Chapter 14

26.5K 546 16
                                    

Riley's POV

Tila nawalan ako ng dugo nang marinig ko'yung sinabi ni Kiefer. Kahapon lang nangyari 'yun pero sariwa parin sa akin ang lahat. Lahat nang sinabi niya, hindi ko tuloy mapigilang hindi mangamba ulit. Kilala niya na kaya kami? Nahalata niya na ba?

Shit! Napahilamos ako sa mukha ko. Hinablot ko ang cellphone ko na nasa lababo, wala paring text galing kay Carmela. Kanina pa ako tawag ng tawag at text ng text sa kanya pero shit! Wala man lang isang sagot mula sa kanya, ano na kaya nangyari sa babaeng 'yon? Baka may trabaho.

Bumuntong hininga ako. Lumabas ng  kusina tsaka dumeresto sa kwarto. Nandatnan kong tulog na si Peyton, hawak nito ang kanyang unan habang mahinang humihilik. Lumapit ako at hinalikan ang kanyang noo. Pagkatapos ay tinungo ko ang laptop sa ibabaw ng mesa, nakibalita tungkol kay Kiefer. May bagong news na naman kasi.

Nakita siya ng mga tao sa isang karenderya, ito iyong pangyayari kahapon, pero hindi naman tumagal ang pananatili niya doon, ayon sa balita. Parang alam ko na kung anong pinunta niya doon, sinusundan niya yata kami ni Peyton. Imposible namang makikilala niya kami sa ganong kalagayan. Kung kilala niya na kami dapat pinahuli niya na kami sa mga tauhan niya, subalit hindi niya ginawa.

May binulong pa siyang iba pero hindi ko narinig. Narinig ko lang ang pangalan sa bibig niya, tingin ko may idea na siya tungkol sa pagkatao ko at kay Peyton. Siguro sa mga oras na 'to pinaimbestiga niya na kami.

Hinilot ko ang sentido ko. Dahan-dahan akong nag-scroll down sa laptop ko. Hanggang duon na lang sa karenderya ang balita tungkol sa kanya. Padabog kong sinara ang laptop, tsaka tiningnan kong muli ang cellphone ko, wala paring Carmela'ng nagti-text. Sumasakit na ang ulo ko! Saan na ba kasi ang babaeng iyon? Mag a-alas diyes na ng gabi, imposibleng hindi pa tapos ang trabaho non.

Tumayo ako sa kinauupuan ko, nagpasya na magpahangin muna sa labas kayat lumabas ako ng bahay. Actually itong bahay ay pagmamayari ni Queenie dito sa Pilipinas, hindi natuloy 'yong flight niya dahil bantay sarado ang airport. Para namang may virus si Queenie. Kakainis. Kaya heto kami ngayon, nagmumokmok. May tinatago din namang mga calibre dito si Queenie, magagamit ko 'yun kung sakaling balaking sugurin kami ni Kiefer. Kailangan kong paghandaan ito, ilang ulit ko na bang sinasabi sa sarili ko na paghahandaan ko 'to? Hindi ko na kasi mabilang. Walang kwenta kapag kaharap ko na si Kiefer. Hanggang ngayon mapagmataas parin siya, gusto niya lahat susunod sa kanya.

At saan na 'yung pangakong lalayo kami sa kanya? Na iwasan 'yung pisteng media? Heto siya ngayon sinasawalat pa yata na may anak siya at may plano pang kunin sa akin. Iritado akong tumingin sa buong kapaligiran, madilim na at wala ng mga tao. Sobrang lakas pa ng hangin, sinasabayan ng lamig. 

Maya maya pa ay nagpasya na akong pumasok dahil nilalamig na ako kaya lang napahinto ako ko nang makarinig ng yapak sa loob ng bahay. Bukas din ang bintana na nagmula sa loob ng kwarto namin.

"Shit."

Bigla akong pinagpawisan. Dahan-dahang humakbang papasok ng bahay. Bawat yapak nito ay rinig na rinig ko. Nakasapatos ito, malaki ang katawan siguro. Anong binabalak ng taong 'to? Magnanakaw kaya? Tinungo ko ang sofa, kinuha ko sa loob ng sofa ang pistol ko tsaka inangat ito sa ere habang paakyat. Medyo humina na ang mga yapak nito pero hindi ako nagpatinag. Hanggang sa tuluyan na nga akong nakapasok sa loob ng kwarto namin ni Peyton, nagtago ako sa likod ng pinto. Hinintay ang papalapit na yapak.

Huminto ito kaya unti-unti akong sumilip upang tingnan ang mapangahas na tao na iyon, ngunit nagulat ako nang makitang nakaluhod ito sa paanan ng kama ng anak ko. Dahil sa dala ng kaba at galit, sinipa ko ang pintuan at tinapat sa kanya ang baril ko.

"Huwag kang gumalaw or else papasabugin ko 'yang bungo mo!" singhal ko at mariin kong tinutok sa kanya ang baril. Pero tila wala lang ito sa kanya. Nakaupo parin siya. Hindi gumalaw.

Hindi ba siya aware na mamamatay siya sa isang bala lang? Is he dumb?!

"Who the fvck are you. Answer me," gigil kong saad muli ngunit limitado lang baka magising si Peyton.

Unti-unti akong humakbang papalapit sa kanya. Ang nguso ng baril ay tinutok ko sa ulo niya. Baka kasi tumakas. 

"I said...who are....."

"If I were you I won't hesitate pressing the trigger." Malamig na sagot nito na sanhi ng panlalaki ng mata ko.

K-Kiefer!

Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at hinila ang kamay ko subalit hindi ko siya binigyan ng tyansa. Sinipa ko ang kanyang tuhod kaya't napaluhod siya. Shit! Siya nga!

Ngumisi siya sa akin. "Oh come on!"

"Umalis ka sa pamamahay ko, Mr. Montefalco!"

"Why would I? Ngayong abot kamay ko na kayo?" ngumingisi parin siya ngayon habang ako naman ay nangigigil na paputukan ang kanyang bungo. Wala talagang kinatatakutan ang demonyo na 'to. Kung nakikita niyo lang ang kanyang reaksyon ngayon, mapapamura ka nalang sa inis at galit. Is he playing with me?

"Umalis ka na. Papalampasin ko ito, Monte—" bago ko pa man matapos ang sasabihin...isang marahas na kamay ang humila sa akin at galit ako nitong sinandal sa pader dahilan ng pagpikit ko ng mariin. Galit ang mga matang nakatitig sa kanya.

Inangat ko ang tuhod ko. Akma ko na sana itong itatama sa pagkalalaki niya nang hawakan niya ang binti ko. Humigpit ang kanyang pagkahawak nu'n. Tangina!

"Bitawan mo 'ko."

"Nice try." Bulong niya sa tainga ko. Bago pa man sumilay ang nakakainis na ngisi sa kanyang labi, inunahan ko na siya. Sinipa ko ang kanyang tiyan.

"Fvck!" mura nito habang hawak nito ang kanyang tiyan. Hinila ko ang buhok niya kaya lang nahila niya rin ako. Ang kinalabasan nakadagan na siya sa akin ngayon. Andu'n parin ang pisteng ngisi niya sa labi kaya't lumilitaw ang malalim nitong mga dimples sa pisnge. Argh! Damn it!

"Let go!" I hissed. Pilit hinihinaan ang boses baka marinig ni Peyton.

"You're enjoying this, huh,"

"Let me go, you manyak!"

"If you stop." Bulong niya. Sinamaan ko siya ng tingin, pilit kumakawala pero sobrang tigas ng mga braso niya. Ang lakas niya. Hindi ako basta basta makagalaw. Tangina!

"Ano ba! Bitawan mo 'ko!"

"Tss, shut the fvck up." He hissed. Umirap ako ng todong-todo, nilapit ko ang mukha ko sa kanya sabay pakita ng ngiti sa labi na kinakunot ng noo niya. Gustong niyang maglaro? Sige, pagbibigyan kita Montefalco.

Ilang dangkal na lang ang pagitan ng labi namin, mas lalo tuloy akong ngumisi dahil sa seryosong titig niya.

"What are you pl...."

Nilapit ko ang labi ko sa kanya tsaka kinagat ang ibabang labi niya na kinadaing niya kayat lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

"Fvck! What the fvck!" mura nito. Tumayo ako para siya naman ang sasaktan ko ng may tatlong armadong nakatayo sa harapan namin.

Mabilis na kumunot ang noo ko. What is this?

"Handa na po ang sasakyan, Sir Montefalco."

Tumayo si Kiefer. Pinagpagan niya ang kanyang damit bago tumingin sa gawi ko.

"Damn you witch. Take her." Malamig na sabi niya at kaagad namang sinunod ng kanyang mga tauhan. Oh shit!

"Huwag kayong lumapit!"

"Don't you dare! Bwesit ka, Kiefer, huwag mo idadamay ang anak ko dito!"

"SHUT THE FVCK UP! TAKE HER NOW! LAGYAN N'YO NG TAPE ANG BIBIG NYAN PARA HINDI MAKASIGAW."

Nanlaki ang mga mata ko. Paulit-ulit akong umiiling at pilit kumakawala sa mga dambuhalang ito. Sinipa-sipa ko pa sila pero tila walang epekto sa kanila.

"Don't you dare take my son away from me! Montefalco! Papatayin kita!"

"I won't. Both of you will come with me. So better shut the fvcking up!"

What the hell was that?

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon