Chapter 7

33.7K 563 9
                                    

Riley's POV

"I'm not doing this for my own self Carmela, I need you. Ikaw na lang aasahan ko sa pagkakataon na ito. Can you take care of my son? Promise, after this plan. Tutulungan kitang mahanap ang mag ama mo." binulong ko na 'yung panghuli at mukhang hindi niya naman narinig iyon. Carmela Bleserion is one of the goddesses, I mean one of my friends. She used to come with me all the time since hindi niya maalala sina Alex at the rest na mga kaibigan namin.

May amnesia siya at hanggang ngayon wala parin siyang maalala pero alam kong may asawa at anak siya, ngunit patay na ang lalaking anak niya. At ang mag-ama niya naman ay iniwan siya ng gumising ito sa hospital. Naging kaibigan ko siya dahil kina Penelope pero sa akin lang siya laging lumalapit. Model din ito sa Roswell Company. Sabagay, kung saan-saan naman napupunta itong mukha niya. She's pretty naman kasi.

"Jusko ah! May trabaho ako, Riley. Model ako! Hindi maid!" Umikot ang kanyang mata at sinapak ang sariling noo. Ngumiti naman ako sa kanya at ngumuso na kinataas niya ng kilay.

"Ngayong araw lang naman, titingnan ko pa kung matatanggap ako sa inaaplayan kong trabaho." sagot ko. May nakita kasi akong papel kahapon na nakadikit sa restaurant dyan sa ibaba. Nagka-interes ako kaya't kinagat ko na ang trabaho bilang maging Secretary. Madali lang naman iyon. Tinawagan ko ang number na naroon at babae ang sumagot, sabi niya ngayon daw ang interview at ang boss ko daw ang magi-interview sa akin. Medyo kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon kong mag-trabaho bilang Sekretarya.

"Sigurado ka ba riyan? Pwede ka naman maging model ah, gaya ko. Sayang 'yang mukhang iyan, kaya lang maaga kang nagkaroon ng anak."

"Please, babalik din naman ako kaagad, susubukan ko lang naman kung matatangap ako," pakiusao ko pa at inayos ko 'yung dress ko hanggang tuhod na hapit na hapit ito sa beywang ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at nilagyan ng liptint ang labi ko.

Bumuntong hininga si Carmela at tiningnan niya 'yung anak kong ngayon ay mahimbing parin ang tulog. Maaga kasi ang interview ko ngayon at hindi lang naman daw ako ang mag-aaply, marami pa daw. Kinakabahan ako baka hindi ako matanggap, sa bar talaga bagsak ko nito.

"Your son is handsome, mukhang mayaman din ang ama niya. Bakit hindi mo na lang hanapin ang ama niya? Naamoy kong mayaman ang ama ng batang 'yan. You don't need to work anymore." hindi alam ni Carmela na mayaman ako at sapat na ang pera ko para buhayin ang anak ko. Kilala niya lang ako bilang Riley, wala rin naman akong balak na sabihin sa kanya ang pagkatao ko dahil 'yon ang gusto ko.

"Nah, no need. Kaya ko namang buhayin ang anak ko sa sariling sikap ko. At isa pa? Hindi ko kilala 'yong ama niya. One night stand lang kasi 'yun." mapait na pahayag ko kahit ang totoo niyan ay kilala ko at naging boyfriend ko pa pero dahil gago siya? Gago talaga siya.

"Hindi libre ito ah. Kailangan may sweldo, kumakayod din ako, Riley. Bayaran mo 'ko."

Tumango ako "Oo naman, wala naman kasing libre sayo."

"Sige na umalis kana!" Pagtataboy nito sa akin. Nginitian ko naman siya tapos humalik ako sa noo ng anak ko. Kaagad akong lumabas ng condo nang makitang mag a-alas syete na. Tinungo ko ang kotse ko sa parking lot tsaka ito pinaandar patungo sa kompanyang aaplyan ko. Hindi naman malayo ang kompanya dahil ilang metro lang ito sa condo namin.

Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin baka magmumukha akong engot sa harapan ng boss ko. I need to look presentable, para dagdag points na din iyon sa sarili ko. Nang ma-satisfied na ako sa sarili ko, bumaba ako ng kotse bitbit ang folder na pinadala ni Queenie kahapon galing US. Iba ang pangalan ko rito at mas lalong iba ang mukha ko ngayon, hindi naman nahalata ni Carmela ang mukha ko kasi wala namang pakialam ang babaeng iyon sa ano man ang anyo ko at sa kung sino man ako. Naka-dress ako ngayon ngunit makapal ang make up ko, ang buhok lang ang umiba dahil ganu'n parin, ni hindi ko nga nakilala ang mukha ko eh. Ampangit ko kasi.

BS02: The Mafia Boss Son(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon