang bilis ng oras at natapos na ang pang umaga naming mga subjects.

BINABASA MO ANG
The Gift
ParanormalAng kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang pagkakahawig sa tunay na mga pangyayari, o tao ay di sinasadya. Babala: May mga eksenang nakakakilabot. Read at you own risk.